4

3 1 0
                                        

Ooppssss..

Garnetelle's POV



Aba! Pagkatapos ng ginawa niya sa'kin? Akala niya i a-accept ko yun?! Manigas siya!

"Manong dito na po!" kamuntik-muntikan na kong makalampas sa simbahan...

"Eto na po yung bayad 'ko"

Pagka-abot ko ng bayad ay dali-dali na akong tumawid papunta sa simbahan. Wait anong oras na ba? 5:25 PM , abot pa!

Pagdating ko sa loob ay dinampi ko muna ang daliri ko sa may holy water at nag sign of the cross. Naabutan ko sila Sister na nasa harap at kumakanta na ng offertory song kaya pumunta na ako don at nakisabay. 

Kunin at tanggapin,

Ang alay na ito,

Mga biyayang nagbigay,

Ng pagpapala mo~

Tanda ng aming puso,

Pagkat inibig mo,

Ngayo'y nananalig,

Nagmamahal...sa'yo~

Tinignan ko naman si Sister Reina at nginitian niya lang ako. Pagkatapos ng misa ay nag bless na 'ko kila Father at Sister.

"Akala ko hindi ka na naman darating Garnet" sabi sa'kin ni Sister.

"Buti nga po at maaga po yung uwian namin sister"

"Osige, maglalakad ba kayo pauwi?"

"Opo sister, mauna na po kami!"

"Sige, ingat kayo" pagkatapos ay pumasok na si Sister sa bahay nila.

"Tara na Garnet!"

"Okay!"

Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang isipin kung bakit kaya nag send sa'kin ng friend request yong espasol na 'yon? Hindi kaya...ini istalk ako nun?! Lah, ang assuming ko naman...pero mas mabuti nang assuming kesa manhid diba?

Tse, bahala siya jan, pwede ko namang i delete yung request niya ah, ma-delete nga mamaya.

"Dito na ko! Salamat sa pag sama, Ingat kayo!" sigaw ko sa mga kasama ko bago pumasok sa bahay namin.

"Buti naman nandito ka na, sige na at magpalit ka na, kakain na tayo" bungad sa'kin ni mama, nag bless ako sa kaniya at dumiretso na sa kwarto ko.

Haaaaayyyy! Tinanggal ko muna yung sapatos ko, pagkatapos kong mahubad yung uniform ko ay nagpalit na 'ko ng sleeveless lang at maikling shorts. Bago ako lumabas ng kuwarto ay kinuha ko muna yung phone ko at chinarge.

"Kain na tayo Inday" pshhh, inirapan ko nalang si kuya, ganda ganda ng pangalan ko pero Inday tawag sa'kin! Hmp!

Umupo na lang ako sa tabi niya at nagsimula na kaming kumain.

Nang may maisipan akong sabihin "Ma humiram pala 'ko ng damit ni Bryce"

"Na naman?!"

"Ehh, may nangyari po kasi eh--

Nagulat naman ako nang ibagsak ni papa ang kutsara't tinidor niya. "Ikaw bata ka, anong ginawa ninyo ni Bryce?!"

Journey to the Center of your Heart (ON-GOING) Where stories live. Discover now