Chapter 7

4.3K 107 1
                                    

Nahiga ako sa kama at hindi mawala sa isipan ko ang sinabi niya kanina. My child? nung nakaraang araw lang sabi niya I can't be the father tapos bigla niyang sasabihin child niya?Gago lang?Nakakainis.

Nang hindi ako makatulog napag isipan kung mag Facebook na lang. Nang may biglang kumatok ng pinto.

"Kiara?"

"Hmmm?"

"Bat ka pa gising? Nakakasama sa baby pag puyat ang mommy." nakapamewang na sabi ni Sheena.

"Hindi kasi ako makatulog eh."

"Ano nanaman kasi iniisip mo?"

"Pumunta kasi si Ethan dito kanina."

"As in kanina?"gulat na tanong niya.

"Ay hindi hindi kahapon." pilosopong sagot ko.

"Eto naman galit agad. Ano naman ang ginagawa ng gagong yun dito."

"Wow kung makagago ha parang hindi naghanap ng paraan para mahanap yung tao."

"So kinakampihan mo na yun kaysa sa akin." humawak pa ito sa dibdib niya at nagkunwaring nasasaktan.

"Ang o.a mo" natatawang sabi ko.

"So anong pinunta niya dito?"

"Sabi niya pupunta daw kami ng doctor bukas."

"Okay."

"Wait,what pupunta kayo ng doctor bukas?"

"Akala ko ba ayaw niya sa baby?"

"Yun rin ang akala ko eh sabi pa nga niya. *You're having my child*."

"Woahh sure kabang si Ethan nag sabi niyan ah baka ibang Ethan." Nakangising sabi ni Sheena.

"May ibang Ethan pa ba tayong kilala?" minsan din shunga shunga tung kaibigan ko.

At ayun kinulit na ako ng gaga. Pina kwento sa akin ang lahat ng napag usapan naman ni Ethan.

Napag isipan ko nang magpahinga dahil aalis pa kami bukas. Nagising na lamang ako dahil sa sikat ng araw na dumampi sa aking balat.

Tiningnan ko ang aking phone it's already 8 a.m. Bumaba na ako sa kusina at amoy na amoy ko ang ulam.

"Goodmorning, parang good mood si mommy ngayon ah." masayang bati sa akin ni Sheena.

"Ano ba yang niluluto mo?"

"Fried egg diba favorite mo to."

Nag kukwentuhan lang kami ni Sheena habang kumakain. Pagkatapos naming kumain umakyat na ako at naghanda. Tapos na akong mag ayos ng makarinig ako ng sasakyan.

Sumilip ako sa bintana at nakita ang sasakyan ni Ethan. Nakita ko siyang bumaba ng kanyang sasakyan kaya bumaba na ako.

"Ready?" he asked.

"Ahmm, oo."

Nagpaalam na ako kay Sheena na aalis na kami. Nang makasakay kami sa kotse walang nagsalita. Tahimik lang kami hanggang makarating sa hospital.

My baby's Father is a Mafia Boss(Mafia Series #1)Where stories live. Discover now