Dedicated to Hinata10 'cause she inspired me to write this story.
Bella's POV
Ngayon, nagtutulug-tulugan pa 'ko habang si Naruto at Kakashi naman e nag-uusap. At times, ididilat ko mata ko, pasimpleng tinitignan kung anong ginagawa or gagawin nila, rather.
"Kakashi-sensei, pwede ko ba siya buhatin? 'Cause she's so freakin' cute!" sabi ni Naruto with puppy eyes.
OMG MY OVARIES JUST EXPLODED.
"Ako na lang. Baka makatakas pa 'to e. 'Di pa naman natin alam kung mabuti 'to o masama," Kakashi said coldly.
Aba! How dare you, Kakashi! Ako si Bella noh! BELLA! Hindi lang ako 'toh'. At excuse me, hindi kaya ako masama. Sipain kaya kita sa ano mo eh... Sa mukha para magkaalaman na.
Sineryoso talaga ng Kakashi na yun yung sinabi niya, ha. Bridal carry or kung ano man yun ang ginawa niyang buhat sa 'kin and ew. Gosh.
Kunyari, magigising na lang ako. Ughh.
I opened my eyes.
"Hay," paghihikab ko with matching takip pa sa bibig ko.
Nagulat ata si Kakashi at nabitawan ako. Buti nalang, nasalo ako ni Naruto. Nasa likod lang siya kasi ni Kakashi, at buti nalang talaga nagmadali siyang saluhin ako, once na nakita niyang nahuhulog na ko. Grabe naman 'tong si Kakashi! Masyadong focused kasi sa ginagawa, please note the sarcasm, at dahil doon, muntik na ko mamatay! Kotongan ko 'tong Kakashi na 'to eh.
'While I'm falling scene
"WAHHHHHH!" sigaw ko sabay yakap sa leeg ni Naruto. Siguro, ok na din na 'binitawan' ako ni Kakashi. Kasi nakayakap pa ko kay Naruto! HAHAHA! I evilly laughed. GO ME!
"Sensei, ako nalang muna magbubuhat sa kanya ah. Baka mahulog na kasi ng tuluyan kung ikaw. Lalim kasi ng iniisip," puna ni Naruto. I was clinging to his neck and pinulupot ko yung legs ko sa waist niya. So kung titignan, para akong koala na ayaw umalis at nakakakapit sa Eucalyptus Tree, which is Naruto in this case.
"Sige na nga, baka kasi 'di pa tayo nakakarating sa office ni Tsunade-sama, patay na 'yan," sabi ni Kakashi. "Mas maganda pang nagtrain na lang ako e," he muttered.
"Ano, sensei?"
"Wala."
Wait lang, diba Pilipino ako? At Japanese sila? Paano ko naiintindihan yung sinanabi nila? Hala! Bigla tuloy na-alert yung system ko.
By the way, Kakashi reminds me of Gurang. 'Yan yung tawag ko sa teacher ko na palaging nalelate sa class, matanda na, white yung hair, at may sakit kaya nakacover yung bibig at ilong niya nang basta, ewan ko kung anong tawag dun e, mask ata. Kung makasalita din kasi siya, parang walang pakialam sa mundo. Pero matalino siya.. at single.
Tapos naman, si Naruto, he reminds me of my crush. Ito yung story.
Flashback - 3 years ago
Merong transferee dito sa school namin nung 13 palang ako. Si Adam Collins. Blond hair and blue eyes. Your typical American. Pero may Filipino blood din naman daw siya, according to rumors, so Fil-Am pala siya. I face-palmed at my realization.
Nung tinanong namin si Adam kung bakit siya nag-migrate dito, sabi niya, "I want to learn more about Philippines. Yung language at how people live here."
Kawawa nga sya na cute e. Halatang halata na gusto niya talaga mag tagalog as much as he can, but he's not a native speaker, so ang slang niya magsalita. Hontouni kawaii! (So cute!)
Pero buti naman at nakakaintindi naman siya ng Tagalog.
Meron pa ngang time na naligaw sya at nakita ko sya at nakita nya rin ako. sabi nya:
"Alam mo ba where this room is?" Adam showed me his timetable. Wow. Classmate ko pala siya.
"Magkaklase pala tayo, sunod ka na lang sa 'kin. Hehe," I replied. Wait nga lang. Why did my 'hehe' sound so creepy? Oh well.
"Salamat!" sabi niya na hirap na hirap na magpronounce and he hugged me. "Has anyone ever told you how cute you are?" Redness creeped unto my face. Gosh, did he just flirt with me?
And.. Did girls just shoot me with dagger looks? Mga inggitera.
Ignoring that, basta pareho silang laging good vibes ni Naruto.
Nung medyo tumagal na siya, aba, naging sikat din. And now, he's onemof the campus hotties. Paano ba naman kasi, ang pogi niya, makulit, friendly, mabait, hyper, at 'yun. Meron din syang frienemy which is Shane Alvarez. Sobrang sikat din sya. Well actually, mas sikat siya kay Adam, pero super snob siya, gustong mapag-isa lagi.
Back to love story minus the love namin ni Adam.
Ngayong 16 na kami, naging close kami. Nagkukwentuhan kami ni Adam tungkol sa mga buhay namin. Mga problems. Pati love life, when suddenly..
"I love someone," he declared with a sad face.
"Sino? Bakit ka malungkot? Basted ka ba?" sabi ko. Curious lang naman.
"Si ano, uhmm.. how am I supposed to say it?"
"Sino nga?" pangungulit ko.
"She's your friend."
Ouch.. sakit nun dude! Cras kita tapos labs mo friend ko. Sana ako na lang..
"Si Ina?"
"Hende." (super tawa ko sa isip ko, trying hard parin siyang mag tagalog eh)
"Eh sino?"
"Uhmm.. it's you know.. Cherry."
"Huh? Seryoso ka?"
"Oo." he said seriously.
Si Cherry and Ina pala mga bff ko, for your information..
flashback end
"We're here!" sabi ni Naruto.
"AY KABAYONG TUMATAE!" sigaw ko ng gulat na gulat.
Paano ba naman inaalala ko pa yung nangyari dati tapos bigla ba namang siyang magsalita. Grabe! I thought aatakihin na 'ko sa puso.. Pero nandito na nga kami sa pinto ng office ni Tsunade.. At kumatok na si Kakashi.
Vote. Be a fan. Or give me a piece of your mind on the story.
*Editing
BINABASA MO ANG
Naruto FF: Naruto and Me
FantasyI just went walking around everywhere nang may nakabangga sa 'kin. When I woke up, nasa mundo na ko ni Naruto..?