Tagos
Garnetelle's POV
"KIM NAMJOON!"
"KIM SEOKJIN!"
"MIN YOONGI!"
"JUNG HOSEOK!"
"PARK JIMIN!"
"KIM TAEHYUNG!"
"JEON JUNGKOOK!"
"BTS!"
Sabay-sabay naming sigaw! Grabe ganto pala yung feeling kapag nasa concert kana ng BTS! WAAHHHHHH!
"Garnetelle" t-teka...namilog ang mata ko nang mamukhaan ko ang boses na 'yon, na tinatawag ako. N-namjoon????!!!!
Paglingon ko ay nakita ko talaga si RM papalapit s-sa'kin????!! Nakita ko naman ang ibang mga Army's na hinaharangan ng security para hindi mapalapit sa'min,
"Dangsin-eul johahaeyo Garnetelle" ( I like you ) sabi niya gamit ang malalim niyang boses nang makalapit siya sa'kin.
Tila nalunok ko ang sarili kong dila sa sinabi niya. S-SHUTA!!! ANO TOOOOOO!!! W-WAIT...
"Garnetelle?" tinatawag na naman niya ako,
"Garnetelle!" tinawag na naman niya ako ngunit tila nag iba ang kaniyang boses..teka kilala ko tong boses na to ah?
Napabalikwas ako ng bangon nang makarinig ako ng sunod-sunod na katok, kung kaya't tumayo na ako para buksan ang pintuan. Napasimangot naman ako nang matandaan ko kung ano yung panaginip ko.
Shuta akala ko totoo na, Namjoon naman eh!!panaginip lang pala!!!!
Siguraduhin ng taong 'to na may sapat siyang dahilan para mabulabog yung tulog ko!
Pagka bukas ko nang pinto ay saktong nakita ko naman si kuya na aamba na sanang muli ng katok, ngunit nang makita niya 'ko ay tinignan niya 'ko ng masama.
"Nananaginip ka na naman ba tungkol jan sa BTS na 'yan?!" he shouted at me. Kapal niya siya na nga tong nambulabog e.
"Eh ano naman?!" balik sigaw ko sakaniya.
"Bilisan mo na po prinsesa ng pantasya, at may naghihintay na sa'yo sa baba" usal niya na parang isang butler may pa bow pa siyang nalalaman. Inirapan ko na lang siya at sinarado na ang pinto.
Naligo na ako at nagbihis na ng uniform, buti nalang hindi ako late! Pababa palang ako sa hagdanan nang marinig ko na ang boses ni Bryce.
Pagkababa ko ay nakita ko si Kuya at si Bryce na nagtatawanan. "Anong tinira niyo?" sabi ko sakanilang dalawa, dahilan para matigil sila sa pag-uusap.
"Baygon" sabay nilang sabi, nagkatinginan naman sila at tumawa uli. O...kay, kumuha na ako ng pagkain ko at pumunta na sa sala. Dito na lang ako kakain, may dalawa kasing psychotic patient sa dining area.
"Una na'ko Inday" sabi ni Kuya habang pinaglalaruan yung susi ng kotse niya sa kamay niya.
"Inday your face, ge layas kana!" tumawa naman siya at hinalikan muna niya 'ko sa noo, pasalamat siya madali akong masuyo!
"Joke lang prinsesa ko" kita mo nambobola pa.
Nang makarating ako sa kusina ay nakita ko naman si Bryce na kumukuha ng chips. Wow! At home na at home ang lolo mo!
YOU ARE READING
Journey to the Center of your Heart (ON-GOING)
Teen FictionThe past is just a memory of the present, and the present is the foundation of the future. How can two people be together in the present, when their past is all just a memory? Coincidence? Coincidence. Isa nga lang bang coincidence na pag-uugnayin...
