Chapter Thirty-five

464 21 6
                                    

Nanalo ang kaso ni Vince at Dorsy laban kay Downy.Nahatulan ito ng sampung taong pagkakabilanggo.

"How are you feeling, honey," tanong ni Vince sa kaniya. Nasa siyam na buwan na ang kaniyang pinag-bubuntis at kabuwanan na rin.

"I think, manganganak na yata ako," nakangiwi niyang sagot.

"Sure ka?" kinakabahang tanong ni Vince sa kanya

"Oo nga," aniya. "Ano pa bang ginagawa mo? Dalhin mo na ako sa hospital," nahihirapang utos niya kay Vince.

Nang makita ni Vince ang hitsura niya na talagang nahihirapan na siya ay saka lang siya nito binuhat.Dinala sa kotse at inihatid sa pinakamalapit na hospital.After eight hours of labor ay isang malusog na sanggol ang ibiniyaya sa kanila.It was a baby boy.
Pinangalanan nila itong Dorvince D'Venci Aragon.Pinag-dungtong ang kanilang pangalan para mabuo iyon.

Tinawagan ni Vince ang kaniyang mga magulang upang ibalita sa mga ito na nanganak na si Dorsy.Naki-usap ang mga magulang ni Vince na sa kanila muna sila titira upang mabantayan nila ang kanilang apo.Sinang-ayunan naman nilang mag-asawa ang kahilingan ng mga magulang ni Vince.Malaking tulong sa kanila ang mommy ni Vince upang mag-aalaga muna kay Dorvi.Iyon ang palaway ng baby nila.

Pagkatapos ng anim na buwan ay bumalik na muli si Dorsy sa trabaho.
Naging secretary na siya ni Vince at sila na ang namamahala sa V-Fabric ng mga magulang ng kanyang asawa.Ang mommy ni Vince na ang nag-aalaga sa baby nila simula isilanh ito.Ito na ang naging yaya ni Dorvi kahit na gusto nilang kumuha ng mag-aalaga dito ay mas pinaburan nilang sila na lang ang mag-alaga.
Sinabi ng mga ito na sila nalang ang mag-aalaga tutal wala naman silang ginagawa.Magandang libangan raw nila ang kanilang apo sa araw-araw na lumilipas.

Papasok na sa trabaho ay nagmamadaling pinaharurot ni Dorsy ang kanyang kotse.Ngunit sa kasamaang palad ay naka-aksidente siya sa kalsada.Hindi niya napansin ang babaeng-pulubi na patawid sa daan.Sa takot ay agad niyang binabaan ng sasakyan upang tulungan ito.Nakita niyang nahihirapan itong tumayo kaya agad niyang nilapitan at inalalayan.

"O-okay lang po ba kayo?" nag-aalalang tanong ni Dorsy sa babae.Tumango ito sa kaniya.

"Dadalhin kita sa hospital," aniya. "Halika ka. Doon ang sasakyan ko," aniya dito.

Umiling muli ang ginang.Tila takot.

"Hindi po ako masamang tao. Tutulungan kita," paliwanag niya. "Sumama ka sa akin. Ipapagamot kita."

Nag-atubili naman ang ginang na sumama sa kaniya.Ngunit mayamaya pa ay pumayag na rin itong sumama sa kaniya.Dinala ni Dorsy ang ginang sa hospital.Isang nurse ang lumapit sa kanila. "Hi," ani Dorsy. "If you don't mind, can you please examine her and help me clean her too," magalang niyang paki-usap.

"Yes Ma'am. Wala pong problema. Ano pong relasyon niya kay ate," nagtatakang tanong ng nurse dahil sa hitsura ng kasama niyang babae.

"Wala. Naaksidenti ko kasi siya habang nagmamadaling minamaneho ang kotse ko. Nabangga ko siya," amin ni Dorsy sa nurse.Tumango ang nurse sa kaniya.Inakay na nito ang ginang at dinala sa isang kuwarto.Naupo naman siya sa bakenteng upuan doon.Mayamaya ay biglang tumunog ang kanyang cellphone.Nakalimutan niyang may meeting pala siya ng umagang iyon.For sure ay si Vince ang tumatawag sa kaniya.

"Honey where are you?" nag-aalalang tanong ni Vince sa kaniya ng sagutin niya ang tawag ng asawa.

"I'm here at the hospital," sagot niya sa mula sa kabilang linya.

"Why? What happened to you?" taranrantang tanong nito.

"I'm fine, honey," ani Dorsy. "Naka-aksidente kasi ako, eh. Sinamahan ko siya dito sa hospital," paliwanag niya.

"Do you want me to come over there," ani Vince.

"No. It's okay," ani Dosry. "Hihintayin ko lang na lumabas siya at magpapa-alam narin ako. Babayaran ko lang 'yung bills niya," aniya.

"Okay. I'll see you at the office then. I love you," ani Vince bago nito pinatay ang tawag.

"I love you too," at tuluyan ng naputol ang kanilang pag-usap.

Ilang segundo pa at lumabas na ang nurse na nag-a-asist sa babaeng pulubi na naaksidente niya.

"Hi ma'am, heto na po si ate. Magkahawig po kayo ma'am," komento ng nurse sa kaniya. "Ang ganda pala ni ate pag-nabihisan at napaliguan. Halos kamukha na."

Bigla namang parang may bumundol sa kaniyang dibdib sa sinabi nito.Parang bumilis ang tibok ng puso niya. "I need to see a Doctor," ani Dorsy "I need to ask for a DNA test with this woman." aniya.Hindi niya alam kung nakit iyon ang nasabi niya.Iyon kasi ang mga salitang lumabas sa labi at isipan niya.

"Bakit ma'am?" takang tanong ng nurse.

"I need to," aniya. "Just follow my instruction."

"Okay po Ma'am."

Buhok at laway ang pag-babasehan sa kanila sa DNA test.Sa totoo lang ay hindi niya ini-expect na gagawin niya iyon sa babae.Pero tila may udyok sa kaniya na gawin ang DNA test na iyon.Three days bago nila malalaman ang resulta.Iniwan niya ang ginang sa hospital at sinabi niyang babalikan nalang niya ito pagkatapos lumabas ang DNA result nilang dalawa.Hindi na niya muna ito sinabi kay Vince.

Hindi mawala sa isipan niya ang mukha ng ginang.Ang mga mata nito kanina na titig na titig sa kaniya.Tila kinilabutan siya sa eksenang iyon. Paanong naging anak siya ng isang pulubi? Biktima ba ang nanay niya ng rape? Nabuntis at nanganak. Iniwan siya sa basurahan dahil hindi nito alam ang gagawin sa kaniya. Kung tama ang nasa isipan niya ay ganoon nga ang nangyari at ang kapalaran niya.Natuwa ang puso niya.Kung totoong nanay nga niya ito ay hindi naman niya ito masisisi dahil hindi naman nito sinasadya ang pag-iwan sa kaniya.

Tatlong gabing hindi makatulog si Dorsy kahihintay sa DNA test.Napansin iyon ni Vince dahil tila balisa siya sa mga nakaraang gabi.
"May problema ba?" tanong ni Vince sa kaniya.Ikatlong gabi na iyon at kinabukasan ay matutuklasan na niya ang resulta ng DNA nila ng babaeng pulubi bukas.

"Do you want to know?" aniya dito.

"Yes, share it with me, honey," ani Vince.

"Gusto mo ba akong samahan bukas?" tanong niya sa asawa.

"Saan?" nakakunot-noong tanong ni Vince sa kaniya.

"Basta? Bukas mo nalang malalaman," aniya.

Sure!" ani Vince. "Sa ngayon sasamahan mo muna ako." Sabay yakap sa beywang niya.Binulungan siya nito na gagawa raw sila ng kapatid ni Dorvi.Hindi naman niya tinaggihan ang kagustuhan ng asawa.
Pinagsaluhan nila ang luto ng Diyos bago natulog ng gabing iyon.Kahit papaano ay naging mahimbing ang tulog niya at hindi napuyat kakaisip sa magiging resulta.Kinabukasan nga ay tinawagan na siya ng hospital upang ipaalam sa kaniya na lumabas na ang resulta.

Sinamahan siya ni Vince.Nagulat din ito ng nasa hospital sila mag-tungo.
Hindi mahaluan ni Vince kung bakit sila nandoon.Mayamaya pa ay inamin na niya sa asawa kung bakit naroon sila.Puno ng kaba at tuwa ang puso niya.Si God siguro ang nag-plano sa kaniya na makilala ang babaeng-pulubi.Way nito na pagtagpuin silang dalawa..Ilang segundo pa at malalaman na nila ang resulta.

Mali ang Ibigin KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon