Chapter Twenty-one

500 19 3
                                    

Naudlot ang alitan nilang magkapatid ng makatanggap sila pareho ng tawag mula sa kanilang ina.Itinakbo daw kasi nito ang kanilang tatay sa hospital dahil inatake.Agad nagbihis si Downy ng kanyang damit bago sila nagtungo sa hospital na tila walang nangyaring alitan sa pagitan nilang dalawa.Parehong tahimik at bakas sa kanilang mga mukha ang pag-aalala sa kalagayan nang ama.Walang sinuman ang nais magsalita sa katahimikang namamagitan sa loob ng sasakyan hanggang sa makarating sila hospital kung saan doon pinagdalhan ang kanilang ama.

Agad nilang hinanahap ang kanilang ina kung saan naroon ito.Sabay nilang nilapitan ang kanilang umiiyak na ina at sabay rin nila itong niyakap.Hindi na nila naabutan ang kanilang ama at hindi na nila ito naka-usap man lang bago nahugutan ng hininga.Huli na ang lahat bago pa sila makarating.
Tuluyan ng binawain ng buhay ang kanilang ama.Ni hindi man lang sila naka hingi ng tawad dito at hindi man lang nila ito nasulyapan at nakausap bago pumanaw.Nagpantig ang mga tainga ni Dorsy sa nalaman.Biglang uminit ang kanyang bunbonan.

Isang malakas na sampal ang ipinadapo niya muli sa pisngi ni Downy.Nangigil talaga siya sa galit sa kapatid dahil kung hindi ito sumama kay Vince na tumira sa condo nila ay hindi sana ito mangyayari sa kanilang ama.Kung nag-isip lang ito ng tama ay baka naagapan pa sana ang kanilang ama at buhay pa ito kung naroon lamang sana ito sa kanilang bahay at hindi si Vince ang inaatupag.

"Kasalanan mo 'to! Kasalanan mo ang lahat nang ito!" Matalim ang mga matang tinitigan niya ang kapatid. "Kung hindi ka sana umalis sa bahay at doon ka lang pumirmi! Hindi sana nangyari 'to! Wala kang utang na loob!" Nagirittan ang mga ngiping paninisi niya kay Downy.

"Anak, tama na," umiiyak na awat ng kanilang nanay sa ate Dorsy niya. "Huwag mong sisihin ang kapatid mo. Wala naman siyang kasalanan sa pagkawala ng tatay mo." Umiiyak nitong sabi. "Huwag kayong mag-eskandalo dito. Igalang naman ninyo ang tatay niyo mga anak. Wala na nga siya, tapos magsusumbatan pa kayo."

"Nay..." ani Downy saka niyakap ang ina. "Patawarin mo po ako, Nay." Hinging paumanhin ni Downy dito atsaka sinabayan niya ito sa pag-iyak.

"Kung hindi mo inuna ang kalandian mo! Hindi sana mangyayari 'to!" Muling banat ng ate Dorsy niya sa kaniya. "Kung hindi ka lang naging makasarili sana buhay pa si tatay!" Pangongonsensiya nito sa kanya.Ayaw nitong paawat at siya talaga ang punterya nito ng galit pati sa pagkawala ng kanilang ama.
Tatangapin niya lahat ng sumbat ng ate Dorsy niya.Tatangapin niya ang lahat ng mga salitang ibinabato nito sa kanya.Napahagulgol siya sa sama ng loob.Taimtim siyang humingi ng tawad sa kanilang ama.

Mayamaya pa ay may isang bulto ng lalaki ang papalapit sa kanilang kinaroroonan.Dahil malabo ang mata niya sa pag-iyak ay hindi niya agad nakilala si Vince.Malalaki ang mga hakbang nitong lumapit sa kanila.Pagkalapit ay agad nitong niyakap ang ate Dorsy niya.Hinalikan pa niya ito sa noo.Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng matinding selos sa ginawa ni Vince sa kanyang ate sa kanyang mismong harapan.Tila wala itong pakialam sa nararamdam niya ng mga sandaling iyon.

Niyakap pa nito ang kanyang ate Dorsy habang inaalo niya ito at hinahaplos ang likod ng sobrang lambing dahil sa pag-iyak nito.Hindi niya alam kung ano ang sanhi ng pag-iyak ng kanyang ate.Ang pagkawala ba nang tatay nila o ang pagtataksil ni Vince?Lalong nagpasikip ng dibdib niya sa huling naisip dahil may posibilidad na ngayong bumalik na ang ate niya ay siguradong magsasama na muli ang dalawa.Sa totoo lang ay wala naman talaga siyang karapatang tumutol dahil wala naman silang relasyon ni Vince.Ang nangyari sa kanila kagabi ay isang pagkalimot lang sa kanilang mga sarili.Walang halong pagmamahalan at pangako.Kailangan niyang tanggapin na siya ang talunan.

Hindi na sumali si Downy sa mga planong gaganapin sa lamay ng kanilang ama.Hinayaan nalamang niya ang kanyang ate Dorsy at si Vince na mag-asikaso sa lahat.Bakit pa siya sasali sa kanilang dalawa kung ang kalalabasan lang niya sa mga ito ay storbo?Napagdesisyonan nalang nila na sa bahay nalamang nila lalamayan ang yumao nilang ama para masulyapan pa ng mga malalapit nilang makag-anak, kaibigan, at kapitbahay ang kanilang ama kahit sa huling nalalabing araw nito bago mailibing.

Sa mga sumunod na araw ay naging abala silang lahat.Todo alaga siya sa kanilang ina dahil panay ang iyak nito at hindi makakain ng maayos at makatulog.Matindi ang pagluluksa nito sa pagkawala ng kanilang ama.
Maraming kaibigan ang nakiramay sa kanila lalo na ang mga kasamahan nila sa palengke na nagbebenta rin ng basahan.Halos lahat ay puro papuri ang kanilang sinasabi sa yumao nilang ama.Habang si Downy ang nakabantay ng mga sandaling iyon ay sinamantala niyang sinulyapan ang kanilang ama.Habang tinitigan niya ito ay parang mahimbing lang itong natutulogMayamaya pa ay nag-siunahan ng maglandas ang kaniyang mga luha sa kaniyang mga mata.Taimtim siyang muling humingi ng tawad.

"Tay..." pigil ang iyak niyang sambit. "P-patawarin mo po ako," aniya na napasinghot pa. "Alam ko pong malaki ang kasalanan ko sainyo. Patawarin niyo po ako, tay." Habang kinakausap niya ang ama na nakahimlay ay hindi niya namalayan ang paglapit ng kaniyang ate Dorsy.

"Para saan ang paghingi mo ng tawad?" Kontra nito sa kaniya. "Humihingi ka ng kapatawaran sa ginawa mong pakikiapid? Na kaya ka umalis ng bahay at lumipat dahil sumama ka sa asawa ko? My gosh, Downy!"

"Ate..." ani Downy. "Alam kong galit ka sa akin pero huwag naman pati sa lamay ni tatay," hiling niya kay Dorsy.

"Bakit? Sa tingin mo maririnig pa ni tatay ang paghingi mo ng tawad sa kaniya?" Nakaka-uyam na ngumisi ito sa kaniya.Tila wala ng bahid ng kalambutan sa puso nito.
"Kung sa inaakala mo na magiging mabait pa ako saiyo, you're wrong! Kahit na humingi ka pa ng maraming kapatawaran! The damage is here!" ani ate Dorsy niya na itinuro nito ang tapat ng dibdib nito.Ang ibig sabihin ay sa puso nito.
"Wala na akong tiwala saiyo! Sinira mo ang pagiging magkapatid natin!"

"Ate," umiiyak niyang awat dito.

"Sana sa una palang naisip mo na bago mo ginawa iyon ay alam mong magkakaroon ng lamat ang pagiging magkapatid natin! You even let our father die because of your foolishness! Kaya ikaw ang dapat na sisihin sa lahat ng ito! Ikaw ang may kasalanan ng lahat!"

"Ate, hindi ko kasalanan ang pagkamatay ni tatay," sagot ni Downy kay Dorsy.Ngunit sinampal nanaman siya nito sa kanyang pisngi.Napahawak siya doon.

"Gumising ka! Gumising ka sa katangahang ginawa mo!" ani Dorsy sa kaniya. "Hindi ka ba nahihiya? O wala ka talagang hiya sa'kin? Sa aming lahat!"

Hindi na niya sinagot ang mapanghusgang katanungan ng kanyang ate Dorsy.Tumakbo siya patungo sa may kalsada.Mabuti nalang at wala ng mga taong nakikilamay ng mga sandaling iyon.Ang iba naman nilang mga kamag-anak ay nagpapahinga at natutulog na dahil sa mahaba-
mahabang puyatan.Nagulat siya ng may humila sa kaniya sa may parteng madilim.Hindi niya maaninag kung sino ito.Pero kung bulto lang ng katawan ang pag-uusapan ay nakikilala niya agad kung sino ito.Hindi niya alam kung iiwas ba siya o hindi?

"A-anong ginagawa mo?" Paninita niya dito. "Baka may makakita saiyong magkasama tayo?" Kinakabahang sambit niya.

"Wala namang may alam na dito ka pumunta." Sagot nito.Madilim na at medyo patago ang kinaroonan nila.Walang sinuman ang makakaalam na may tao roon.

"Natatakot lang ako. Baka kasi may makakita sa'tin?" ani Downy. "A-ayaw ko lang na..."

"I miss you," Putol nito sa sinasabi niya.Napakalambing ng pagkakasambit nito sa salitang namiss siya nito.Nais niyang lumundag sa tuwa ngunit mali iyon.Hindi na dapat siya nagpapatangay kay Vince.Hindi na dapat.Hinila siya nito sabay yakap sa kanya ng mahigpit.Naramdaman niya ang mabigat na katawan nito.Mabuti nalang at may lakas pa siyang natitira kung hindi ay baka bumagsak silang dalawa sa lupa.

"T-teka lang!" Awat niya kay Vince habang tinutulak ang dibdib nito.
"Baka mahuli tayo. B-baka makita tayo ni ate D-Dorsy." Mahinang saway niya dito.

Ngunit tila bingi si Vince sa mga sinasabi niya.Kinabig siya nito at hinalikan ang kaniyang mga labi.Hindi siya nakatiis at nagpatangay siya sa mga halik nito at tinugon niya ang kanyang halik.
Napayakap pa siya sa leeg ni Vince habang nakatingkad ang kanyang mga paa upang magkaabot sila.Halik nang sabik sa bawat isa ang kanilang pinagsaluhan.Kung paanong namiss siya ni Vince ay iyon ang hindi niya alam.Basta siya, bahala na.Tutal ay gusto naman niyang magpatangay sa mga halik at yakap nito.Bahala na kung darating ang araw na tuluyan na siyang itakwil ng kaniyang ate Dorsy at baka gawin pang kaaway dahil sa pakikipagrelasyon niya sa asawa nito kahit na mali ang ibigin niya ito.

Mali ang Ibigin KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon