Chapter 2

20 3 0
                                    


Late na ako.

Binilisan ko mag-ayos at kinuha na ang bag ko pati na rin ang susi ko ng condo.

Lumabas na ako at nilock ang pinto nito. Dumeretsyo na ako agad sa elevator at pinindot to.

"Come on. Come on."

30th... 20th... 18th... 17th... 16th..

"Finally!"

Agad naman ako pumasok at buti na lang at walang tao ngayon sa loob.

Pinindot ko ang ground floor kaso nagstop to sa 15th floor.

Pagbukas naman ng elevator nagulat ako.

It was her again.

She was wearing a denim jacket over her top and jeans. She dresses really simple but still looks classy.

Hindi ko maiwasan hindi tumingin dito kaya buti na lang at busy to sa cellphone niya.

Kausap siguro ang jowa.

Inalis ko naman na ang tingin sa kanya kasi baka sabihan pa ako na manyak.

Bumakas na ang pinto ng elevator kaya lumabas na rin kami at inunahan ko na 'to.

Grabe ang tama ko sa kanya.

Hindi ko naman siya kilala?

***

Eloveator (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon