Chapter 9

12 4 2
                                    


Nagising ako sa tunog ng telepono.

Bumangon naman ako at sinagot yun. Yung lobby guard 'to panigurado.

"Hello po?" tanong ko dito at humikab.

"Sir, may package po kayo at hindi po namin 'to pwede iakyat dahil kailangan niyo po muna pumirma," sabi nito. Naalala ko bumili pala ako ng bagong appliance kaya kailangan ko talaga bumaba muna dahil hindi sila agad papayag iakyat 'to agad.

"Sige po kuya, baba na rin po ako."

Binaba ko na yung telepono at nag-suot ako ng shirt at shorts dahil nakaboxers lang ako habang natutulog.

Pagkababa ko sa ground floor nakita ko naman ang bagong maliit na refrigerator dahil nasira yung luma sa unit ko.

"Pirma po kayo dito tsaka dito po sir," sabi nung nagdedeliver.

"Okay na po?" tanong ko at tumango na sila.

Naghihintay kami para sa elevator ng makita ko ulit si Micaella. This time, she looks stressed.

Compared sa mga lumang encounters namin ngayon talaga ang masasabi kong stressed siya.

Her hair is in a mess and eyes were swollen. Did she cry?

Namumula ang ilong nito pati na rin ang mata. Gusto ko sanang tanungin anong nangyare pero huwag na lang siguro.

Bigla namang bumukas yung elevator kaya pumasok na kami nung nagdedeliver pati na rin si Micaella.

Gusto ko talaga siyang kausapin pero mukhang mas okay kung hindi na lang.

She pressed her floor and so did I. Hindi ko nanaman mapigilan hindi sumulyap. Nag-aalala ako sa kanya.

Pinigilan kong hindi magsalita pero mas nauna ang pag-aalala ko dito.

"Okay–" biglang bumukas na ang elevator door.

Narinig ako nito dahil sumulyap 'to sa akin.

Pumagitna siya sa elevator door at tinignan ako. She smiled making her dimple show and her teary eyes are in squints.

"I know what you'll ask, thanks for worrying but, no, see you around elevator boy," with that the door closed.

Napatingin naman sa akin si Kuya delivery. Hindi ko alam kung nang-iinis o ano, dahil nakangiti 'to ng nakakaloko.

"Bakit po Kuya?" tanong ko sa kanya pero lalo lang 'to ngumiti.

"May gusto ka po kay ma'am noh?" bigla niyang sabi. Nagulat naman ako dahil ganun ba ako kahalata?

"Halata po ba?" what's the point of hiding the truth.

"Opo, bakit hindi niyo po sabihin sa kanya?"

"May jowa po siya eh," I sighed.

Umiling bigla si Kuya. "Kakaiba ang nararamdaman ko sainyong dalawa. Try mo lang naman malay mo 'di ba."

"Kakaiba?" bigla naman ng bumukas sa floor namin ang elevator.

Lumabas naman kami at dumeretsyo na sa unit ko. Papasok na sana ako ng may sabihin si Kuya.

"May kakaiba dahil kahit may jowa man siya, kinausap ka pa rin niya. Mukha ngang hinihintay ka niya na kausapin mo siya."

"Po?" naguluhan ako sa sinabi ni Kuya.

"Wala, saan ko 'to ilalagay?"

Tinuro ko na lang kung saan ito ilalagay.

Hinihintay niya na kausapin ko siya?

***

Eloveator (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon