Chapter Nine

534 15 2
                                    

Pagkatapos mag-ayos ng sarili si Dorsy ay sakto namang naghahain na ang kanilang ina.Kakain na raw sila bago sila umalis ni Vince.Wala naman nagawa si Downy kung hindi humarap ito sa kanila sa hapag kainin.Baka kasi mahalata ng mga ito na nagseselos siya sa kanyang ate Dorsy. As in, nagseselos nga ba talaga siya? Sa sistema niya kasi ay eye-catching ang mapangangawasa ng kanyang ate.Kahit saang parte nang katawan nito mo titignan ay maakit ka'ng talaga.

Nagsi-upo sila sa mga bakanteng silya.Nilagyan ng ate Dorsy niya ng kanin ang pinggan ni Vince na ikasinimangot naman ni Downy.Kung ganito lagi ang eksena sa kanila ay darating ang araw na hindi na talaga siya makikisabay sa mga itong kumain.Nakakaramdam kasi siya ng pagkabalisa lalo na't sinusulyapan siya ni Vince samantalang katabi na mga nito ang ate niya.Hindi niya tuloy alam kung paano isubo ang kinakain.

Sa wakas ay nairaos naman ni Downy ang pagkain kahit na panay ang sulyap sa kaniya ni Vince.Tuloy ay nahihiya siya sa kanyang ate Dorsy.Tila nararamdaman niya kasing lihim siyang nakikipaglandian sa mapapangasawa nito.Nang matapos silang kumain ay nag-bolontaryo siyang mag-hugas ng pinagkain nila dahil babanyusan raw nang nanay nila ang kaniyang tatay.Ang akala niya noong una ay aalis na sina Vince at Dorsy ngunit hindi pa pala dahil tinulungan ng ate Dorsy niyang banyusan ang kanilang ama.

Nang bigla siyang nilapitan ni Vince.Naamoy niya ang man scent nito. Ang bango niya! naisaloob ni Downy habang kunwaring hindi napansin ang prisensa ni Vince sa tabi niya.Panay lang ang sabon niya sa mga hugasin.Nanginginig pa ang mga kamay niya.Mabuti na lang hindi babasagin ang mga ito kundi ay baka kanina pa siya nakabasag.Tahimik lang niyang minatyagan si Vince kung ano ang gagawin nito.

"Are you angry with me?" Mayamaya ay tanong nito sa kanya.Napahinto si Downy sa paghuhugas ng pinggan.

"Why should I?" Balik tanong niya sa binata.

Nagkabit-balikat ito. "Because I'm marrying your sister." Vince said in a soft tone.

"Alam ko? May pakialam ba ako sainyo?" Pagsusungit niyang sagot. "So, any problemo?" Nakataas ang kilay niyang tanong.

"Are you not happy about it?" Muli nitong tanong sa kanya. "Mukha kasing tutol ka?" Pangongonsensiya ba nito o pang-iinsulto sa kanya?"

"I'm happy! Bakit naman ako tutol, sa tingin mo?" Sakastikong sagot ni Downy. "Is that what you want to hear?"

Kahit na katalikod siya ay alam niyang nakatitig ang binata sa likuran niya ngunit wala siyang balak lingunin ito.Napakagat-labi si Downy.Ano ba to'ng nararamdaman ko?Wala akong karapatang tumutol.Because in the firs place, who I am with Vince?Siya lang naman ang magiging bayaw ko in a few days.Tapos heto ngayon siya.Nalulungkot sa magiging kapalaran niya sa binata.Napailing si Downy.

Saktong tapos na siya ng hugasin ng marinig niyang umalis na ang ate Dorsy niya at si Vince.Hindi man lang niya namalayan na wala na pala si Vince sa lakuran niya.Masyado siyang absent minded dahil sa kasalang magaganap.Napabuntong-hiningang nagtungo si Downy sa kanyang silid.Nainis siyang nahiga sa kanyang kama.Naiisip niya kung gaano kasuwerte ang ate niya kay Vince.Naiingit na naman siya.

Mayamaya ay tumunog ang kanyang cellphone.Nagulat siya ng ang ate Dorsy niya ang nag-chat sa kaniya.Tinatanong nito kung ano ang mga kakailanganin niya sa nalalapit na pasukan.Siguro ay si Vince ang nagsabi no'n sa kaniyang ate.So, sponsor niya si Vince sa kaniyang pag-aaral sa kolehiyo?Imposible naman na papayag ang ate niya?Nireplayan niya ang ate Dorsy niya na huwag nalang muna nitong intindihin ang mga kailangan niya.Sinabi niya ritong mag-enjoy nalang siya sa company ni Vince habang nasa labas sila.

Naisipan ni Downy na mag-unwind sa kalapit-bahay nila at kaibigang narin si Rhea.Pinuntahan niya ito upang makipag-kuwentuhan sa kaibigan.Matagal na silang magkaibigan ni Rhea dahil magka-klase sila mula Elementary hanggang Highschool.Lagi silang sabay umuwi at pumasok.Ang kapatid naman nitong si Ronie ay matagal na ring nagpapalipad hangin sa kanya pero hanggang ngayon ay basted pa rin ang binata sa kanya.Kahit guwapo ito ay hindi si Ronie ang tipo ng lalaki na gusto niya.

Eh, sinong gusto mo. Si bayaw? Biglang tanong ng konsensiya niya.Nainis siyang napamura sa kanyang sarili.Nang makarating siya siya sa bahay ng kaibigan ay wala daw ang dalaga.May pinuntahan daw ito.Kaya naman naisipan nalang ni Downy na hintayin.Kung uuwi kasi siya ay maiisip lang niya si Vince at ang kanyang ate Dorsy.Wala siyang nagawa kundi makipag-kuwentuhan kay Ronie na ikinalimot naman niya sandali ang pag-iisip sa dalawa.

"O, napasyal ka?" Tanong ni Rhea ng mabungaran sila nang kuya nito sa sala ng bahay nila.

"Oo! Kanina pa nga kita hinihintay." Nakangiting sagot ni Downy sa kaibigan.

"Buti andito si kuya. Kung hindi naburyo kana sa kahihintay sa akin."

"Saan ka ba galing?" Tanong ni Downy sa kaibigan.

"Sa palengke. Alam mo naman na kailangan ko ng pera sa susunod na pasukan. Kulang pa kasi 'yung naiipon ko na gagamitin sa pag-e-enrol. Mabuti ka pa? May ate ka na nag-abroad. Ewan ko, diyan sa kuya ko? Hindi maasahan!" Tampong sabi ni Rhea sa kaniya nang iwanan na sila ng kuya nito.

"Hindi na natuloy ang ate Dorsy ko sa pag-a-abroad," amin ni Downy sa kaibigan.

"Bakit naman? Hihinto ka ba sa pag-aaral ngayong taon?" Naguguluhang tanong nito.Alam ng kaibigan niya ang pinag-dadaanan nilang problema sa buhay.Wala siyang nililihim dito.Mabuti na lang at mabait at maunawain ito tuwing nagsasabi siya ng mga hinaing.

"Hindi? Mag-aaral pa rin naman ako." aniya.

"Eh, bakit mukhang malungkot ka kung ganoon?" ani Rhea.

"Kaya hindi natuloy sa pag-a-abroad si ate Dorsy ay dahil ikakasal siya." Muling kuwento niya sa kaibigan.

"Baka na pagod na ang ate mo. Kaya sarili naman na niya ang aayusin niya. Isipin mo ha, buong buhay niyang inalay sa inyo ang pagsisikap niyang makatulong sa pamumuhay niyo. Never nga siyang nagka-boyfriend, 'di ba? Pero teka?" Nakalumbabang tanong nito. "Hindi nga siya nagka-nobyo? So, sino ang pakakasalan niya?"

"Magugulat ka!" Irap niyang sabi sa kaibigan.

"As in, babagsak ako dito sa kinauupuan ko?" Nakalabing balik tanong nito.

"Hindi lang babagsak! Baka mapasigaw ka pa?" ani Downy.

"'Yung totoo Downy? Artista ba mapangangasawa ng ate Dorsy mo?" Excited na tanong nito.

"Artistahin at higit sa lahat yayamamin!" Pasuspense niyang sabi.

"Sino nga?" Nainis ng tanong ni Rhea at sinamahan pa ng batok sa kanyang ulo. "Ang tagal sabihin, eh? Pangalan lang naman!" Reklamo ni Rhea sa kaniya.

"Ready ka na bang malaman kung sino ang magiging bayaw ko?"

"Oo nga! Sino ba siya?" Nakakunot-noong tanong ni Rhea.

"Walang iba kundi ang multi-millioner at businessman na si Vince D'Vincy Aragon." Amin ni Downy sa kaibigan na totoo nga'ng ikinagulat nito.Nakangangang nakatingin lang sa kaniya si Rhea dahil tila hindi kapaniwala-paniwala sa kanya ang narinig.Mayamaya ay nagbago ang ekspresiyon ng mukha nito.Napalitan ng tuwa.

"Ang suwerte nang ate mo, girl!" Tapik pa nito sa balikat niya. "Nakamingwit ng malaking isda sa dagat!" Kinikilig pa nitong suhestiyon. "'Di ba, ang guwapo no'n? Ay, girl! Deserve nang ate mo si Vince! Bagay sila!"

Sa inis naman ni Downy ay binatukan niya ang kaibigan.Natuwa pa talaga ito sa ibinalita niya at deserve pa ng ate niya si Vince.Tuloy ay nadagdagan ang pag-kainis niya.Pinagpasyahan na lang niyang umuwi dahil puro nalang kasi papuri ang naririnig niya sa bunganga ng kaibigan.Sinabi niya ritong magtatahi muna siya ng basahan kaya kailangan na niyang umuwi.Kinikilig pa itong huling sinabi na imbitahan raw niya ito sa kasal ng ate niya.Tumanggo nalang siya bilang kasagutan.Nakasimangot na naglakad si Downy pauwi.

Shit! naisaloob ni Downy. I hate you Vince! Who cares kung mayaman ka?

Mali ang Ibigin KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon