Kiara's POV
Wala akong ginawa sa bahay kundi kumain at matulog. Kakagising ko lang at gabi na. Bumaba naman ako at walang Ethan akong nakita. Pagkapasok ko sa kusina nagulat na lang ako na may tao. Takte para akong aatakihin wala bang bahay ang tao to.
"Kiara gising ka na pala." sabi niya habang puno ang kanyang bibig ng pagkain.
Ang daldal na nga ng lalaking to patay gutom pa. Umupo naman ako sa harap niya at tiningnan lang siyang kumain.
"Husto mo Kiara?" sabi niya sabay aboy nang pagkain.
"Sige na Liam ubusin mo na yan parang gutom na gutom ka eh." sabi ko.
Abala lang siya sa pagkain tumayo naman ako at kumuha ng tubig sa ref at binigyan siya. Umupo ulit ako sa harap niya at bumuntong hininga nang malakas.
Napatigil naman siya sa pagkain at nag angat nang tingin.
"Si Ethan ba?" tanong niya.
Tumango lang ako. Tumigil naman siya sa pagkain at uminom nang tubig at tiningnan ako.
"Ewan ko lang Kiara ha pero parang ibang Ethan ang nakikita ko sa kanya." sabi niya habang nakatingin pa rin sa akin.
"Sabi niya sa akin kanina Liam na pagod lang siya at magpapahinga lang pero ilang oras din ang lumipas umalis din siya at hindi nagpaalam." sabi ko kay Liam.
Tumango naman si Liam.
"Kiara?" tanong ni Liam.
"Hmmm?"
"Masama ang kutob ko kay Ethan. Ilang araw din siyang nawala hindi natin alam kung anong nangyari sa kanya ni wala ngang sinabi sa akin." sabi naman ni Liam.
Tumango lang ako. Ayokong pagdudahan si Ethan may tiwala ako sa kanya pero sana kung may problema siya sabihin niya sa akin. Nandito lang naman ako makikinig sa kanya.
"Liam baka pagod lang siya o di kaya may problema intindihin na lang natin." sabi ko sa kanya at ngumiti.
"Kung may problema siya Kiara sana naman sabihan niya tayo. Nandito lang naman ako, ikaw hindi naman siya nag iisa." may halong galit na pagkasabi niya.
Tumango lang ako .
"Kiara?" tawag ulit ni Liam.
Nag angat naman ako nang tingin.
"Gusto mo bang malaman ang tungkol sa amin ni Ethan?" tanong niya sa akin habang nakatingin sa aking mga mata nang diretso.
Tumango naman ako. Inihanda ko na ang sarili ko sa oras na malaman ko kong ano man ang tinatago ni Ethan sa akin. Alam kung mahal ko siya at hinding hindi magbabago ang pagmamahal na yun kahit anong mangyari.
Third Person's POV
"Gusto mo bang malaman ang tungkol sa amin ni Ethan?" tanong sa kanya ni Liam habang nakatingin nang diretso sa mga nata ni Kiara.
Tumango naman si Kiara. Hindi na mapigilan ni Liam ang itago pa kay Kiara ang katotohanan dahil patagal nang patagal mas lalo itong mapapahamak.
"Gusto ko Kiara kumalma ka lang sa mga malalaman mo." sabi ni Liam sa kanya at bumuntong hininga.
Tumango naman si Kiara at nagsimula nang magkuwento si Liam.
"May apat na grupo ang, Dark Phoenix, Silver Assassins, Black Jaguar at Blood Dragons."
"Ako at si Ethan ay miyembro nang Dark Phoenix at si Ethan ang namamahala at nagpapatakbo nito." sabi ni Liam at huminto tiningnan niya si Kiara.
Tumango naman si Kiara at pinagpatuloy ni Liam ang kanyang pagkukwento.
"Sa apat na grupo Dark Phoenix ang pinakamalakas at nangunguna sunod naman ang Silver Assassins pangatlo ang Black Jaguar at ang panghuli ay ang Blood Dragons."
YOU ARE READING
My baby's Father is a Mafia Boss(Mafia Series #1)
ActionWhen Kiara a normal girl gets drunk with her friend Sheena at the bar. Letting her curiosity flaring in her tanzanite eyes. Little does she know she's about to change her life FOREVER.