Chapter 10

11 4 0
                                    


Tulad ng dati, late nanaman ako.

Tumakbo ako sa may elevator at pinindot ng pinindot ang pababa.

Bumukas na rin ang elevator at pumasok ako. Tinignan ko ang oras at five minutes late na ako sa klase ko.

Pinindot ko na ang ground floor at natataranta na. Bigla namang bumukas yung elevator at lalabas na sana ako ng makita ko si Micaella.

Tinignan ko ang floor, 15th floor pa lang pala.

Natawa naman 'to bigla bago pumasok. Kasi, nasa pagitan ako ng elevator door lalabas na sana ako eh.

"Hulaan ko," bigla niyang salita. "Late ka nanaman noh?"

I sighed and chuckled. "The usual,"

Natawa naman ulit 'to. She's smiling and laughing again which is nice to see. She's also talking to me again.

"Hirap kasi bumangon ang lamig sa condo," I said.

"True, kaso mukhang nature mo na ang pagtakbo papuntang school," she said.

"Yeah, pwede na ako maging kabayo."

She laughed harder making me mesmerized.

"You really look beautiful when you're laughing and smiling," my eyes widened when I bluntedly said that out loud.

Tinakpan ko agad ang bibig ko at tinignan 'to. Her shocked expression turned into soft smile.

Bigla naman bumukas ang elevator door, tatakbo na sana ako ng hilain niya ang ilalim ng shirt ko.

"T-thank y-you," she shyly smiled and saw her dimples. "I needed that today."

Lumabas na 'to ng tuluyan sa elevator at tumakbo.

Natulala ako bigla.

Damn, I'm falling.

***

Eloveator (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon