Chapter 1

25 3 4
                                    


Classes are finally done.

"Jackson, pwede pasend sa akin yung format para sa portfolio?" tanong sa akin ng kaklase ko.

"Okay," sabi ko na lang dito.

"Thank you!"

Naglakad na ako palabas ng campus at dumeretsyo na sa condo ko.

Habang naglalakad naman may nakasalubong akong babae na may hawak na malaking bouquet ng roses tapos may maliit din na teddy bear na hawak.

Hindi ba 'to nahihirapan?

Naglakad na lang ako ng tahimik sa likod nito. Sino ba namang lalaki ang magbibigay sa kanya ng ganyang kadaming bulaklak pero hindi naman ihahatid sa condo nito?

Napa-iling na lang ako at sumunod dito.

Nagulat naman ako at parehas kami ng daan pa-uwi hanggang sa nakadating na kami condo ko.

Taga-dito din ba 'to?

"Wow ma'am ang dami namang bulaklak na yan!" bati ni Kuya guard sa kanya pagpasok namin sa lobby.

Napasulyap naman ako sa mukha nito.

She's pretty.

"Ahh, yung jowa ko po kasi kuya, ewan ko ba dun anong trip niya at binigyan niya ako nito," sagot niya sabay ngiti.

"Swerte niya naman po sayo," ngiti ni Kuya.

"Hindi po, ako po ang swerte sa kanya," ngiti niya ulit.

Pinindot ko naman ang elevator habang nagkwekwentuhan sila. Hinihintay ko lang to ng tahimik.

Walang kwenta talaga mga elevators dito. Ang babagal.

Umopen na rin ang elevator at pumasok na ako sa loob. Nakita naman na nito at nagpaalam na siya kay Kuya.

"Sige po Kuya, una na po ako sa taas," sabi nito sabay turo sa elevator.

"Sige po ma'am," sagot nito sabay waved pa ng kamay.

Tinignan naman niya ako dahil hinihintay ko 'to pumasok.

"Thank you," sabi nito sabay ngiti.

She's looks cute when she smiles.

May dimples to at nawawala mga mata niya kapag ngumiti. Mahaba ang buhok nito at medyo wavy. Maputi din to at makinis.

Ano ba yan Jackson, parang manyak.

Umiling na lang ako dito at sinara ang elevator. Pinindot ko na ang 16th floor kaso tinignan ko to at hirap na hirap sa pagpindot dahil sa mga dala niya.

"Which floor?" tanong ko.

"A-ah, 15th floor," hiya niyang sabi.

Napangiti naman ako dito. She looks flustered, in a cute way. Pinindot ko naman ang 15th floor. Sa baba ko lang pala siya.

"Thank you," she said shyly.

I smiled. "No prob."

Tahimik lang kami hanggang sa floor niya na rin. Lumabas na to at unting-unti na rin sumara ang elevator.

I wish I could see her again.

***

Eloveator (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon