Kiara's POV
Nasa sala ako nanunuod nang t.v nagpaalam naman si Ethan na aalis muna siya.
"Kiara aalis lang muna ako saglit babalik din ako kaagad." pagpapaalam ni Ethan at hinalikan ako sa noo
"Mag ingat ka Ethan." sabi ko at ngumiti.
Tumango naman ito at lumabas na nang bahay at pinaharurot ang kotse. Naiwan na naman akong mag isa sa bahay. Na mimiss ko na si Sheena matagal na rin simula nung huli kaming nag usap. Ilang araw na din hindi pumupunta si Liam dito sa bahay na miss ko rin ang katakawan nun.
Napagisipan kong mag bake ng cupcake. Matagal tagal na rin akong hindi nakapagbake simula nung umalis na ako sa bahay ampunan. Nung mga nakaraang araw parang busy at panay ang lakad ni Ethan. Wala namang sinasabi sa akin si Ethan kung saan siya nagpupunta.
Nagpunta ako sa kusina naghanap ako ng mga ingredients sa cabinet. Abala na ako sa paggawa ng cupcakes. Inihalo ko ang cream butter and sugar hanggang sa maging fluffy na ito. Hinalo ko naman ang ibang ingredients at inilagay sa oven. Habang nag hihintay akong ma luto ang cupcake gumagawa naman ako ng icing.
Inilagay ko muna sa mesa ang cupcake. Umakyat muna ako sa kwarto para makapagbihis. Kinuha ko naman ang cellphone ko. Andaming misscall galing kay Liam. Tatawagan ko sana si Liam pero wala pala akong load. Bumaba muna ako sa sala at nagbasa na lang nang magazine.
Weird andaming miscalls sa akin ni Liam pero walang text. Tumunog naman ang cellphone ko at nakita kong tumatawag ulit si Liam. Sinagot ko naman ito kaagad.
"Liam?" nagtatakang tanong ko.
"Ki--ra m-k-nig ------b-----." sagot niya sa kabilang linya.
"Hello Liam? hindi kita marinig sandali lang hahanap ako nang magandang signal." pumunta naman ako sa kusina.
"K--ra m-----g -- k-----gan -- n--- uma--- ----n. --- m------g b--ak s-yo -- ----n." sabi naman ni Liam sa kabilang linya pero hindi ko maintindihan.
"Hello Liam? Hello, Hello?" sabi ko naman.
"K---- m----- ka u---is -a -- di--n sa b---y at mag------- ----." sagot niya pero ni isang salita wala akong maintindihan.
"Wait Liam pwede bang humanap ka nang magandang signal chappy ka eh." sagot ko naman.
"Kia---."
"Hello Liam?" sagot ko. Pero wala nang nag sasalita sa kabilang linya.
"Helloo Liam??Andyan ka pa ba?" tanong ko pero pinatay na niya ang tawag.
Anong nangyari dun?Saan ba siya nagpunta bakit walang signal. Hinintay kung tumawag ulit si Liam, pero wala. Inilagay ko muna sa ref ang cupcake at bumalik sa sala. Binuksan ko muna ang t.v. Nang biglang bumukas ang pinto ng malakas. Nagulat naman ako at nakita ko naman si Ethan na balisa.
Tumakbo naman ito kaagad sa akin at niyakap ako nang mahigpit problema nito?
"Ahmmm Ethan hindi na ako makahinga." sabi ko at tinapik ang kanyang likod dahil sa mahigpit niyang pagkakayakap.
Bumitaw naman siya sa pagkakayakap at hinarap ako.
"Kiara kahit anong mangyari huwag mo akong iiwan." sabi naman ni Ethan at tumingin ng diretso sa aking mga mata.
Tumango naman ako. Para namang nahimasmasan siya sa sinabi ko.
"Ethan nag bake ako ng cupcake tara kain tayo." sabi ko sa kanya at ngumiti.
Tumango naman ito at sumusunod sa akin papuntang kusina. Abala si Ethan sa pagkain ng cupcake ng sumagi sa isipan ko si Liam.
"Ethan nagkita ba kayo ni Liam?" tanong ko sa kanya at natigilan siya sa pagkain.
"Hindi." tipid niyang sagot.
"Bakit mo naman natanong?" tanong niya.
"Andami kasing tawag ni Liam ngunit hindi ko nasagot. Tapos nung nasagot ko na parang may sinasabi siya sa akin pero hindi ko maintindihan." sagot ko naman at kinagat ang cupcake.
Tumango naman ito. Pagkatapos naming kumain ng cupcake nag aya si Ethan na manuod nang movies.
Third Person's POV
"Pakawalan niyo ako!" sigaw ni Liam.
"Alam mo kanina pa ako naiingayan sayo." sabi naman ng isang lalaki at itinutok ang baril kay Liam.
"Sige iputok mo." panghahamon ni Liam.
"Aba palaban ang lalaking to." sabi nang lalaki at sinapak si Liam.
Napaubo naman si Liam at dumura ng dugo.
"Wala ka pala eh." sabi sa kanya ng lalaki.
May dumating naman na isang lalaki.
"Boss." sabi ng lalaking kausap ni Liam.
"Hayop kayo! Anong ginagawa niyo sa kaibigan ko!" sigaw ni Liam at sinubukang makatakas sa pagkakagapos sa kanya.
"Simple lang naman." sagot nang lalaki at ngumisi.
"Electric Shock ranging from 120 to 52,000 volts." sagot nang lalaki at ngumiti.
"Anong ibig mong sabihin?"nagtatakang tanong ni Liam.
Tumawa naman ang lalaking kausap ni Liam.
"Simple lang naman. Kinuryente namin ang kaibigan mo hanggang sa mawala ang kanyang memorya." sabi nang lalaki at tiningnan si Liam.
"Hindi naman pala mahirap paikutin ang isip nang kaibigan mo." sabi naman nang lalaki.
"Tangina! kung gusto niyo ng gulo kami ang harapin niyo! huwag niyo idamay si Kiara." sigaw ni Liam.
"Alam mo naman nating lahat na ang kahinaan ni Nathaniel ay si Kiara diba. Sa ganitong paraan hindi na kami mahihirapang pabagsakin siya." sabi ng lalaki at ngumiti.
"Hindi pa ba kayo nakontento?" sabi ni Liam at ngumiti.
"Ang dami nang namatay na kasamahan niyo, tingin mo may laban kayo sa Dark Phoenix?" sabi ni Liam at ngumiti nang malapad.
"At kapag dumating ang oras na bumalik ang alaala ni Nathaniel magdasal na kayo dahil ni isa wala siyang ititira sa inyo." sabi ni Liam at tiningnan ang lalaki at ngumisi.
Parang na insulto naman ang lalaking kausap ni Liam. Sinapak niya ng malakas si Liam at sinapa.
"Boss tama na yan." pagpipigil ng isang lalaki.
Tumango naman ang lalaki. Napahiga naman si Liam pero palaban pa rin ito gaya ng kaibigan niya.
"Yun lang ba ang kaya mo?" sabi ni Liam at ngumisi.
Sisipain pa sana niya si Liam na may dumating pang isang lalaki.
"Boss pinapatawag ka ni Hell." sabi sa kanya ng lalaki.
Tumango naman ito. Hindi pa rin himinto si Liam at sinubukang makawala sa pagkakatali sa kanya. Ilang minuto din ang lumipas pero hindi parin sumuko si Liam.
"Kahit anong gawin mo hindi ka makakawala diyan." sabi nang isang boses na nanggagaling sa madilim na parte ng kwarto.
"Sino ka!" sigaw ni Liam dahil nasa madilim na parte ng kwarto ng galing ang boses at hindi niya maaninag kung sino ito.
"Ang bilis mo naman makalimot Liam." sagot nito.
"Magpakita ka!" sigaw ni Liam habang sinusubukang makawala.
"Liamm....Liam..Liam....hindi mo na ba ako nakikilala." sagot ng isang boses at ngumisi.
Nakatingin lang si Liam sa madilim na parte nang kwarto. Nakatingin lang si Liam habang may isang taong naglalakad papunta sa kanyang direksyon. Napalitan ng gulat ang mukha ni Liam nang maaninag niya ito.
"Hi Liam." bati nito sa kanya at ngumiti.
"Ikaw?" tanong ni Liam na may halong galit sa taong nakatayo sa kanyang harapan.
YOU ARE READING
My baby's Father is a Mafia Boss(Mafia Series #1)
AzioneWhen Kiara a normal girl gets drunk with her friend Sheena at the bar. Letting her curiosity flaring in her tanzanite eyes. Little does she know she's about to change her life FOREVER.