Chapter 13

8 3 0
                                    


It's been exactly three months.

Everytime we see each other in the elevator, we always greet one another.

Sabay rin kaming pumapasok sa school kapag ganun. Nothing more, nothing less.

Ayokong mapressure siya dahil lang na gusto ko siya at kailangan niyang gustuhin ako. Ayokong ganun ang maging tingin niya sa akin.

I'm just happy because we're slowly getting to know each other despite everything that has happened.

I wanted to make her happy because she deserves it.

"Tulala ka ata," bigla kong nakita ang mukha ni Luke na sobrang lapit sa mukha ko.

Tinulak ko 'to bigla. "Tol, 'wag mong sabihin na gusto mo akong halikan?"

Natawa naman 'to. "Nakakatempt na nga eh tulala ka masiyado, staring beauty."

"Sira," binato ko sa kanya ang yellow pad niya sa table ko pero naiwasan niya.

"Kayo na ba ni Ms. Elevator?" bigla niyang tanong kaya tinignan ko 'to ng masama.

"Sabi ko nga, hindi pa," sabay pinulot niya yung yellow pad na binato ko sa kanya.

"Kailan ba kasi kayo mag-uusap na ulit tungkol diyan sa pag-ibig?" tanong nito.

I shrugged. "I don't want to rush it. Maghihintay pa ako hanggat kailangan."

"Martyr," he patted my back at inayos na nito ang gamit niya. "Una na ako santo."

"Baliw!" binutuhan ko nanaman ng papel 'to pero tumawa lang siya ng malakas at lumabas.

Inayos ko na rin ang gamit ko at lumabas na rin ng room. Wala naman na ako pasok kaya uuwi na lng siguro ako.

Palabas na sana ako ng campus ng may sumisigaw ng pangalan ko.

"Jackson!!!"

Tumalikod naman ako at nakita ko si Micaella na nagskiskip papunta sa akin. Tinry ulit akong akbayan nito pero masiyado pa rin siyang maliit para abutan ako.

"Uwi ka na?" tanong nito kaya tumango ako. "Sabay na tayo!"

Napangiti na lang ako sa kakulitan nito. Sabay na kami naglakad pauwi ng condo. She was a bit hyper and continued to talk about what happened during her day. Natawa naman ako dahil ang bilis niya magsalita.

"Breathe," I chuckled.

Huminga siya ng malalim at natawa naman pagkatapos.

"Sorry, I was too excited," she laughed.

I'm still mesmerized by her laugh and smile. Damn, I can't wait for her to tell me that she's ready.

Nagulat naman ako na nandito na pala kami sa condo. Pumasok naman na kami sa lobby at binati kami ni Kuya guard.

"Ang saya niyo po ata ngayon ah," he smiled. "Kayo na po ba?"

Nagulat naman kami sa tanong ni Kuya kaya agad naman ako umiling.

"Hindi pa po," tumingin ako kay Micaella at nakatitig lang 'to sa akin. Bumukas naman bigla yung elevator at may mga lumabas na tao.

Tinignan ko naman si Kuya at ngumiti ako dito.

"Hindi pa po siguro siya handa. Pero, naghihintay pa rin po ako," ginulo ko ang buhok ni Micaella.

"Tara na?" sabay turo ko sa elevator.

Tahimik lang 'to habang papasok ng elevator kaya pinindot ko na rin ang floor namin.

Hindi ko alam kung may sinabi ba akong mali dahil sobrang tahimik nito at mukhang malalim ang iniisip.

"Oka–" biglang bumukas ang elevator door at nasa floor niya na pala kami.

Natulala lang 'to at humakbang pero tumigil siya sa may bandang pintuan para pigilan hindi magsara.

Humarap siya bigla sa akin at huminga ng malalim.

"I like you too," she suddenly said.

Nakatitig lang ako dito at nagtama ang mga mata namin. She was smiling at bigla niyang pinindot ang close botton ng elevator.

"So, you don't have to wait anymore," agad siya lumabas at tumakbo na to.

Natulala naman ako.

"Te-teka!" at tuluyan ng nagsara ang pinto ng elevator.

Bumukas na ulit yung elevator door sa floor ko. Lumabas ako pero natulala pa rin ako.

She likes me too.

Finally.

***

Eloveator (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon