Ethan's POV
"Welcome to your new home Kiara." nakangising sabi ko.
"Magpahinga na kayo ipapaayos ko nalang yan sa mga kasambahay."
Halatang gulat na gulat pa rin si Kiara at parang pina process pa sa utak ang mga nangyayari.
"Kiara alis muna ako babalik lang ako dito para bisitahin ka." hinalikan ko ang kanyang noo.
"Goodnight matulog kana late na rin parang pagod ka rin kakapasyal sa mall." ngumiti ako at umalis ng bahay.
*FLASHBACK*
"Hello? Oh Ethan napatawag ka?" sabi ni Sheena.
"Sheena pwede ba tayong magkita may importante lang akong sasabihin."
"Ah sige pumunta ka na lang dito sa bahay."
Pinatay ko na ang tawag at pinaharurot ang sasakyan sa bahay nila Kiara. Sabi sakin ni Sheena wala si Kiara ngayon dahil pumasok ito. Pagkarating ko sa bahay nila nakita ko naman kaagad si Sheena. Pinapasok niya ako at pinaupo sa sofa.
"Anong importanteng sasabihin mo?" tanong sakin ni Sheena.
"Sheena tulungan mo ako, tulungan mo akong kombinsihin si Kiara na lumipat ng bahay. Kayo ililipat ko kayo ng bahay." diretsong sabi ko.
"Bakit mo naman ililipat ng bahay si Kiara?" nagtatakang tanong niya.
"Para sa kaligtasan ni Kiara at ng baby."
"Tutulungan lang kita Ethan kung ipapaliwanag mo sa akin lahat."
Tumango naman ako at bumuntong hininga matagal ko nang pinagisipan alam kong si Sheena lang ang paraan upang mapapayag si Kiara.
"Sheena ipangako mo sa akin na hinding hindi mo ito ipagsasabi kahit kanino kahit kay Kiara."
Tumango naman ito at nag simula na akong mag paliwanag. Sinabi ko sa kanya ang tungkol sa akin.
"So isang kang Mafia Boss?"gulat na tanong sakin ni Sheena.
Tumango naman ako.
"Bakit naman nadamay si Kiara sa gulong to?"nag aalalang tanong ni Sheena.
"Alam na ng mga kalaban Sheena na nabuntis ko si Kiara."
"Kung hindi nila ako kayang saktan o patayin. Gagantihan nila ako at gagamitin nila si Kiara at ang anak ko."
"Please Sheena tulungan mo ako alang alang sa kaibigan mo at sa magiging anak namin." nagmamakaawang sabi ko.
"Tutulungan kita Ethan alang alang kay Kiara at sa magiging baby niya."
"Paano mo naman masisiguro na ligtas si Kiara sa bahay na lilipatan namin?" naniniguradong sabi niya.
"May mga nakabantay sa bahay na hindi niyo namamalayan."
"Wala ka bang planong sabihin ito kay Kiara Ethan?"
"Bigyan mo lang ako ng kaunting panahon at sasabihin ko lahat sa kanya."
Tumango naman ito at nagsimulang mag impake ng mga gamit. Nagpadala ako ng tauhan upang may tumulong sa pagaayos at paglilipat ng gamit sa bagong bahay ni Kiara.
*End of Flashback*
Umalis na ako sa bahay at pumunta sa werehouse naabutan ko naman ang kaibigan ko na nakahiga sa sofa at kumakain. Kinuha ko ang alak na nakapatong sa lamesa at nag salin sa baso ko.
"Napa payag mo na ba si Kiara na tumira sa bahay?"
Tumango naman ako at uminom.
"Oh bat antagal mong nakabalik?"
"Inutusan kita diba na bantayan mong maigi si Kiara."
Bumangon naman ito sa pagkakahiga niya at umayos ng upo.
"Binantayan ko naman ah makikita mo kaya siya kung hindi ko binantayan tsk." nag tatampong sabi ng gago.
"Dapat nga mag thank you ka pa dahil binantayan ko si Kiara tsk walang utang na loob."
Minsan talaga ang sarap tahiin ng bunganga ng lalaking to. Lakas ng amats parang babae kung magsalita. Kinuha ko ang phone ko at napagisipan na i text si Kiara.
To: Kiara
Tulog kana?Hindi na nag reply si Kiara.
"Wala pa rin bang lead kung sinong namamahala sa Silver Assassins?"
"Wala pa rin Ethan. Impossibleng si Alexander ang namamahala sa Silver Assassins."
"Matagal nang patay si Alexander. Pinaimbestigahan ko ang bangkay na napatay natin at lumalabas sa result na si Alexander." sabi ko sa kanya.
"Sino naman ang ibang mag kaka interest sa Silver Assassins?"nagtatakang tanong niya.
"Hindi ko alam. May kutob akong malaki ang galit niya sa atin kaya binuo niya ulit ang Silver Assassins."
"Ang mahalaga ngayon maprotektahan natin si Kiara. Magpadala ka ng mga kasamahan natin na magbabantay sa bahay."
"Nagpadala na ako ng mag babantay sa bahay sinigurado ko na rin na hindi sila mahahalata ni Kiara."
Tumango naman ako. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa isang board nandito lahat ang mga clue at mga taong pwedeng namamahala sa Silver Assassins. Pero kahit anong gawin ko hindi ko ito matagpi tagpi parang may mali.
"Liam."
Nagpalit ako ng damit at ininum ko ang huling baso ng alak.
"Oh bakit?"
"Saan ka nanaman ba pupunta?"nagtatakong tanong niya.
"May pupuntahan lang babalik rin ako kaagad."
Tumalikod na ako at umalis.
End~
YOU ARE READING
My baby's Father is a Mafia Boss(Mafia Series #1)
AksiWhen Kiara a normal girl gets drunk with her friend Sheena at the bar. Letting her curiosity flaring in her tanzanite eyes. Little does she know she's about to change her life FOREVER.