Kinalakihan ni Downy at Dorsy ang pananahi ng mga basahan dahil iyon din ang ikana-bubuhay ng kanilang mga magulang.Bata pa lang sila ay pangarap na talaga nilang maka-ahon sa hirap lalo na si Downy.Lagi niyang pinapangarap na makapag asawa siya ng mayaman,
guwapo,macho at higit sa lahat marami ang pera.Hindi naman siya maluho pero may mga insecurities din siyang taglay.Lalo na ang makabili din siya ng mga bagong damit, bags at shoes na uso.Ang mga gamit niya kasi ay karamihan sa ukay-ukay lang niya nabibili.Pero kahit ganoon ay pinipili naman niya yung medyo may dating or class ng konti kapag natitignan."Ate Dors, kapag talaga may nanligaw sa akin na mayaman papatusin ko agad!" Basag ni Downy sa kanyang ate.Abala sila sa pagtatahi ng basahan ng mga sandaling iyon.Ang kanilang mga magulang naman ay nasa palengke para itinda ang mga basahan na natahi na nila.May maliit silang puwesto doon.Minsan ang kanilang ama ay naglilibot sa palengke upang kahit paano ay makabenta sila ng marami-rami.
"Atupagin mo nalang 'yang pag-aaral mo." Kontra ni Dorsy sa kanya.
"Ate naman, eh!" Maktol ni Downy.Kumukuha siya ng kursong business at nasa pangalawang taon na siya.Dalawang taon pa at makaka-graduate na siya.Malaking kaginhawan sa kanyang ate kapag makatapos siya dahil ito naman ang mag-aaral muli.Nahinto kasi ang ate niya sa pag-aaral para makatulong ito sa pag-aaral niya.Hindi kasi sila kayang pag-sabayin sa pag-aral dahil hindi sila kayang tustusan ng kanilang mga magulang.
Hindi sumagot ang ate Dorsy niya.Inabala nito ang kanyang sarili sa pananahi.Siguro ay nag-sasawa na ito sa pangarap niyang makapag-asawa ng mayaman upang makaahon na sila sa kahirapan.Pero siya,she will never give up.Soon makakatagpo talaga siya nang rich guy na sa panaginip lang talaga niya nakikita.Mayamaya ay tumunog ang cellphone ng kanyang ate.Bakas sa anyo nito ang pag-aalala.
"Anyare ate?" Kinakabang tanong ni Downy dito.
"S-si Tatay, dinala sa hospital." Namumutlang sagot ni Dorsy sa kanya.
"Bakit daw?" Nagtatakang tanong niya sa kapatid.
"Inatake!" Naluluhang sagot ni Dorsy.
"Paanong inatake?" Hindi parin makapaniwalang sagot ni Downy sa kanyang ate.
"Hindi ko rin alam," aniya.
"Ano'ng gagawin natin?" Tanong ni Downy sa ate niya.Nanginginig ang mga kamay nito habang nakatitig pa rin sa screen ng kanyang cellphone.Nilapitan niya ito at niyakap. "Hush! Don't cry na." Alo niya kay Dorsy. "Saang hospital dinala si Tatay at puntahan natin," aniya.
Kinuha ni Downy ang hawak na cellphone mula sa kamay ng kanyang ate.Tinawagan niya ang numerong nag-bigay ng impormasyon sa kanila.Tinanong niya rito kung saan hospital dinala ang kanilang ama dahil pupuntahan nila ito.Nang matapos siyang makipag-usap ay nakita niyang tila nanamlay ang anyo ng kanyang ate Dorsy.
Sa isip niya ay mukhang mabigat na responsibilidad na naman ang pumatong sa balikat nito.Pati rin siya ay naawa na sa mga ito lalo na sa kanyang mga magulang.
Napabuntong-hininga nalang siya sa mga nangyayari sa kanilang buhay.Kung ang iba ay sobrang palad sa buhay sila naman ay nasa saktong-pinalad at saktong-hindi pinalad.Bigla ay nakaramdam si Downy ng takot na baka mahinto na rin siya sa pag-aaral at tutulungan na lang niya ang kanyang ate at Nanay sa paghahanap-buhay.Kung iyon ang kinakailangan niyang gawin upang makatalong sa mga ito ay wala siyang ibang choice.Kailangan double-kayod sila para mabuhay at matustusan ang pagpapagamot ng kanilang ama.
"Bakit anong nangyari, Nay?" Tanog ni Downy sa kanilang ina.Naabutan nila ito sa isang pasilyo kung saan hinihintay ang resulta ng mga Doctor tungkol sa kalagayan ng kanilang ama.Namumutla rin ito at halata sa mukha ang sobrang pag-aalala.
"Hindi ko alam anak. Bigla na lang natumba ang Tatay niyo habang naglalako ng basahan!" Naluluhang kuwento ng kanilang ina.Niyakap nila Downy at Dorsy ang kanilang ina upang paga-anin ang loob nito.Kahit sila ay natatakot din sa magiging resulta sa eksamin nang kanilang ama.Nanlumong na-upo si Downy sa gilid.Isang oras na pero wala pa rin silang natatanggap na resulta ukol sa pagkakahimatay ng kanilang ama.
"Ate Dors!" Tawag ni Downy sa ate niya. "Mauna na kaya kayo Nanay umuwi para makapag-pahinga siya.Ako nalang muna dito,"aniya sa kapatid.
Nilingon siya nito saka binalingan ang kanilang ina.
"Mauna na kayo, ate.Mukhang matatagalan pa ang resulta ni Tatay," patuloy niyang sabi dito.
Noong una ay ayaw umuwi ng kanilang ina.Hihintayin daw niya ang resulta bago umuwi at nais rin nitong makita ang kanilang ama at matanong kung kumusta ang lagay nito.Pero pinalinawag nila na hindi nito maaring makita ang kanilang Tatay dahil nasa emergency wards ito at ini-eksamin pa lang ng mga Doctor.Kaya kung maari ay umuwi muna siya at magpahinga.Kinilaunan ay napapayag na rin nila ito.
Nang gabing iyon ay hindi mapakali si Downy.Ang sabi sa kanya ng mga Doctor ay wala pa ring malay ang kanilang ama at maaring ang sanhi nito isang heartattack.Baka tuluyang ma-stroke ang kalahati ng katawan nito at hindi na ito makakalakad pa muli.Nanlumo siya.Pinanghinaan ang buong kalamnan niya.Naiyak na lamang siya sa sinapit ng kanilang ama.Ganoon din ang naramdaman nang kanyang ate Dorsy at ng kanilang ina sa naging resulta sa sinapit ng kanilang ama.
"Hihinto na lang ako sa pag-aaral ate," suhestiyon ni Downy pagkatapos nilang ilabas sa hospital ang kanilang ama dalawang linggo ang nakakaraan.Naka-wheelchair na ang kanilang ama dahil baldado na ito.Ngiwi na rin ang mga labi nito pero kahit papaano ay nakakapagsalita parin naman ito.Nahinto rin ang Nanay nila sa pag-bebenta ng basahan para maalagan at mabantayan ang kanilang Tatay.
"At sinong nagsabi sa'yong hihinto ka?" Galit na tanong nang kanyang ate.Bakas sa mukha nito ang pagod pero hindi lang nito pinapahalata.
"K-kasi..." Hindi niya masabi ang dahilan.Baka kasi tuluyang bumagsak ang mga luha niya dahil naawa na siya sa kalagayan nang kanyang ate.Sobra-sobra na ang ginagawa nito para sa kanila.Siya na ang umako sa lahat.Siya narin ang nagpapasan sa mga problema nila sa buhay.Naawa na talaga siya dito at wala man lang siyang magawa.
"Ipangako mo sa akin na magtatapos ka at mag-aaral kang mabuti.Ikaw na lang ang pag-asa ko!" Naiiyak na sabi ng ate Dorsy niya.Pati siya ay umiyak na rin.Niyakap nila ang kanilang mga magulang.Pagsubok lang 'to.
Malalagpasan rin natin.Laban lang.Next..
BINABASA MO ANG
Mali ang Ibigin Ka
Romance(COMPLETED)R-18 Downy was a girl who fall in love into his brother-in-law.Paano kaya niya iiwasan ito kung paulit-ulit siya nitong inaakit.