Chapter 14

9 2 0
                                    


Hindi ko mapigilan hindi ngumiti.

"Ang saya mo ata ngayon," biglang lumapit sa mukha ko si Luke.

"Umamin ka nga pre, may gusto ka ba sa akin?" tanong ko dito pero tumawa lang 'to ng malakas sabay tumingin sa akin ng seryoso.

"Oo, mahal kita Jackson," sabay tawa niya ulit ng malakas.

"Baliw," sagot ko dito sabay subo ko sa kanya yung cupcake na dala nung kablock namin.

"Agawin kaya kita kay Ms. Elevator," tinignan ko lang 'to ng masama.

"Kaso, hindi pa pala kayo," tumawa nanaman 'to ng malakas.

Buti na lang talaga at vacant namin ngayon. Nakakaistorbo na ang tawa nito.

Nasa labas kasi ang mga nagpreprepare para sa presentation nila. Buti na lang at tapos na kami ni Luke diyan kaya nagkwekwentuhan na lang kami dito sa loob ng room.

Naalala ko tuloy ang nangyare sa elevator.

She likes me.

"Kinikilig ka masiyado, nakakairita."

Natawa naman ako kay Luke. "May mahahanap ka din."

Sinapak niya yung braso ko. "Ulol, masaya na akong single. Thanks."

Nagtawanan at kwentuhan lang kami dun hanggang sa dumating na ulit ang prof.

Excited na tuloy akong makita siya ulit. Bigla naman nagvibrate ang phone ko, tinago ko phone ko sa sight ng prof tapos binuksan ko ang message.

Micaella:
Sabay tayo uwi? :)

Napangiti naman ako bigla at tinignan ako ng masama ni Luke. Sumulyap naman 'to sa phone ko at lalo akong tinignan ng masama.

"Ang landi niyo," bulong nito.

Natawa naman ako ng tahimik. Sobrang bitter naman nito. Kaya nireplyan ko na lang si Micaella.

Me:
Okay. :) Ano oras last class mo?

Micaella:
4:30 ikaw?

Me:
Same. See you. :)

Micaella:
See you elevator boy

Hindi ko rin maiwasan hindi ngumisi at hinayaan na lang ako ni Luke dahil bitter pa rin 'to.

After ilang hours dinismiss na rin kami ng prof ko sabay na rin kaming lumabas ni Luke.

"Bakit nga ba ako sumabay sa inyo pababa, third wheel tuloy ako niyan," inis ni Luke.

Inakbayan ko naman 'to at ginulo ang buhok. "Arte mo, tara na nga."

Nakita ko naman si Micaella na may kausap sa may entrance ng school. Tumakbo ako para lapitan sila.

"It's not like that Mica, eww, you should've listened to yourself! He's so not hot," rinig kong sabi ng katabi nito.

"Micaella!" sigaw ko dito at tumalikod naman 'to sa akin.

"Jackson," ngiti nito sabay kaway sa akin.

I gave her a hug. Napatingin naman ako sa kasama nito kaya bumitaw na rin si Micaella sa pagkahug.

"Si Jannelle nga pala, kablock ko," sagot nito.

"Hoy! Jackson! Grabe ka makatakbo at iniwan mo ako!" biglang sigaw ni Luke sa tabi ko at nanlaki naman mga nito nung nakita niya si Jannelle.

"Ikaw???" sabay nilang turo sa akin.

"Mukhang hindi lang tayong dalawa ang magkakadevelopan," bulong ko kay Micaella.

She chuckled and gave me a pat on the back. "Mukha nga."

Ngumisi ako kay Luke at inakbayan ko 'to. "Ayan na pala ang pinaka-inaabangan mo. Wag na bitter. Una na kami."

Hinila ko na si Micaella at hindi ko alam kung bakit pero tinakbuhan namin silang dalawa kaya tawa na lang kami ng tawa.

"Their faces!" sigaw niya at hinawakan ang tyan sa sobrang tawa ng tawa.

Ang cute niya talagang tumawa. Ginulo ko ang buhok nito at inakbayan siya habang naglalakad kami.

Bigla naman siyang namula nung nilapit ko pa yung sarili ko sakanya.

"You really look cute when flustered," I smiled.

"E-ewan ko sayo!"

Hindi siya tumingin sa akin hanggang sa napadpad na kami sa lobby.

Nakangiti lang sa amin si Kuya pagpasok namin ng lobby at agad din naman bumukas yung elevator kaya kumaway na lang kami sa kanya.

Pagkasarado ng elevator, pinindot ko agad ang 15th at 16th floor.

"Bakit hindi ka na makatingin sa akin?" tanong ko dito.

Wala pa rin 'tong kibo.

"Uy," kulit ko dito pero nagulat ako at humarap 'to sa akin.

"I wont regret this," biglang sabi.

"Huh? Anong–"

Bigla niyang kinuha ang kwelyo ko at hinalikan ako sa lips. It was a peck at naramdaman ko na nginginig 'to.

I gently placed my hands behind her back and carresed her hair. I pressed my lips and moved my head to the side to deepen the kiss. She started to relax and kissed me back.

Napangiti naman ako after that kiss. Her face was red. Bigla naman bumukas ang elevator at nasa floor niya na kami.

Tumakbo 'to agad at sumara din naman ang elevator door. Bago magsara yun, narinig ko siyang tumili at sumigaw.

Natawa naman ako ng sobra at bumukas na rin sa floor ko.

I freakin' kissed her. Well, she kissed me.

***

Eloveator (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon