Ethan's POV
Buong araw lang akong nandito sa bahay kasama si Kiara. Natapos naman ang pag re repaint ko sa nursery room. Sa susunod na araw na kami mamimili nang mga gamit para sa nursery room. Si Kiara na ang nag alok na mag luto. Wala naman akong nagawa kundi pumayag.
Umakyat muna ako sa kwarto para maligo. Pagkatapos kong maligo nagbihis na ako at bumaba. Nadtnan ko naman si Kiara na abala pa sa pagluluto. Niyakap ko naman siya patalikod.
"Nagluluto ako Ethan." pagbabanta niya.
"Sandali lang." sabi ko habang nakapatong ang mukha ko sa balikat niya.
Pakiramdam ko si Kiara ang pahinga ko. Pagkasama ko si Kiara ang gaan gaan nang pakiramdam ko. Oo inaamin ko gago ako nung una pero ngayon na realize ko kung gaano ako ka swerte sa kanya.
Inaamin ko din na gusto ko na siya. Gustong gusto ko si Kiara. Pinaramdam niya sa akin ang isang pagmamahal na hinding hindi ko naramdaman kailanman. Kumalas na ako sa pagkakayakap ko sa kanya at umupo.
Hinain na niya ang kanyang niluluto at nagsimula na kaming kumain. Nag uusap lang kami ni Kiara sa mga gusto niyang ilagay sa nursery room. Pagkatapos naming kumain nanood lang kami nang movies.
Sa kalagitnaan nang panonood namin biglang nag ring ang cellphone ko. Tiningnan naman ako ni Kiara at tumango. Bumangon siya sa pagkakahiga sa dibdib ko. Pumunta naman ako sa kusina para sagutin ang tawag.
Nakita ko naman ang tumatawag.
"Cassandra."
"Nathaniel Carter! bat hindi ka na nag paparamdam ha?" inis na sabi niya.
"Busy lang." walang emosyong sabi ko.
"Lagi ka nalang busy Ethan. Nagtatampo na ako pati si baby Tamtam." nagtatampong sagot niya.
"May ginagawa ako Cassandra." sabi ko habang hinihilot ang aking sintunado.
"Buo na ang desisyon ko Ethan pupuntahan ka namin diyan ni baby Tamtam."
"Cassandra huwag na please diyan na lang kayo bibisitahin ko rin kayo diyan." sagot ko.
"Kailan pa ha? halos 8 months ka nang hindi umuuwi dito. Tapos hindi mo pa ako tinatawagan." galit na sabi ni Cassandra.
"Sige na Cassandra may gagawin pa ako."
"I love you Ethan. I love you din sabi ni baby Tamtam."
"Bye." sagot ko at pinatay kaagad ang tawag.
Bumalik naman ako sa sala at nadatnan si Kiara na nanonood pa rin nang movie. Umupo ako sa tabi niya at pinahiga ulit sa dibdib ko. Naka dalawang movies na kami nang mapansin kung tulog na si Kiara.
Binuhat ko siya papuntang kwarto niya at pinahiga sa kama. Hinawi ko ang kanyang buhok at tinitigan siya. Hindi ko maiwasang mapangiti ang mala anghel niyang mukha ang masayang ngiti niya na nagbibigay sigla sa araw ko.
Nang masiguro kung tulog na talaga si Kiara. Pumasok na ako sa kwarto ko. Nakita ko naman na nakailang tawag na si Liam. At nag iwan nang text.
From: Liam.
Pumunta ka sa werehouse asap.
Nagbihis ako at kinuha ang susi nang kotse. Pumasok ulit ako sa kwarto ni Kiara at hinalikan siya sa noo.
"Kiara alis muna ako. Pangako babalik ako." i whispered at hinalikan siya sa noo.
Kinuha ko ang kotse ko at pinaharurot nang takbo papuntang werehouse. Pagkadating ko pa lang sa werehouse naka bungad na si Liam sa pinto.
"Anong meron Liam?" tanong ko habang naglalakad papasok.
"Natagpuan na namin kung sino ang nagpadala nang sulat." sabi nito.
Tumango naman ako at dumiretso sa opisina para suotin ang gloves ko.
"Nakuuu may mamamatay na naman na isang lilalang ngayong gabi." sabi ni Liam habang naka upo sa sofa.
Abala ako sa pag susuot nang gloves ko paglalagay nang bala sa baril.
"Asan siya." tanong ko kay Liam.
"Nandoon sa assassination room." sagot ni Liam.
Pumasok ako sa assassination room at nakasunod naman si Liam sa akin. Bumungad sa akin ang isang lalaki na nakatali sa ang kamay at paa sa upuan.
Umupo ako sa harapan niya habang nilalaro ang aking baril.
"Isang tanong isang sagot." sabi ko sa lalaking nasa harap ko.
"Sino ang nagpadala nang sulat?" diretsong tanong ko.
"Sino pa ba edi si Hell." pilosopong sagot nang lalaki.
Tumayo ako sa pagkakaupo ko at lumapit sa kanya.
"Sino si Hell!?" naiiritang tanong ko.
"Hanggang ngayon Ethan? wala ka pang ideya kung sino si Hell?" natatawang sagot nang lalaki.
Hinampas ko siya nang malakas gamit ang aking baril at kinuwelyuhan.
"Huwag kang pasisiguro hindi lahat nang nakapaligid sayo ay kakampi mo baka yung iba sumasagap lang nang impormasyon." nakangising sagot nang lalaki.
"Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ko.
"Hindi natin alam yung taong pinagkakatiwalaan mo nang buong buo ay siyang mag tra traydor sayo." sagot niya at tumingin kay Liam.
Nilingon ko si Liam na nakatingin sa akin at binalik ko ang attention sa lalaki.
"Mag ingat ka Ethan sa mga pinagkakatiwalaan mo baka bukas o samakalawa----" hindi ko na siya pinatapos.
Sinipa ko siya nang malakas at agad na binaril.
"Ligpitin niyo ito nang maayos." utos ko sa kanila.
Bumalik ako sa opisina ko at hinubad ang gloves ko. Hindi mawala sa isipan ko kung sino ang tinutukoy niya. Sumunod naman si Liam sa akin sa loob nang opisina.
"Napansin ko lang pre may tattoo silang x sa bandang leeg." sabi sa akin ni Liam.
"Oo tattoo nang mga Silver Assassins." sagot ko habang abala sa paglilinis nang baril ko.
"Sa tingin mo Ethan sino ang tinutukoy niya." tanong sakin ni Liam.
"Hindi ko alam." sagot ko kaagad.
Hindi na nagtanong pa si Liam. Pinagpatuloy ko ang paglilinis nang baril ko. Hindi mawala sa isipan ko ang sinabi niya sa akin. Sino naman kaya ang tinutukoy niya. May sumasagi sa isipan ko pero impossible. May tiwala ako sa kanya alam kung hinding hindi niya ako ta traydurin.
Third Person's POV
Habang abala si Ethan sa paglilinis nang kanyang baril may nag text sa kanya galing sa isang unknown number.
From: Unknown Number
Hawak ko na ngayon si Kiara, Nathaniel Carter.
Pagkatapos mabasa ni Ethan ang message dali dali siyang tumakbo papunta sa kanyang kotse at pinaharurot ng takbo. Pagkadating niya sa bahay. Dali daling tumakbo si Ethan papuntang kwarto ni Kiara. Walang oras na inaksaya si Ethan.
Pagkapasok niya sa kwarto nadatnan niyang mahimbing na natutulog si Kiara sa kanyang kama. Nag vibrate naman ang phone ni Ethan at agad niya itong kinuha.
From: Unknown Number
Nagsisimula pa lang ako Nathaniel Carter.
He balled his hands into fist and held them at his sides. "Hindi kita aatrasan Hell. Magkamatayan man tayo."
YOU ARE READING
My baby's Father is a Mafia Boss(Mafia Series #1)
ActionWhen Kiara a normal girl gets drunk with her friend Sheena at the bar. Letting her curiosity flaring in her tanzanite eyes. Little does she know she's about to change her life FOREVER.