Chapter 8

11 3 0
                                    


Hindi na kami masiyadong nagkakasalubong ni Micaella.

Kung magkikita man kami ulit sa elevator, nagkakatinginan na lang kami at tatango.

Yun na yun. Nothing else.

Kapag nagkakasalubong kami, lagi na siyang mukhang stressed at seryoso. Hindi ko maiwasan hindi mag-alala sa kanya kahit na dapat hindi.

"Tol, may assignment ka na? Patingin ako," biglang kalbit ni Luke.

"Sabihin mo na lang pakopya hindi patingin," sabi ko dito at bigay sa kanya ang yellow pad ko.

Ngumisi naman 'to. "Thanks tol, idol talaga kita," sabay thumbs up pa nito.

Umiling na lang ako dito. Wala pa naman ang prof at maaga na rin ako nakakapasok para iwas na rin na magkasabay kami sa elevator.

Pero, nagkikita pa rin kami.

Magseseryoso na nga ako sa buhay. Hindi ko na lang siya aalahanin.

Dumating naman na ang prof at nagsimula na siya magdiscuss. May pinagawa naman 'to pagkatapos at pwede na daw umalis kapag tapos na.

Pinasa ko naman agad yung papel ko at sinabihan ko si Luke na mauuna na ako. Tumango naman 'to kaya lumabas na rin ako ng room.

Last subject ko na rin kaya uuwi na lang ako. Habang naglalakad naaalala ko yung lagi kaming nagkakasabay at nasa likod niya lang ako na nakasulyap sa kanya.

Alam kong hindi kami pwede, pero minsan iniisip ko na, hindi niya deserve ang jowa niyang walang kwenta.

Napatigil naman ako nung mayroong tumawa ng malakas sa may bandang harapan ko.

Napangiti na lang ako ng mapait. It was her with her boyfriend. Mukhang okay na sila.

I'm just glad she's happy now.

Hindi ko nanaman maiwasan tumingin sa kanya. She was wearing a white crop top and blue jeans. Her hair was up in a bun. Ang cute niya talagang tignan.

Nagstay naman na ako sa labas ng condo namin saglit. Ayoko silang makasabay sa elevator lalo na at kasama niya ang jowa niya.

Hanggang tingin na lang talaga ako sa kanya.

Micaella,

I hope you're really happy with him.

If he's really your happiness, I'll just move on from you.

Wala naman talaga ako pag-asa sa kanya una pa lang.

We just met in the elevator.

Hanggang dito na lang ba?

***

Eloveator (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon