6

7 1 0
                                        

Pokemon

Ethan's POV



I've been here for more than 20 minutes, and I still can't decide what brand of napkin is she using! Ugh! Nevermind, I'll just buy all of them. She can just choose what to use anyways.

'Modess with wings'
'Modess without wings'
'Whisper with wings'
'Whisper without wings'

So all in all, I bought four packs of pads and soap. After that I went to a Ladies Store then bought her one set of undergarments. And also her shorts...I already knew her size the moment I held her waist.

Papunta na 'ko ngayon sa counter, kanina pa maraming nakasunod ang mata sa'kin pero binabalewala ko lang naman sila. Yung iba naman tatawanan ako. At yung iba naman parang kinikilig pa. Ngayon lang ba sila nakakita ng lalaking bumibili ng mga ganto?

Pagkarating ko sa counter ay nginitian ako ng cashier, "Para po sa girlfriend niyo sir?" wika niya na tila kinikilig pa.

"U-uhhh, yeah" sagot ko sakaniya. What?

Pagkatapos ay nag drive na 'ko pabalik sa school, baka sigawan na 'ko ng babaeng 'yun. A smile crept to my lips just by imagining her reaction.



Garnetelle's POV



Asan na ba kasi 'yung espasol na 'yon! Baka tinakasan na 'ko, huhu T_T. Di tuloy ako makalabas ng ladies room! Sabi ko na nga ba sana hindi ko na 'yun-----

"Garnet?" phew! Speaking of the devil.

"Uhhh, here" sagot ko para malaman niya kung saang cubicle ako.

Inabot naman niya sa'kin yung mga pinamili niya at nanlaki yung mata ko dahil----anong akala neto sa'kin? Nauubusan na ng dugo?! Ay teka--nasampal ko ang sarili kong noo nang maalala kong hindi ko pala nasabi sa kaniya.

Lumabas na 'ko sa cubicle na kinaroroonan ko, pagkabukas ko ng pintuan ay napakislot ako nang makita ko si Ethan na naghihintay sa labas. Akala ko umalis na 'tong espasol na to----ah oo nga pala.

Kumuha ako sa wallet ko ng 1,000 pesos at inabot ko ito sa kaniya, subalit tinignan niya lang ang pera ko at tinaasan ako ng kilay. Aba! Kulang pa ata, akmang kukuha na naman ako ng 1,000 pero nagsalita na siya.

"I won't accept your money as a payment" lumapit naman siya sa'kin kaya naman napaatras ako, hala anong balak neto?! "A-anong ibig mong sabihin?! Sige ituloy mo yang balak mo sisigaw ako" pagbabanta ko sakaniya pero hindi siya natinag, nagulat ako nang wala na akong maatrasan dahil pader na yung sinasandalan ko, OMSHEKS, Papa God kayo na pong bahala sa'ki----, "But a simple 'Thank you' is fine, Garnet" paismid niyang sabi sa'kin na tila hindi makapaniwala sa sinabi ko.

Aish! What am I thinking! You're a genius Garnet! And yet you didn't think before those words came out from your mouth! Pagkakausap ko sa sarili ko. Ano kayang iniisip ng lalaking to sa'kin!

Tumikhim naman siya kaya naman nabalik ako sa realidad. "T-thank you" I said while forcing a smile.

Tinanguan naman niya 'ko at sabay na kaming naglakad papunta sa room. Chineck ko yung phone ko kung anong oras na, 12:45 PM. May 15 minutes pa kami para mag lunch, and since sa tingin ko naman ay hindi pa siya kumakain,

"Tara lunch muna tayo?"

"Let's have lunch"

Sabay naming sabi, natigilan kami at sabay na natawa--WAIT A MINUTE, CHICKA MINUTE! TUMATAWA SI ETHAN! WOW ISANG RARE CASE NG POKEMON.

Dali-dali ko namang kinuha yung phone ko at pinicture-an siya, natigilan siya at biglang sumimangot nang mapansin niyang kinuhanan ko siya ng picture.

Natawa naman ako kaya kinuhanan ko rin siya ng picture habang nakasimangot.

"Seriously? Stop taking pictures!" sigaw niya at pilit inaagaw yung phone ko sa'kin, mabilis ko naman tong iniiwas sakaniya.

Nang makarating na kami sa cafeteria ay ako na ang nag presintang mag order, umaayaw pa siya nung una pero sabi ko sa kaniya ay para naman mabayaran ko yung ginastos niya kahit paano, kaya naman pumayag siya--ng pilit.

Kumakain na kami ngayon, natawa naman ako sa hitsura netong kasama ko, paano ba naman kasi may ketchup pa sa gilid ng labi, kaya naman kumuha ako ng tissue para punasan 'yon. Nagulat naman siya sa ginawa ko, "May ketchup oh" turo ko sa gilid ng labi niya, nang ma gets naman niya ay kinuha niya na sa'kin yung tissue at siya na ang nagpunas.

Habang umiinom ako ng softdrink ay may narinig akong sound ng camera, nang lingunin ko naman si Ethan ay tatawa tawa na siya, hinarap niya sa'kin yung phone at nakita kong ako nga 'yun habang umiinom ng softdrinks, papansin ang hinayupak!

"Ang duga mo ah! Ikaw ang gwapo mo sa picture, pero ako mukhang slapsoil!" sabi ko sakaniya nang nakanguso, huli na nang mapagtanto ko kung ano 'yung sinabi ko sa kaniya.

"So you find me attractive then?" nakangising sabi niya sa'kin na siyang ikina-init ng pisngi ko. Kaya naman iniwas ko yung mukha ko sakaniya.

"I d-don't remember myself saying that" nauutal kong tanggi sakaniya.

Nagkatinginan naman kami at sabay na natawa, dahil sa sinabi ko, goodness buti naman natapos na yung awkward situation, hindi na ako nag aksaya ng panahon at kinuha yung phone ko, nag selfie naman ako na kasama siya, parehas kaming tumatawa. HAHAHAHAHA ang epic ng hitsura namin!

"Let me see it" sabi niya kaya naman pinakita ko sakaniya yung picture namin. Napangiti naman siya.

"Let's go?" , sabi niya matapos tumayo.

Tumayo na rin ako at sabay na kaming naglakad papunta sa afternoon subject namin, malapit na kami sa room nang namataan ko ang isang pigura ng lalaki na naghihintay sa labas ng room namin.

Nang makalapit na kami ay tinawag ko na siya "Bryce, anong ginagawa mo dito uy?"

Napalingon naman siya sa'kin at kay Ethan, matagal silang nagtitigan ni Ethan---uyyyy~joke hindi pala to BL! Pagkatapos ng titigan nila ay si Bryce na ang kusang umiwas at tinignan naman niya 'ko sabay ngiti at tumalikod na.

"Anong meron dun?" tanong ko sa sarili ko, hindi ko namalayan na pumasok na pala si Ethan sa loob at iniwan na 'ko dito sa labas, wow iwanan ang peg!



----------------------------------------------------------------------

Journey to the Center of your Heart (ON-GOING) Where stories live. Discover now