Chapter 47

1.7K 40 2
                                    

Ethan's POV

Naglalakad ako papasok ng bahay. Pagkapasok ko nakapatay lahat ng ilaw.

"Ethan tulungan mo ako please." mangiyak ngiyak na sabi ng isang babae.

Hindi ko naman ito makita dahil sa sobrang dilim ng paligid. Kinapa ko naman ang switch ng ilaw. Pagkabukas ko nakita ko naman si Kiara na nakatali sa isang upuan.

"Kiara?" nagtatakang tanong ko.

May makita akong taong naka bonnet at itinutok ang baril kay Kiara.

"Ethan tulungan mo ako!" umiiyak na sabi ni Kiara.

Lalapit na sana ako pero parang na estatwa ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw. Hindi ko maigalaw ang paa at kamay ko.

"Ethan please tulungan mo ako." nagmamakaawang sabi ni Kiara.

"Kiara hindi ako makagalaw." sabi ko naman pero walang tinig ang lumalabas sa bibig ko.

May nakita naman akong isang lalaki na lumapit kay Kiara at may hawak din itong baril. Te..tekaa ba..bakit kamukha ko ang lalaking yan.

"Ethan maawa ka sa akin tulungan mo ako." pagmamakaawa ni Kiara.

"Kiara!! Nandito ako! Hindi ako yan!" sigaw ko ngunit hindi niya naririnig.

"Ethan!!please maawa ka." sabi ni Kiara.

"Patayin mo na siya Ethan." sabi ng taong naka bonnet.

Itinutok naman ng lalaking kamukha ko ang baril sa ulo ni Kiara.

"Kiaraaaa!!" sigaw ko.

Isang malakas na putok. Nakita ko naman si Kiara na duguan.

"Kiaraaaa!!!" sigaw ko.

Tiningnan naman ako ng taong naka bonnet at ngumisi ng malapad.

"Be careful who you trust." iyon ang huling katagang sinabi niya at dumilim ang paligid.

Nagising naman ako sa pag vibrate ng phone ko. Shit masamang panaginip lang pala. Agad naman akong bumangon at umupo. Nung nakaraang araw napaniginipan ko naman si Kiara na sumama sa lalaking kamukha ko ngayon naman pinatay siya. Ano bang nangyayari sa akin bakit napapaniginipan ko si Kiara.

Bumangon naman ako at pumunta sa kusina para makapagluto nang umagahan. Ilang araw na din pala ang lumipas simula nang nakarating si Cassandra dito sa bahay. Napansin ko naman na hindi na masyadong lumalabas ng kwarto si Kiara. Lumalabas lang siya kapag kumakain at bumabalik din kaagad ng kwarto niya.

Si Cassandra ang natutulog sa kwarto nasa sala naman ako. Dito ako sa sofa natutulog.
Naghanda naman ako ng lulutuin. Hindi mawala sa isip ko ang napaniginipan ko. Para bang may ipinapahiwatig siya sa akin pero hindi ko alam kung ano.

Ilang minuto din akong nagluto. Inihain ko naman ito sa mesa at tinakpan muna. Tiningnan ko naman ang oras six thirty pa naman. Bumalik muna ako sa sala. Umupo naman ako sa sofa at isinandal ang ulo ko.

"Be careful who you trust." bakit pamilyar sa akin yan. Parang narinig ko na yan pero hindi ko alam kung saan. Sign na kaya to na huwag kung ituloy ang plano kung patayin si Kiara. Napatigil naman ako sa pagiisip ng makita si Kiara na bumababa. Tumayo naman ako kaagad.

"Goodmorning Kiara." masayang bati ko sa kanya.

Tumango naman siya at naglakad papuntang kusina. Sumunod naman ako. Umupo naman kaagad si Kiara at nagsimulang kumain. Umupo naman ako sa harap niya. Bakit ang cold ni Kiara sa akin ngayon. May problema ba siya.

"Kiara may problema ba?" tanong ko sa kanya.

"Wala." tipid niyang sagot at nagpatuloy sa pagkain.

Bumaba naman si Cassandra na kakagising lang.

"Goodmorning Ethan." sabi niya at hinalikan ako sa pisnge.

Nakita ko naman si Kiara na nakatingin sa amin. Tiningnan ko naman siya at nag iwas ng tingin. Tahimik lang si Kiara habang kumakain. Ilang araw na din niya akong hindi kinakausap.

Pagkatapos naming kumain. Umakyat naman ang dalawa. Naiwan akong mag isa sa kusina at naghugas ng mga pinagkainan.

Pagkatapos kung maghugas umakyat naman ako sa kwarto. Nasa labas palang ako dinig ko naman na parang may kausap si Cassandra sa telepono. Pumasok naman ako kaagad. Nagulat naman siya ng makita ako.

"Ethan!" sabi ni Cassandra at pinatay ang tawag.

"Sino ba yang kausap mo?" tanong ko sa kanya.

"Ah yung kaibigan ko." sagot naman ni Cassandra.

"Ano naman ang pinagusapan niyo?" tanong ko sa kanya at umupo sa kama.

"Kakainis kasi yung mga damit ni Baby Tamtam na pina order ko sa kanya hindi niya nagawa ng tama." sagot naman niya.

Tumango naman ako. Kinuha ko naman ang cellphone ko at tinext si Liam. Nagpaalam naman si Cassandra na maliligo muna. Hindi naman nag rereply si Liam sa mga text ko. Inilagay ko muna ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa, sa gilid ng kama.

Umilaw naman ang cellphone ni Cassandra. Nakita ko naman na may nag text dito.

"Cassandra may nag text." sigaw ko sa kanya.

Pero hindi niya narinig dahil sa lakas ng shower. Pinindot ko ito pero hindi ko mabuksan dahil may password. Ibabalik ko na sana ng mag ring ito at may tumawag.

Nasa shower naman si Cassandra kaya ako na lang ang sumagot.

"Hello?" nagtatakang sagot ko sa tawag.

Pero walang sumagot at pinatay ito kaagad. Ibinalik ko naman ito. Ilang minuto din ang lumipas at lumabas si Cassandra.

"Cassandra may tumawag sayo kanina kaso nasa shower ka kaya ako na ang sumagot." sabi ko naman.

"Ahhh.ahhmm anong sabi Ethan?" tanong sa akin ni Cassandra.

"Walang sumagot sa kabilang linya." sagot ko naman.

Tumango naman siya. Lumabas muna ako ng kwarto para makapagbihis siya. Bumaba naman ako sa sala. Ano kayang ginagawa ni Kiara ngayon. Nag vibrate naman ang cellphone ko. Nakita ko naman na nag reply si Liam.

From: Liam

Wala ako ngayon sa warehouse.

Hindi na ako nag reply. Ilang araw na din akong hindi nakapunta sa warehouse. Gusto ko sanang pumunta kaso ayaw ko iwanan dito ang dalawa na sila lang. Napansin kong hindi gusto ni Kiara ang presensya ni Cassandra. Bumaba naman si Cassandra at bihis na bihis.

"Saan ang punta mo?" tanong ko sa kanya.

"May aasikasuhin lang ako baka gabi na ako makauwi." sagot naman ni Cassandra.

Tumango naman ako.

"Alagaan mo si Baby Tamtam ah. Pakainin mo sa tamang oras bawal yun malipasan ng gutom." sabi naman ni Cassandra at lumabas na ng bahay.

Umakyat naman ako papuntang kwarto ko. Nakita ko naman ang aso ni Cassandra na naglalaro sa kama. Kinuha ko naman ito.

"Alagang alaga ka talaga ni Cassandra no. Pinangalanan ka pa talaga ng Baby TamTam ha." sabi ko sa aso na hawak ko.

Napansin ko naman ang dog tag na nakalagay sa leeg niya. May naka ukit na letter H.

"Bakit naman H ang nakaukit diyan eh T naman yun TamTam." sabi ko sa baby na husky.

Kinarga ko naman ito at lumabas ng kwarto. Ano kaya ang ginagawa ni Kiara ngayon. Kinatok ko naman ang pinto ng kwarto niya bago pumasok.

"Kiara!"

My baby's Father is a Mafia Boss(Mafia Series #1)Where stories live. Discover now