Ethan's POV
Nandito ako sa bahay naghahanda ng mga gamit ko kinuha ko ang aking glove at baril. Nilalagyan ko oto ng mga bala at kumuha ng ibang magazine na may mga bala.Tawag ng tawag si Liam sa akin ngunit hindi ko ito sinasagot. Nakailang tawag din ito nang mapagisipan ko nang sagutin.
"Ethan!" bungad niya sa kabilang linya.
"Ethan! bumalik ka na dito nagkamalay na si Kiara at hinahanap ka na niya." sabi niya ngunit hindi ako nagsasalita .
"Nath-----" at agad na pinutol ko ang tawag.
Buo na ang desisyon ko haharapin ko sila ng magisa ayaw ko na mapahamak pa si Kiara. Si Liam marami na siyang itulong sa akin. Ayaw ko na may madamay pang inosente at walang kasalanan sa gulong pinasok ko. Bago ako umalid ng bahay pumasok muna ako ng nursery room. Hindi pa namin to na cocompleto hindi pa kami nakakabili ng crib para sa kambal. Para bumigat ang pakiramdam ko. Sinasabi ng puso ko na huwag nang umalis pero sinasabi naman ng isip ko na kailangan dahil sa para naman ito sa kaligtasan ni Kiara at ng mga anak ko.
Bumaba na ako at nasa sala na ako. Hindi ko mapigilang umiyak kahit sa sandaling panahon marami naman kaming mga alaala ni Kiara. Lumabas na ako at sumakay sa kotse. Pinaharurot ko ito ng takbo papuntang bodega kumg saan nabaril si Kiara.
Pagkapasok ko walang tao ngunit naramdaman ko naman na may nagmamasid sa akin. Handa na ako kung para sa kaligtasan ni Kiara at ng mga anak ko handa akong isakripisyo ang buhay ko.
"Nandito na ako!" umalingaw ngaw ang sigaw ko sa bodega ngunit walang sumagot.
"Ako diba ang kailangan niyo! Ako ang harapin niyo!" sigaw ko.
"Welcome Carter." sabi nang lalaki na nakangisi.
"Akalain mo buhay ka pa pala." sabi niya at ngumisi ng malapad.
"Kumusta naman si mommy." sabi niya habang inaayos ang kanyang gloves.
Parang may kung anong galit ang namuo sa akin.
"Papatayin kita!" sabi ko habang nag cocontrol sa sarili ko.
"Mamatay ka muna Carter bago ako." sabi niya.
Naramdaman ko naman na hindi lang siya nagiisa. Agad ko naman kinasa ang baril at pinaulanan ng putok ang tao na nasa likod at gilid ko.
"Magaling Carter,magaling." sabi niya habang nakangisi.
Kinasa ko uli ang baril ko at akmang babarilin siya nang may bumaril sa binti ko at napaluhod ako. Tangina lumaban kayo ng patas. Tatayo na sana ako ng may bumaril sa balikat ko.
"Akala ko ba Carter ako ang mamamatay pero bakit ikaw." sabi niya kailangan kung lumaban.
Bigla niya akong sinikmuraan at nawalan na ako ng malay.
Third Person's POV
"Sige buhatin niyo na yan." sabi ng kausap ni Ethan kanina.
Dinala si Ethan sa isang abandonadong gusali at tinalian ang mha kamay at paa. Dumating namam ang ibang kasamahan nang lalaki. Naglalaro lang sila habang hinihintay na magkamalay si Carter. May dumating naman na lalaki at napatigil sila sa paglalaro.
"Asaan siya?" tanong nang lalaki.
"Nasa loob." sagot naman ng kanyang kausap.
Pumasok ang lalaki na kakarating lang. Dahan dahang nagkamalay namam si Ethan at iniinda ang tama nang baril sa kanyang binti at balikat.
"Boss hindi pa ba natin ito papatayin?" tanong sa kanya ng lalaki.
"Hindi pa. May ibang plano sa kanya si Hell kaya ihanda niyo ang mga gamit sa kabilang kwarto." sagot nang lalaki na tinawag niyang boss.
"Carter gising ka na pala." bungad niya kay Ethan na naghihina at ininda ang sakit.
"Patayin niyo na ako." sabi naman ni Ethan na nakayuko.
"Kalma ka muna Carter. Papatayin ka rin namin. Pero sa ngayon may plano pa kami sayo." sabi niya habang nakangisi.
"Kung ano man ang plano niyo hinding hindi kayo magtatagumpay!" sigaw ni Ethan.
"Aba matapang ka pa rin kahit nanghihina ka na." sabi nang lalaki at sinikmuraan si Ethan.
Sumuka naman ng dugo si Ethan at pilit nilalabanan ang sakit na kanyang nararamdaman.
"Kulang pa yan Carter. Kulang pa yan sa mga ginawa mo." sabi ng lalaki at umupo.
"Dapat lang yun sa mga taong katulad niyo." sabi ni Ethan at nagawa pa niyang ngumisi.
Nagalit namam ang kanyang kausap at hinawakan niya si Ethan sa mukha.
"Tingnan lang natin Ethan. Tingnan lang natin kung may magagawa ka kung ikaw mismo ang gagawa ng paraan upang masaktan ang babaeng mahal mo." sabi ng lalaki habang hinawakan ang mukha ni Ethan.
Agad naman iniwas ni Ethan ang kanyang mukha.
"Gawin niyo na ang lahat sa akin huwag niyo lang idamay si Kiara!" sigaw ni Ethan.
Hindi na siya sinagot ng lalaki at lumapit sa mga nagkukumpulang mga lalaki na naglalaro. Hinang hina na si Ethan ngunit pinipilit niya pa ring lumaban. Walang ibang tutulong sa kanya kundi ang kanyang sarili lamang. Walang ka malay malay si Liam at Kiara kung ano na ang kalagayan ni Ethan.
Ilang minuto din ang lumpas lumapit sa kanya ang kanyang kausap kanina lang.
"Kung ako sayo Carter magdadasal na ako kasi hindi ko alam baka ngayon ay katapusan ko na." sabi ng lalaki at humalakhak nang malakas.
"Boss handa na po ang inuutos niyo." sabi ng lalaki.
"Sige ilipat na yan doon." utos nang boss nila.
Pinatayo nila si Carter ngunit nagmatigas ito. Sinikmuraan uli si Carter at nanghina kaagad. Kahit na nanghihina na siya nagawa pa niyang sipain ang taong humawak sa kanya. Agad naman kinuha nang boss ang kanyang baril at binaril si Carter sa binti kung saan ito nabaril kanina.
Ipinasok naman si Carter sa isang kwarto na may mga apparatus. Pinahiga nila ito sa stretcher at tinalian ng mahigpit.
"Anong gagawin niyo sa akin." sabi ni Carter habang sinusubukang makawala.
"Matutulog ka lang Carter." sagot sa kanya ng lalaki.
"Boss nandito na ang doctor." sabi nang isang lalaki.
"Anong gagawin niyo sa akin?" tanong ni Ethan habang sinusubukang makawala.
"Konteng kirot lang ito Carter." nakangising sabi niya kay Carter.
May kinuha ang doctor na isang syringe.
"Ano yan!" sigaw ni Ethan.
Hindi na sinagot si Ethan at pumikit na lamang ito.
"Mahal na mahal kita Kiara." sabi niya habang nakapikit.
Iyan ang huling salita na sinabi ni Carter at may itinurok sa kanya. Sumigaw naman nang pagkalakas si Ethan. May mga inilagay na mga cable sa ulo ni Ethan at bisig. Hindi na maramdaman ni Ethan ang kanyang buong katawan parang nangmanhid ito. Biglang nanginginig ang buong katawan ni Ethan at nawalan ito nang malay.
Kiara's POV
Ilang araw na ang nagdaan simula nang makalabas ako sa hospital walang Ethan na nagpapakita sa akin. Walang Ethan na bumisita sa akin sa hospital. Nag aalala na ako kung may nangyari ba sa kanya.
May kumatok naman sa pinto at iniwan ko muna ang ginagawa ko. Pagkabukas ko sa pinto agad ko naman nakita kung sino ito.
"Ethan!"
YOU ARE READING
My baby's Father is a Mafia Boss(Mafia Series #1)
ActionWhen Kiara a normal girl gets drunk with her friend Sheena at the bar. Letting her curiosity flaring in her tanzanite eyes. Little does she know she's about to change her life FOREVER.