Chapter 6

4.3K 111 2
                                    

Kiara's POV

Nang makita ko kung sino ang lalaking nasa harap ko nakaramdam ako ng kaba. Anong ginagawa niya dito sa bahay.

"Pa..paano ka nakapasok?" na uutal kong sabi.

Tumayo siya at akmang lalapit sa akin ng bigla akong sumigaw.

"Huwag kang lalapit!"

"Papaano ka nakapasok sa bahay ko?" kinakabahang tanong ko.

"It's not important."

Tatakbo na sana ako para humingi ng tulong ng bigla niya akong hawakan.

"Pwede bang kumalma ka muna." mahinahon niyang sabi.

Hindi ko na namalayan na nanginginig na ako sa takot.

"Umupo ka muna. Parang pagod ka. Saan ka ba galing?"

"Ethan anong ginagawa mo dito sa bahay ko?" may bahid ng takot na pagkasabi ko sa kanya.

Nakakapangilabot kung paano siya naka pasok sa bahay ko.

"Could you please calm down?" kalmadong pagkakasabi niya.

"Ano ba ang pakay mo?"

"Bakit basta basta kana lang pumapasok sa bahay ng may bahay?"

"Kanina pa kasi ako naghihintay sa labas. Kanina pa ako katok ng katok pero walang sumasagot."

" Nilalamok na ako sa labas kaya naisipan ko nang pumasok."

So parang kasalanan ko pa na pinasok niya ang bahay ko ng walang paalam.

"Ano nga ang pakay mo kanina pa ako nag tatanong hindi mo sinasagot!" sigaw na sabi ko.

"You're having my child." seryosong sabi niya na nakatingin sa tiyan ko.

"Papaano mo naman nasabi na anak mo?"

"Kakasabi mo lang diba na ayaw mo maging ama. Tapos sasabihin mo ngayon na you're having my child." inis na pang gagaya na sabi ko.

"Kung dahil ito sa nangyari nung nakaraang araw na muntik na akong mamatay huwag na lang."

"You're tired. Magpahinga kana." kalmadong sabi niya.

"Aalis tayo bukas. Magpapa appointment tayo sa doctor. 10a.m."

"Sandalii."sigaw ko.

Hindi na niya ako nilingon at dire diretsong lumabas ng bahay. Narinig ko nang tumunog ang kotse niya paalis.

My baby's Father is a Mafia Boss(Mafia Series #1)Where stories live. Discover now