12 - Distraction

2 1 0
                                    

Garnetelle's POV



So our whole day went fine, bukod na lang sa napansin kong kanina pa naka-smile tong si Sassy. Papunta na kaming apat sa parking lot, napagkasunduan kasi naming sabay-sabay kaming bibili ng mga isusuot namin, well that's fine for me. Pero uuwi muna kami to change our clothes.

"Required tayong mag-wear ng gold right?" Sassy said while sipping her bubble tea.

"Yeah, pero ako since Violet is my favorite color, I'll wear a gold dress with a touch of violet, I guess" I said while licking the popsicle I bought.

"Hi, ladies!" we're interrupted by Bryce who's now heading towards us. Sassy, Khate and Cathy gave me a teasing look. What's with them?

Nang makalapit si Bryce ay umakbay agad 'to sa'kin, nilingon ko naman siya, nakangiti siya sa'kin nang sobrang tamis, seriously? Napayuko naman ako nang maalala ko yung nangyari sa'min.

"Wow naman Bryce, kay Garnet agad ang lapit ha!" nang-aasar pang sabi ni Cathy. Natawa nalang si Bryce dahil sa sinabi ni Cathy.

"San kayo pupunta?" pag-iiba nang usapan ni Bryce.

"Bibili kami ng dress, bakit bibili ka rin Bryce?" hindi makapaniwalang tanong ni Khate. Natawa naman kaming lahat sa sinabi niya.

Nagulat kaming lahat nang biglang tumili si Sassy, lahat naman kami ay napatingin sa kaniya.

"OMG! Bryce, you should come with us!" sabi niya habang nakahawak pa sa dalawa niyang pisngi.

"Bibilhan rin natin siya ng dress?" this time nang sabihin 'yan ni Khate ay kunot na kunot na talaga yung noo niya.

"Silly, isasama natin siya, para merong taga-sabi if bagay ba satin or not yung dress na napili natin, right Sassy?" sagot ko naman kay Khate, at tinanguan naman ako ni Sassy.

"Okay then, I'll be your fashion critic" , natawa naman kami sa inasta ni Bryce dahil sinabi niya 'yan habang naka-pameywang at may beki accent pa.

"Kuya, sasabay na ko kay Bryce mamaya ha" pagpapaalam ko kay Kuya pagkalabas ko ng kaniyang kotse.

"Okay then, Ingat ka Inday, text me kung pauwi na kayo" ,sabi ni Kuya at tinanguan ko naman siya. Naglakad na 'ko papasok ng boutique, na isa sa mga pagmamay-ari nila Sassy.

"You're so bagal Telly ha! Ikaw nalang hinihintay namin" bungad agad sa'kin ni Sassy nang makarating ako don.

Lumingon-lingon muna ako sa paligid at hinarap siya, "Ako? Eh asan si Bryce?" nakapameywang kong sabi sa kaniya. Ngumisi naman siya at nginuso niya yung bahaging nasa likod ko. Akmang lilingon na ako sa likod ko nang maramdaman kong may humawak sa bewang ko mula sa likod.

"Miss me?" ,naramdaman ko naman yung hininga ni Bryce malapit sa tenga ko, namula agad yung pisngi ko dahil sa ginawa niya.

Tinanggal naman niya agad yung kamay niya at naglakad na papunta sa isang couch sa harap ng apat na fitting room. Habang hawak hawak yung tuxedo na isusuot niya, at may black na bowtie.

"Ano? Di ka na gagalaw diyan Telle?" ,nagulat naman ako nang magsalita si Cathy, umiwas na lamang ako ng tingin at pumunta na para kumuha ng mga dress na isusukat ko.

'Nope'

'Not your style'

'No'

Journey to the Center of your Heart (ON-GOING) Where stories live. Discover now