Chapter 11

9 3 0
                                    


Sawakas, tapos na ang klase.

Mukhang magiging busy ako next week dahil kailangan ko nanaman magpresent para sa business plan ko.

"Uwi ka na?" tanong ni Luke sa akin.

"Oo, tatapusin ko pa yung presentation ko eh," sabi ko dito.

"Sabagay, next week na yun 'di ba?"

I nodded. "Yeah, sana matapos na ang sem na 'to."

"Last two weeks na lang naman na," he patted my back. "Una na rin ako, 'tol."

Tumango na lang ako dito. "Sige 'tol, ingat."

Nauna na 'to umalis at inaayos ko na ang gamit ko tsaka ako lumabas ng room.

Palabas na sana ako ng campus nung may naglagay ng kamay sa shoulders ko. Halatang maliit 'to dahil hindi niya na halos abot yung shoulders ko.

Tinignan ko 'to at si Micaella pala.

Teka, si Micaella???

"Uy!" she lively said.

"Uyy," gaya ko dito kaso sinapak ako nito.

"I don't sound like that!" sabay tawa nito.

"Saya mo ata ngayon."

"I'm a free woman!" sigaw nito sabay extend ng kamay niya at tumakbo ng konti pero humarap din 'to sa akin. Tinignan niya ako at ngumiti.

"Uwi ka na?" she asked while walking backwards.

Tumango ako. "Ikaw din?"

She also nodded. "Tara."

"Huh?" I asked. "Saan?"

She chuckled. "Silly, sa condo. Tara na."

Hinila na niya ako at sabay na kaming naglakad pauwi which was unsual kasi nagkwekwentuhan na kami ng kung ano-ano.

"Talaga? That's so weird!" tawa siya ng tawa dahil kinwento ko sa kanya yung about sa province ko at kung ano meron sa bahay namin.

Hindi ko na alam bakit napadpad doon ang usapan pero ang saya niyang kakwentuhan.

"Dapat pala dati pa tayo nag-usap," she said and smiled.

Hindi kaya magagalit boyfriend niya dito?

Nandito na pala kami sa condo, pumasok na kami sa lobby at tinignan kami ni Kuya guard.

"Oh, mukhang magka-usap kayo ngayon ah," sabi nito at ngiti sa amin ng nakakaloko.

Nginitian na lang namin 'to at bumukas na rin agad ang elevator. Ako na pumindot sa mga floors namin kaya natawa 'to.

"Uhm, gusto mo bang kumain mamaya sa condo?" bigla niyang aya.

Natulala naman ako dito. T-teka? Hindi kaya umulit ang nangyare dati?

"I-I mean. Uhm," bigla naman siyang nataranta sa sinabi niya.

"Hmm? Baka magalit jowa mo sa akin," sagot ko dito at tinaas kamay ko.

Nagulat naman ako nung bumukas yung pinto at may pumasok. Ito yung first time na may pumasok na paakyat din.

Natahimik naman kami bigla pero sumusulyap 'to sa akin. Walang pinindot yung lalaking pumasok baka isa sa mga floor namin ang pupuntahan niya.

Bumukas na yung elevator sa 15th floor at lumabas naman agad ang lalaki.

Pinigilan bigla ni Micaella yung pinto bago sumara at pumwesto siya doon.

"Wala na kami," she smiled at tuluyan na lumabas.

"If that's only problem, see you 8pm," she winked at nagclose na ang elevator door.

Naiwan akong nakanganga dun.

Damn. She's free.

***

Eloveator (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon