Chapter 3

18 4 0
                                    


It's a typical afternoon in the campus.

Tinapos ko na rin mga kailangan tapusin at pinasa ko na rin yung portfolio ko sa prof.

"Tol, tara sa condo mo. Patambay," sabi ng tropa ko na si Luke.

"Sige lang," sagot ko dito.

"Ayos!" sigaw nito sabay ayos ng bag nito.

"Tara?" tanong ko dito at tumango na lang siya.

Naglakad na kami pa-uwi ng condo ko ng maalala ko na kailangan ko bumili ng school supplies kaya dumaan muna kami sa bilihan ng mga supplies na malapit dito sa campus.

"Ano ba kailangan mo?" tanong ni Luke.

"Folder tsaka wala ng tinta ballpen ko," sagot ko dito.

Bumili rin 'to ng papel at isang notebook. Napatigil naman ako sa nakita ko nung kukuha na ako ng folder.

Siya nanaman.

I looked at her and she was smiling at the guy next to him.

Must be the boyfriend.

"Let's go to your condo after this?"  sabi nung guy sa kanya.

"Okay," she smiled.

Hindi naman siguro kami magkakasalubong noh?

"Jack, okay ka na?" tanong ni Luke.

"Ah, oo," sabi ko dito at kinuha ko naman na ang folder sa may bandang tabi ng babaeng lagi kong nakakasabay sa elevator.

Napatingin naman siya sa akin at nagulat naman ako na ngumiti to sa akin.

Ugh, cute.

Ngumiti naman ako pabalik ng mabilisan at agad tumalikod. Pinuntahan ko na si Luke sa may bayaran at agad naman kaming umalis pagkatapos.

"Sino yun?" tanong ni Luke bigla.

"Huh?"

"Yung babae kanina, kilala mo?"

"Ah, hindi. Lagi ko lang nakakasalubong sa elevator ng condo."

"Ganun ba? Parang may something kayo kanina eh compared mo dun sa lalaki na kasama niya."

Hindi na ako nagsalita at tumingin na lang sa dinadaanan namin.

Pagdating namin sa condo ay nakita ko naman na nasa rooftop pa ang elevator. Ano ba naman 'to, baka maabutan pa namin sila eh.

Natawa naman bigla si Luke at tinignan ko naman to.

"Bakit?" tanong ko dito.

"Mukha kang natatae," sabi nito sabay tawa.

"Siguro nga," napatigil naman to nung una pero tumawa ulit siya ng malakas.

Tumingin to sa bandang likuran ko at ngumisi.

"Tae na 'tol," bulong nito sa akin.

Tumalikod naman ako at sila na nga yun. Ano ba naman 'to. Bakit nga ba kami lagi pinagtatagpo ng babaeng 'to?

Tinignan naman ako ng masama ng jowa niya kaya inakbayan niya yung babae.

Hinayaan ko na lang at bumukas na rin ang elevator. Pumasok naman na kaming lahat pero hindi pa rin niya binibitawan ang akbay niya siya sa girlfriend niya.

Chill bro, halata ka masiyado.

Pinindot ko naman ang floor ko at pinindot nung lalaki yung floor nung babae.

Pagdating naman sa floor ng babae hinawakan niya ang kamay nito at lumabas sila. Pagkasarado naman ng elevator, tumawa ng malakas si Luke.

"Lakas mo 'tol!" tawa nito.

"Sira," sabay sapok ko sa ulo dito.

Bumukas na rin ang elevator sa floor ko.

"Sana all pinagseselosan ng jowa kahit 'di naman kilala yung jowa niya."

"Ewan ko sayo Luke."

Seloso ang jowa. Tsk.

***

Eloveator (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon