Chapter 11

3.8K 97 0
                                    

Kiara's POV

Ni lock ko ang pinto at umakyat na sa kwarto ko. Tumingin ako sa bintana at sinigurado na walang tao. Nang matapos ang night routine ko bumaba ako at kumain.

Napagisipan ko na sa sala nalamang tumambay at magbasa ng aklat at mga notes ko. Paakyat na sana ako nang marinig kong may nabasag sa kusina.

Shit. Kumuha ako ng pamalo at dahan dahang naglakad papunta sa kusina.

"Sinooo yaannn."sigaw ko ngunit walang sumagot.

Nang marating ko ang kusina binuksan ko ang ilaw. Hahampasin ko na sana ng dala kung walis ngunit pusa lang pala. Pusa ng kabitbahay namin nakalimutan kong isara ang bintana sa kusina. Inilabas ko muna ang pusa at isinara ang bintana.

Tumunog naman ang phone ko na nasa sala sino pabang magtetext edi si Ethan. Sasabihin na naman na kumain na ako, inumin ang vitamins at matulog nang maaga.

Pag bukas ng phone ko tama nga ako si Ethan ngunit iba ang laman ng kanyang text.

From: Ethan

Saan ka ngayon?

To: Ethan

Bahay.

From: Ethan

Siguraduhin mong naka lock lahat ng pinto ng bahay at huwag kang lalabas.

To: Ethan

Ahmm okay.

Hindi na ito nag reply. Weird. Bakit ba ganun ang lalaking yun napaka mysterious. 9 p.m na ngunit wala parin si Sheena. Kaya naisipan ko nang umakyat na at mag pahinga.

"Kiaraaaa." sigaw niya habang inaalog ako.

"Sheenaaa ang aga pa mamaya na gusto ko pang matulog."

"At isa pa Saturday ngayon."

"May naghihintay sa baba." sabi nito

"Sino naman sabihin mo natutulog pa ang tao." inis na sagot ko.

"Si Ethan"

Nang marining ko ang pangalan dali dali akong bumangon. Biglang nawala ang antok ko.

"Hindi mo naman ako ginising kaagad."

"Wow so kasalanan ko pa ikaw nga tong tulog mantika eh."

Hindi ko na siya pinansin at pumasok na ako sa banyo nag hilamos at nag mouthwash  tsaka bumaba. Nakita ko si Ethan na nakaupo sa sofa.

"Kiara alis muna ako may bibilhin lang ako babalik naman ako kaagad." pagpapaalam ni Sheena.

"Hoi Ethan alagaan mo yang kaibigan ko kundi malilintikan ka sa akin." sabi nito and she rolled her eyes.

She gave me a warm hug bago lumabas nang bahay. Napaka overprotective talaga ng kaibigan ko.

"Ahmm anong ginagawa mo dito Ethan?" takang tanong ko.

"Aalis tayo."

"Haa!! Teka lang kakagising ko lang hindi pa nga ako kumakain." gulat na sagot ko.

"Huwaga n---" hindi ko na pinatapos ang kanyang sasabihin.

"Dito ka muna maliligo lang ako." dali dali akong umakyat at naligo.

Pagkatapos kong maligo bumaba ako para kumain. Nakita ko naman nakaupo lang siya sa sala nanonood ng t.v nang matapos na ako lumapit na ako sa kanya.

"Let's go." ngumiti ako

He nodded at naunang pumunta sa kotse. Wala pa ring nagsasalita sa aming dalawa. Kanina ko pa rin napapansin na hindi pamilyar ang daan na tinatak namin.

"Ethan saan tayo pupunta?"

"Basta."

"Okay."

Bakit ba ang cold ng taong to nagtatanong lang ang tao parang galit na. Malayo pa siguro yung pupuntahan namin kaya natulog muna ako.

Nagising na lamang ako sa malakas na pag sara ng pinto ng kotse. Tangina naman oh natutulog yung tao wala lang man respeto.

"Kiara nandito na tayo."

Binuksan niya ang pinto. Nang makababa ako my eyes widened. Napakaganda ng bahay. Hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan papasok.

"Anong ginagawa natin dito?" naguguluhang tanong ko.

"Since your having my child napag isipan kong ilipat ka dito."

"Bakit naman ako lilipat may bahay naman ako."

"It's for the baby's safety." his jaw clenched.

"Ayoko nga bat ka ba namimilit ng tao?"galit na sabi ko.

"Kiara makinig ka sa akin!" he said in a penetrating voice.

"Ayaw ko nga diba? bakit ba ang kulit mo."

Magsasalita na sana ako nang biglang sumakit ang tiyan ko. Napahawak ako dito parang pinipiga ito sa sakit.

"Kiara okay ka lang ba?"

"Kia....Kiaraa may dugo."



My baby's Father is a Mafia Boss(Mafia Series #1)Where stories live. Discover now