Chapter 4

15 4 0
                                    


Ang boring sa condo kanina.

Kaya andito ako ngayon sa mall para lang maglibot. Bumili na rin ako ng bagong sapatos dahil.. wala lang. Gusto ko lang.

Kumain na lang ako sa isang restaurant dito sa mall. I was eating at peace when someone suddenly approached me.

"Uy! Jack! Jackson!" sigaw nito.

It was Pauline. One of my good friends slash ex-girlfriend.

"Uy, Pau," ngiti ko dito.

"Kamusta ka na?" she asked and smiled.

"Okay naman, blooming ka ah," sabi ko dito dahil halatang gumanda to lalo.

I mean, she's already pretty but today, she was glowing.

"Hindi 'noh, wala nga akong jowa eh," tawa nito.

"Okay lang yan, hindi naman masama maging single."

"Tama," she laughed.

"May kasama ka?" I asked.

"Wala, sarap kaya maglibot mag-isa."

"True," kaya nga mag-isa lang ako ngayon dito eh.

Nagulat naman ako na may parang pamilyar na babae na pumasok sa resto.

It's her.. again..

"Uy, tulala mo bigla," she snapped at my face.

"Ah huh?" sagot ko dito.

Ang ganda niya talaga. Kaso, may ibang kasama.

I frowned. Hayaan na nga sila.

"Kilala mo sila?" she asked at nginuso ang direksyon nila.

"H-huh? H-hindi."

"Still not a great liar," she rolled her eyes.

Umiling na lang ako dito. Bakit ba hindi ko maiwasan hindi tumingin sa kanya? Pinilit kong hindi agawin ang attensyon ko sa kanya at nagfocus na lang ako kay Pauline.

"So, you're into her? How did you meet her?"

"Elevator," I said and shrugged.

"Huh?"

"Elevator sa condo."

Napangiti naman 'to bigla. "I can see why you like her."

"What? I don't like her."

"You can't fool me Jack, we were bestfriends first before we became lovers then back to being friends."

"Dami mong sinasabi alam mo yun?"

"Oo, at magtapat ka nga sa akin. Ano nagustuhan mo sa kanya kung nagkakilala lang kayo sa elevator?"

"I don't know her," I said truthfully. "Hindi ko rin alam ang pangalan niya."

Napanganga naman 'to. "Seryoso?"

I nodded. "Hindi naman kami nag-uusap eh, sadyang lagi lang kami pinagtatagpo magkasama sa elevator."

"Wow, that sounds so.."

"Unrealistic?" I asked.

"Hmm, yeah.. I guess," she shrugged. "Pero, ang cute."

"Cute? Saan banda ang cute dun?"

"Lagi kayo pinagtatagpo sa elevator, isn't that a sign?"

"A sign of what?"

"Love, Jack, Love. Destiny."

"Kilabutan ka nga Pau," I glared at her but she just shrugged.

"Eloveator. Nice."

Kinilabutan ako bigla sa sinabi nito. "Mandiri ka Pauline."

Natawa na lang to at nagpaalam na para umorder. Buti naman. Sumulyap ulit ako sa kanya at nagulat naman ako na tumingin 'to sa akin saglit.

Did she really looked at me?

I shook my head. After ng ilang minutes nakapagorder na to at kumain na rin kami ni Pauline. Syempre, nagkwentuhan na rin.

Lumibot naman kami sa mall at aaminin ko namiss ko ang kakulitan niya. Nagshift din kasi 'to ng course kaya hindi na rin kami magsiyadong nagkikita.

"I have to go. Late na rin pala," sabi nito. Tumango naman ako at hinatid ko 'to sa may sakayan ng jeep.

Malapit lang naman kasi 'tong mall sa condo kaya namang lakarin. Mga 15-20 minutes walk lang naman. Exercise na rin 'to kaysa sa magjeep pa ako tapos traffic.

Pagdating ko naman sa lobby ng condo nagulat ako at nandun siya na may hawak-hawak ulit na bouquet ng flowers.

Wish I could give her too.

Ngumiti 'to sa akin kaya binalikan ko rin ng ngiti. Nahalata niya na rin siguro na lagi kaming nagkakasabay sa elevator.

Bumukas na ang elevator at pumasok naman na kaming dalawa. I pressed both 15th and 16th floor which made her chuckle.

"Alam mo na floor ko, sa daming beses nating nagkasalubong sa elevator," she laughed.

I let out a small laugh. "Yeah."

"Micaella," she suddenly extended her arms.

"H-huh? A-ah, Jackson." I got flustered because she really looked cute.

"Nice to meet you Jackson," biglang bumukas naman ang elevator sa floor niya. "I don't have to call you elevator boy anymore."

Ngumiti to at nagpaalam na sabay close ng elevator.

Hindi ko maiwasan hindi ngumiti.

Micaella.

***

Eloveator (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon