Khate's POV
"Thank you po manong!" ,sabi ko 'yan kay manong driver nang makababa ako sa kotse. Nginitian naman niya 'ko.
Halos kasabay ko namang bumaba sa kani-kanilang mga sasakyan sila Sassy, Cathy at Garnet. Minsan nga naiisip ko, bakit kaya lagi kaming magkakasabay noh? Baka pinapamanmanan nila ako? Napatakip naman ako sa bibig ko nang may maisip ako, baka balak nila 'kong ipakidnap???!!
"We're not planning to kidnap you Khate",wow nabasa ni Garnet yung nasa isip ko. Baka mind reade---, "I am not a mind reader Khate" ,tinignan ko naman siya nang may nanliliit na mga mata. At nagkibit-balikat na lamang ako, sige sabi niya eh.
Sabay na kaming pumasok sa Southford, OMG! Excited na talaga 'ko sa acquaintance mamaya!!! Pero may part rin sa'king nalulungkot, kasi hindi ko kasama sila Garnet, at magkakahiwalay-hiwalay kami.
Sa'kin pala dahil ang favorite kong color ay blue, color blue rin yung dress na napili ko, with a touch of gold!!! OMG! ,nakangiti naman ako habang pumasok kami sa may room. Pero ang talagang naka-agaw ng beautiful eyes ko ay si Ivan, na ngayon ay nakatingin sa'kin, nginitian ko naman siya, pero nag-iwas siya bigla nang tingin matapos mamula yung pisngi niya.
Naupo na kami sa kaniya-kaniya naming seats. At sakto namang kakapasok lang ni Sir Lazaro. Nakangiti na naman siya sa'min, bakita ba laging nakangiti tong si Sir? Nakahithit ba to?
"So yeah students, mamayang gabi na ang big night, are you guys ready?" ,tanong sa'min ni Sir, at tumango naman kami bilang sagot. Hehe!
"Oh yeah guys, I forgot, you also need to send me 'important' pictures and videos of the Parties. Wag 'yung mga selfie niyo at mga wacky photos niyo" ,natawa naman yung iba sa sinabi ni Sir, kaya nakitawa na rin ako. Alam niyo kung bakit hindi nakakatawa? Para kasing sinasabi ni Sir na hindi importante yung mga selfies namin, memories kaya 'yun!
"Paki-include 'yan don sa mga articles na isasubmit niyo ha? And isend niyo sa'kin, monday morning" ,pagkatapos sabihin 'yan ni Sir ay nagdiscuss na siya tungkol sa News Writing, syempre palaging nakakasagot si Telly, kapag may mga tinatanong si Sir, kasi siya 'yung News Writer namin eh.
"That's all and enjoy your parties, dismissed", sabi ng last teacher namin para sa morning subjects namin kaya naman ay alam na this! sawakas! Lunch na! Yey! "Guys, let's go?" ,tanong sa'min ni Sassy, at sabay-sabay naman namin siyang tinanguan. May napansin akong kakaiba kay Sassy, meron kasi siyang bagong bracelet, pero hindi pa niya kini-kwento sa'min kung saan 'yun galing!
Alam niyo kasi, 'yang mga accessories ni Sassy, palaging may kwento 'yan! Katulad na lang nung relo niyang gold na naka-display sa bahay nila sabi niya sa'min na regalo daw 'yun ng mommy niya nung 1st Birthday niya. At yung kwintas naman niya na may seashells, 'yun naman daw yung kauna-unahang kwintas na ginawa ng mommy niya para sa kaniya. Diba!! Sana all!
Papaalis na sana kami nang makita kong may naiwang handkerchief sa isa sa mga upuan. "Teka lang" ,sabi ko sakanila at pumunta na 'ko kung asan yung hanky na nakita ko. Hala kawawang hanky naman 'to naiwan siya ng may-ari T_T.
"Anong meron jan Khate?" ,tanong ni Cathy, pagkatapos kong madampot yung handkerchief. Nilagay ko na 'to sa bulsa ng palda ko at humarap sakanila. "Wala, akala ko kasi may nakita akong tao, multo pala---ay este akala ko may nakita ako wala pala, he-he", sabi ko sakanila nang nakangiti. Naniwala naman sa'kin yung dalawa, pero si Garnet sinusuri pa rin niya 'ko! Maniwala ka pleaseeee!!! ,nakahinga naman ako nang maluwag nang nagkibit-balikat siya. Kaya naman naglakad na ko papunta sa kanila.
Habang kumakain kami ay naalala ko yung hanky kaya naman kinuha ko ito at binuklat sa ilalim ng mesa namin. Para naman maghanap kung may name ba o wala. At sakto namang nakita ko na may nakaburdang pangalan. 'Ivan Aquino'.
First subject na namin ngayon sa hapon. Napaaga ata kami, dahil kaunti pa lang 'yung tao sa room. Kaya naman, kaniya-kaniya kaming mundo ngayon. Si Cathy, na kanina pa may kachat sa phone niya tapos minsan tatawa pa. Si Sassy naman na ngayon ay nag re-retouch ng make-up niya. At si Garnet naman na attached na attached sa binabasa niyang libro. At ako? Eh, hinihintay ko si Ivan para sana ibalik sakaniya 'tong hanky niya.
Wow naman ang bilis naman dumating ng kailangan kong gawin! Pumasok kasi agad yung apat. At hindi pa nga nakaka-upo sina Ethan at Matthew nang sabay silang pumunta kila Garnet at Sassy. Si Cathy naman ay tinawag muna ang iba nilang ka-groupmates bago pumunta kay Mark. Hala nag p-plano na sila! Kailangan kami rin, pero kasi ibibigay ko muna yung hanky hehe.
Umupo ako sa katabi ng upuan ni Ivan, at siniko siya ng bahagya, dahilan para mapatingin siya sa'kin nang may nanlalaking mga mata, "Uh, hi may gusto sana akong ibalik sa'yo" ,sabi ko sakaniya.
Hindi naman niya 'ko sinagot kaya nagtaka ako, "Hindi ka ba nakakapagsalita? Hala sorry marunong naman akong mag sign language, teka pano ba to", nagpapanic na talaga ako, kasi hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin.
"Nakita..." ,sabi ko habang tinuturo ko yung mga mata ko, "ko...yung handkerchief mo..." ,ngayon naman ay tinuro ko yung sarili ko at umakto akong nag d-drawing ng square. "sa last perio----",naputol yung pag s-sign language ko nang magsalit---teka nagsasalita siya?!
"I can talk you know",sabi niya habang tinitignan ako ng masama, kaya naman ay tinignan ko rin siya ng masama. Dapat ako yung galit dito noh! Pano ba naman kasi, pinahirapan niya pa 'ko sa pag s-sign language!
"Ikaw naman kasi late mo na sinabi! Tsk! Eto oh yung hanky mo" ,binigay ko yun sakaniya nang padabog na kaniya namang ikinatawa.
"Ikaw kaya nag sign language jan bigla",tugon naman niya sa'kin. Inirapan ko na lamang siya. Bigla namang pumasok ang teacher namin.
"I'm so sorry my dear students, may meeting raw kami, and hindi ko kayo matuturuan, pero hindi na rin ako mag-iiwan ng seatwork dahil alam kong may kailangan pa kayong pag-usapan, mag c-cover kayo right? Please wag kayong labas ng labas and I'll leave the President incharge." ,pagkasabi nun ni Ma'am ay umalis na siya agad. Urgent ata yung meeting.
Kaya naman tinawag ko na yung mga group mates namin ni Ivan, at nagsimula na kaming mag plano ng mga kailangan gawin.
"Okay, so by pair ang pag-gawa ha, isang article per pair, at dapat may ma-submit rin kayong pictures or videos. Nakapair na tayong lahat ah, kaya gawin niyo 'yung part niyo." ,seryosong sabi ko sakanila.
"Wow ha, tumitino yung pag-iisip mo pag sa ganitong mga bagay Khate ha", kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Maxene.
"Bakit? Nababaliw ba 'ko pag hindi tayo nag-uusap ng tungkol dito?" ,tanong ko sakanila na ikinatawa nilang lahat. Pano nila nalamang baliw ako? Eh ako nga hindi ko nararamdaman?
"Ay, hindi pala",dugtong ni Maxene sa sinabi niya. At tumawa na naman silang lahat, nangunguna pa talaga si Ivan. Tinignan ko na lamang sila kasi hindi ko talaga ma-gets kung bakit sila tumatawa. Baka sila talaga yung baliw dito.
----------------------------------------------------------------------
YOU ARE READING
Journey to the Center of your Heart (ON-GOING)
Teen FictionThe past is just a memory of the present, and the present is the foundation of the future. How can two people be together in the present, when their past is all just a memory? Coincidence? Coincidence. Isa nga lang bang coincidence na pag-uugnayin...