Chapter 37

1.6K 42 0
                                    

Liam's POV

Simula nung dumating si Ethan hindi na ako mapakali. Para bang may mali. Oo alam ko na hindi maganda ang nangyari sa amin ni Ethan bago siya umalis pero kahit na magkagalit kami nun wala siyang inililihim sa akin. Nakahiga lang ako dito sa sofa. Pero hindi ko maintindihan parang ang bigat nang pakiramdam ko.

Nagtanong na ako sa lahat nang kasamahan namin pero walang may alam o nakakita kay Nathaniel kung saan ito nag punta. Tinatawagan ko si Kiara ngunit hindi niya sinasagot ang tawag, tinawagan ko naman si Ethan pero wala ring sumasagot. Kaya napagisipan kong puntahan sila sa bahay nila.

Pero bago pa ako makarating sa bahay nila nakita ko naman ang dalawa na lumabas at sumakay nang kotse. Wala rin naman akong gagawin dun kaya sinundan ko lang sila. Gusto kung bantayan ang mga galaw ni Ethan at masiguro na ligtas si Kiara.

Umalis na sila at nakasunod lang ako malayo ako konte sa kanila para hindi nila ako mahalata napansin ko naman na may kotseng nakasunod din sa kanila. Pumasok ang sasakyan nila Ethan sa isang amusement park. Nag park muna ako malayo sa kanila. Yung kotseng nakasunod naman sa kanila ay nag park di kalayuan kung saan nag park si Nathaniel.

Kakaiba ang kutob ko sa lalaking to kaya sinundan ko at tama nga ang hinala ko sinusundan niya si Ethan at Kiara. Nagmamasid lang siya sa malayo at nakasunod kung saan nagpupunta sila Ethan. Wala namang ginagawang masama ang lalaking sumusunod sa kanila. Pero hindi ko pwedeng hayaan lang ang lalaking sumusunod sa kanila.

Naglaro naman si Ethan sa isang game booth at nasa gilid si Kiara na nag che cheer. Nakita ko naman ang lalaking sumusunod sa kanila kinuha niya ang kanyang cellphone at nilitratuhan si Ethan at Kiara sa malayo. Pagkatapos nila Ethan naglakad lakad muna sila at umupo sa isang bench.

Napansin ko naman na gabi na at kanina pa ako sunod nang sunod sa kanila. Wala akong choice kundi gawin to ako mismo ang hahanap nang paraan kung saan nagpunta si Ethan nung nawala siya.

Nakita ko naman na pumasok sa isang c.r ang lalaking sumusunod sa kanila. Sinundan ko naman ito narinig ko naman na parang may kausap ito sa telepono pero hindi ko marinig kung ano ang pinag uusapan nila. Sinigurado ko munang walang tao sa labas bago ako pumasok.

Nagulat naman ang lalaki nang makita niya ako. Dali dali niyang hinablot ang kanyang baril ngunit na hawakan ko siya kaagad.

"Sino ang nagpadala sayo dito." tanong ko sa kanya at kinuha ang baril sa kanya.

"Ikaw siguro si Liam ang matalik na kaibigan ni Carter." sagot naman niya at ngumisi.

Mas hinigpitan ko ang pagkakahawak nang kanyang leeg at itinutok ang baril sa ulo niya.

"Sino ang nagpadala sayo dito." tanong ko ulit.

Hindi niya ako sinagot at sinubukan niyang makawala sa pagkakahawak ko. Agad ko naman ipinutok ang baril sa ulo niya kasabay nang pagputok nang fireworks. Bago ako lumabas nilinis ko muna ang pagkamatay niya pinagmukha kung pinatay niya ang kanyang sarili.

Tiningnan ko muna ang paligid at sinigurado na walang tao bago lumabas. Hindi pa man ako nakakalayo sa c.r may lalaking sumigaw na may patay sa c.r. Hindi ko na ito pinansin at binalikan sila Ethan.

Nakita ko naman ang dalawa na masaya. Parang nahimasmasan naman ako. Siguro mali ang hinala ko na parang may kakaiba kay Ethan. Dapat hindi ko pinagdudahan si Ethan dahil alam kung hindi siya gagawa nang bagay na ikakapahamak ni Kiara.

Sinigurado ko munang umalis na sila Ethan at Kiara bago ako bumalik sa warehouse. Pagkarating ko naman agad akong humiga sa sofa. Mas nakakapagod pa lang magbantay nang lovebirds kaysa pumatay nang tao.

My baby's Father is a Mafia Boss(Mafia Series #1)Where stories live. Discover now