Kiara's POV
"Miss okay ka lang ba?"
Bigla akong napatigil sa pagtitig sa kanya. Tumango naman ako at umupo na sa upuan ko. May bakanteng upuan sa gilid ko at doon siya umupo.
Bumalik na sa pag di discuss ang prof namin. Napatingin ulit ako sa kanya. Nang mapansin niya na nakatitig ako. Humarap siya sa akin. Ngumiti siya ng sobrang lapad at humarap sa akin.
"Hi miss. I'm Liam Tyler Smith" sabay abot ng kamay niya.
"I'm Kiara Moon Frost."
"Nice meeting you Kiara Moon Frost."
Nakinig na kami sa discussion ng proof baka mapagalitan kami. Nakinig lang ako sa lecture ng prof namin at nag take down ng notes. hi
Ang aga naman ata matapos ng klase namin. Lunch break na kaya napag isipan kong sa Cafeteria na tumambay. Nang biglang lumapit si Liam.
"Kiara sabay na tayo mag lunch."
"Ahmm sige."
Andito lang kami sa Cafeteria ni Liam nag ku kwentuhan. Parang ang gaan kaagad ng loob ko kapag kasama ko siya kahit ngayon lang kami nag kakilala.
Biglang nag vibrate ang phone ko at tiningnan ko kung sino ito. Ethan.
From: Ethan
"Kumain kana ng lunch."
Hindi na ako nag reply. Bumalik na kami ni Liam sa room. Nakinig lang ako sa discussion binigyan naman kami ng assignments. Nang matapos na ang klase namin napag isipan ko nang umuwi kaagad.
Nagpaalam naman si Liam na uuwi na siya. Naghihintay na sana ako ng taxi nang biglang kong nakalimutan ang aklat ko sa room. Antanga naman oh. Dali daling akong pumunta pabalik sa room ng may naramdaman akong kakaiba. Parang may sumusunod sa akin.
Pagkapasok ko sa room nakita ko naman kaagad ang aklat at lumabas. Binilisan ko ang lakad ko palabas ng gate. Bawal naman akong tumakbo baka mapano pa si baby.
Nang makasakay na ako ng taxi nahimasmasan naman ako kahit papaano. Kung minamalasan nga naman nasiraan pa ang taxi na sinasakyan ko na flat ang gulong. Putcha naman oh kung kailan pa nagmamadali akong umuwi.
"Ah sige manong salamat nalang mag lalakad nalang ako." total malapit naman ito sa bahay.
Nakatanggap naman ako ng text kay Sheena na malalate na muna siya ng uwi dahil may tatapusin na muna siya. Habang naglalakad ako papuntang bahay. Nararamdaman ko talaga na may nakasunod sa akin.
Nasa kanto na ako malapit sa bahay ng may naaninag akong anino. Shit. Mas binilisan ko ang paglalakad ko. Mas kinabahan ako dahil tumatahol ang mga aso.
Nang marating ko na ang bahay dali dali kung kinuha ang susi at pumasok sa loob.
Third Person's POV
Ang ingay ng mga tahol ng aso. Mas binilisan ni Kiara ang kanyang paglalakad. Ngunit nasundan pa rin siya. Nang maaninag niya ang isang anino. Mas binilisan niya ang kanyang paglalakad.
"Alam mo na ba kung saan siya nakatira?"
"Yes boss."
"Magaling hindi ako nagkamali sa pag pili sayo."
"Kiara Moon Frost. Matatapos din ang maliligayang araw mo."
YOU ARE READING
My baby's Father is a Mafia Boss(Mafia Series #1)
ActionWhen Kiara a normal girl gets drunk with her friend Sheena at the bar. Letting her curiosity flaring in her tanzanite eyes. Little does she know she's about to change her life FOREVER.