Chapter Six

667 19 1
                                    

Huminto ang sasakyan ni Vince sa tapat ng bahay nila.Eksaktong alas-otso na ng gabi.Mabuti nalang at hindi sila na-traffic nang binata kundi ay baka abutin sila ng dalawang orad sa daan kung nagpatumpik-tumpik pa siyang ihatid siya nito.Nahihiy kasi siya at kung baka ano ang sabihin sa kanya ng kanyang mga magulang.

"Marry me, Dorsy. Kahit sa papel lang." Ulit na paanyaya sa kanya ni Vince.

"I will think about it!" Nakangiti niyang sagot dito upang hindi ito madismaya.

"I hope you'll agree," ani Vince.Nakatitig ang mga mapang-akit nitong mga mata sa kanya.

Actually, guwapo ang binata.May kahawig itong artista pero sakanya nalang iyon.Kung ikukumpara naman niya ito sa mga naging manliligaw niya noon ay mas mahamak na talagang one hundred pogi points ito.Mananalo agad kapag sumali sa Mr.Pogi nang barangay.Pinoy na pinoy ang kutis pero malabombay ang mukha.Makapal ang mga kilay, matangos ang ilong at makakapal ang mga labi na hugis puso.

Shit! Ano bang iniisip ko! Pilyang sita niya sa sarili. Umayos ka nga! Kunsinti pa niya dahil pinamumulaan na naman siya ng mukha.Nang bigla siyang napaigtad mula sa kanyang kinauupuan dahil hinawakan ni Vince ang mga kamay niya.Tapos inilapit nito ang kanyang mukha at akmang hahalikan siya nito.Nanigas mula sa kanyang kinauupuan.Hindi niya magawang awatin ito.

Vince face getting closer to her face.He pulled her neck upang maabot nito ang mga labi niya at nagwagi ang kapangahasan nang binata.He gently kissed her lips.First time niyang makipaghalikan sa lalaki at si Vince ang first kiss niya.Nais niyang tugunin ang halik nito ngunit nahihiya siya.Baka kung ano ang isipin nito.Pinakiramdam lang niya ang ginawagawa nitong paghalik s kanya.Mayamaya ay binitawan na siya nito.

"I'm sorry," hinging paumanhin ni Vince.Mukhang nadismaya na naman ito dahil hindi niya tinugun ang halik nito. "I shouldn't do that." Paliwanag niya.

"O-okay lang!" Nanginginig ang boses na sagot ni Dorsy.Medyo ninirbiyos pa siya.Mabuti nalang at hindi sila kita sa loob kung ano ang ginagawa nila dahil tinted ang bintana ng kotse nang binata.Nakakhiya sa mga magulang niya pag nalaman nitong nakikipaghalikan siya sa isang lalaki.
Kung wala lang san siyang responsibilidad ay malaya siyang pumayag sa kasalang inaalok ni Vince sa kanya.

May inilabas si Vince mula sa dashboard ng kotse nito.Isang business card ng kanyang kompanya.Iniabot nito ang card bago siya nito pinagbuksan ng pintuan.Nginitian niya ang binata pagka-abot sa binigay nito.
"Call me," ani Vince. "Maghihintay ako," anito.Umalis na ang binata at nakatulala pa siyang pinanood ang kotse nito paalis.

"Sino 'yon?" Gulat na tanong ni Downy sa kanya.Napaigtad siya dahil hinawakan pa siya nito sa balikat.Nakangiti sa kanya ang kapatid habang nanunudyo ang tingin.

"Magiging boss ko!" Irap niyang sagot.

"Talaga?" Hindi makapiwalang tanong ni Downy sa kanyang ate. "Eh, bakit ang tagal mo lumabas sa kotse niya?" Nang-uusisa nitog tanong.

"O, ayan basahin mo!" ani Dorsy sabay abot sa business card na binigay sa kanya ni Vince.Hindi man lang niya sinulyapan ang hawak na card.

"What?" Malakas na bulalas ni Downy habang sinusundan ang ate niya papasok sa loob ng bahay nila.Mukhang nagulat ang dalaga mula sa nabasa.Pasalampak itong naupo habang mapanghusgan sinusundan ng tingin ang kanyang ate. "How did you met him?" Tanong nito.

"Who?" Balik tanong ni Dorsy sa kanya.

"This multi-millioner, Vince De'Vincy Aragon!" Naghihisterikal nitong reaksiyon.Halos hindi ito makapinawala dahil titig na titig pa rin si Downy sa business card na hawak nito.

"Ah...Uhm!" Paano ba niya sasagutin ang kapatid kung paano niya nakilala si Vince?Actually,kakain sana siya tapos nakita siya nito at pagkatapos inuwi siya sa bahay nila.Inalukan ng kasal at pagkatapos uli ay inihatid siya nito sa bahay nila.And then,hinalikan pa siya nito sa labi.Pero bakit sa utak lang niya nag-flashback ang lahat.Hindi niya magawang sabihin.

"Anong ah, uhm!" Naiinis na turan ni Downy sa kanya.Parang batang nagmamaktol. "'Yung totoo, ate Dorsy? Manliligaw mo ba siya?" Nakalabing tanong ng kanyang kapatid.Muntik na siyang mabilaukan sa tubig na kanyang ini-inom.

"He is my boss to be!" Ulit niyang sagot sa kapatid para manahimik na ito.

"So, magwo-work ka sa company nila?" Hindi makaniwalang tanong ni Dorsy.

"Paano ang pag-alis mo papuntang Taiwan?" Tanong nang kanilang ina.Sabay silang napalingon.Nilapitan siya ng kanilang ina at inakbayan. "Anak, alam kung nahihirapan ka dahil sa kalagayan natin at nang Tatay mo pero kung para sa akin, ayaw kong malayo ka sa amin. Mahirap ang buhay sa ibang bansa anak, wala kang karamay doon. Kaya kung may maganda kang mapasukan na trabaho ay dumito ka nalang. Huwag ka ng umalis," naiiyak na sabi ng kanilang ina.

"Hindi pa po ako nakaka-pagdisisyon, Nay. Sa totoo lang ay mamaya na ang flight ko patungong Taiwan. I want to grab the apportunity." Nakangiti niyang sagot sa ina.Pinunasan ang mga luhang tumulo sa pisngi nito.Samantalang tahimik lang naman si Downy.Nakade-quatro pa ito.Nakatitig pa rin sa business card ni Vince.Tumango lang ang kanyang ina.Sa totoo lang ay nagda-dalawang isip din siya kung aalis o hindi.

"Why?" Malakas na sabi ni Downy sa kanyang ate.

"What do you mean, why?" Nakakunot-noong tanong ni Dorsy sa kapatid.

"Why you have to leave?"

"Para sainyo naman ang gagawin ko, eh!" ani Dorsy.

"Grab this apportunity!" ani Dorsy.Winagayway nito ang hawak na business card. "Hello! He is a multi-millioner!"

Umiling si Dorsy sa inaakto nang kapatid. "Mali naman na pagsamantalahan natin 'yung tao," aniya.

"Hindi mo naman siya pagsasamantalahan, eh! Magtra-trabaho ka sa kompanya niya. Bakit ka pa niya bibigyan ng ganito kung hindi ka niya inalok?" Katwiran ng Downy sa kanya.

Totoo nga naman ang kapatid niya.Kaya siya binigyan ni Vince ng business card nito ay dahil maghihintay ito ng kasagutan niya.Pero handa ba ang mga ito kapag nalaman nilang ang kapalit ng puwesto niya sa kompanya ni Vince ay isang marriage contract?Iyon ang panghahawakan nang lalaki upang magkapag-trabaho siya sa kompanya nito.Napabuntong-hininga nalang siya .

"Bukas nalang natin 'yan pag-usapan," aniya sa kapatid. "Pagod na ako." Pagsisinungaling niya.Agad tinungo ang silid.Akmang susundan sana siya ni Downy ngunit pinigilan ito ng kanilang ina.Kahit maliit lang ang bahay nila ay may privacy pa rin naman sila dahil may kanya-kanya silang silid.Agad ibinagsak ni Dorsy ang katawan sa malambot niyang kama.Napatitig sa kisame.Ang guwapong mukha ni Vince ang nakikita niya.Parang naka-ukit ito.

Pati ba naman sa diwa ko ikaw pa rin? Anong karisma ba ang ipi-nainom sa akin,ha! naisaloob ni Dorsy. "Hu!Kaasar ka! Makapag-banyos na nga!" aniya.Kausap ang sarili. "Baka pati sa banyo susunod ka pa?" Kunwari niyang sita kay Vince kahit alam niyang imagination lang naman niya ang mukha ngmang binata.
"Uhm! Subukan mong sumunod? Joke!" Kinikilig niyang turan.

Mali ang Ibigin KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon