Kiara's POV
Nagising na lang ako at nakita ko si Liam na pumasok sa kwarto. Binuksan ko naman ang ilaw. Nakita kung may hawak siya na baril. A..anong meron bakit may hawak na baril si Liam.
"Li...Liam?" nagtatakang tanong ko.
Lumapit naman siya sa akin at tinakpan ang bibig ko gamit ang isang panyo. Nagpupumiglas naman ako sa pagkakahawak niya. Pinagpapalo ko siya pero hindi siya natinag.
"Kiara." bulong ni Liam sa akin.
"Bitawan mo ako Liam!" sabi ko kahit na may takip ang bibig ko.
Pinagpapalo ko naman siya. Anong bang nangyayari sayo Liam. Ano bang ginagawa mo. Nahihirapan na akong huminga.
"Kiara, magtiwala ka lang sa akin." bulong ni Liam.
"Bibitawan ko ang pagkakatakip sa bibig mo basta sumunod ka lang sa akin." sabi niya.
"Magtiwala ka lang Kiara mag tiwala ka." bulong sa akin ni Liam at tinanggal ang panyong nakatakip sa bibig ko.
Pinatay niya naman ang ilaw at wala akong nakikita na kahit ano. May narinig naman akong kalampag galing sa sala.
"Kiara magtago ka muna." sabi ni Liam at pinapasok ako sa banyo.
"Huwag kang lumabas Kiara hanggang hindi ko sinasabi." sabi niya at lumabas na ng banyo.
Hinawakan ko naman ang kanyang kamay at tiningnan siya.
"Huwag kang mag alala Kiara. Ipapaliwanag ko sayo lahat." sabi niya at pinatay ang ilaw ng banyo at lumabas.
Tahimik naman ako sa loob ng banyo. Hindi na ako halos makahinga sa loob dahil sa sobrang init. Dahan dahang kong binuksan ang pinto. Nakabukas ang pinto nang kwarto at kitang kita ko mula sa banyo ang nangyayari sa sala. May kaaway si Liam at may hawak itong baril.
Hindi ko naman maaninag kung sino ito. Nagulat naman ako ng biglang sinaksak ni Liam ang lalaking kaaway niya. Sinaksak niya ito ng paulit ulit. Para naman akong naestatwa sa ginawa niya.
Binuksan naman ni Liam ang ilaw sa kwarto. Nagulat naman siya ng makita akong nakasilip sa pinto.
"Kia..Kiara?" nag aalalang tanong niya.
Hindi naman ako umimik. Nakatingin lang ako sa lalaking nakabulagta at naliligo sa sarili niyang dugo. Alam ko naman na pumapatay sila ng tao pero hindi ko inakalang makikita ko kung paano sila pumatay.
"Kiara hayaan mo akong magpaliwanag." sabi niya at inalalayan ako makatayo.
Hindi naman ako sumagot at lumabas ng banyo. Umupo naman ako sa kama. Sinara naman ni Liam ang pinto ng kwarto dahil hindi ko maalis ang tingin sa lalaking naliligo sa sarili niyang dugo.
"Kiara." sabi niya at hinawakan ang kamay ko.
Inaalis ko naman kaagad ang kamay ko.
"Kiara alam kung natatakot ka pero pagkatiwalaan mo ako." sabi niya.
"Si..sino siya Liam?" natatakot na tanong ko at tiningnan siya sa mata.
"Kasamahan siya ng Silver Assassins, Kiara." sagot naman ni Liam.
"A..anong ginagawa niya dito Liam?" tanong ko.
"Kiara hayaan mo muna akong magpaliwanag." kalmadong sabi niya.
"Ipaliwanag ang ano Liam! Naguguluhan na ako sa mga nangyayari." sabi ko naman na may halong takot.
"Kiara inutusan akong patayin ka." sabi niya.
YOU ARE READING
My baby's Father is a Mafia Boss(Mafia Series #1)
ActionWhen Kiara a normal girl gets drunk with her friend Sheena at the bar. Letting her curiosity flaring in her tanzanite eyes. Little does she know she's about to change her life FOREVER.