02-07-18
Sa disenyo ng bilugang buwan ay mismong naramdaman ang mga pait na matagal na dapat nakalimutan
Sa muling pagkakataon nagtagpo muli ang landas na matagal na dapat binaon nang tuluyan
Nagkaharap tayo mata sa mata
Hindi alam ang madarama pero ito na naman ako
Bumalik na naman lahat ng sakit at ala-ala
Ala-ala ng iyong karakter sa buhay ko
Teka, ano nga ba?
Ahh. Ikaw lang pala ang may karakter sa buhay ko
At ako? Isa lamang hamak na nagmamahal sa'yoNaisip na muli na lang ibaling ang mga mata sa bilugang buwan
Kasabay nang pagtalikod ko sa taong matagal ko na dapat kinalimutan
Kasabay nang panunukso ng mga tao sa ating harapan
Pinakilala ako sa nanay mo bilang iyong kasintahan
LEGAL NA TAYO!
Legal na sana tayo kaso wala palang tayo
Lahat ng sinasabi nila ay puro biro
Nakakatawa na nakakapanghinayang
Pero sakit ang dulot nito at pakinabangSige. Titingin na lang ako sa bilugang buwan
Sa kagandahan nito't liwanag
Liwanag na nagsasabi at sumisimbolo
Na wala na, itigil na ang liwanag sa paghahangad na may pag-asa pa
Pag-asa na kahit hindi mo 'ko gusto basta mabalik ang dating tayo
Dating tayo na walang ilangan
'Yung halos sabay nating bilangin ang mga bituin katabi ng buwan
'Yung tayo na may liwanag sa pagkakaibigan
Kahit masakit, Oo na! Kaibigan na langLaki na ng pinagbago
Hindi katulad ng buwan na bilugan pa rin ang disenyo
Kaso ang buwan, espesyal ang sa araw na ito
Dahil nag-iba ang kanyang kulay at anyo
Pero alam ko na babalik pa rin ito sa dati
Babalik ito sa pagiging orihinal at simple
Sana tayo rin
Katulad ng buwan ay babalik sa dati
Dating disenyo, dating sitwasyon, dating pagiging magkasama natin ay hindi lang imahinasyonNaglalakad na ako palayo sa'yo
Kumaway ka, pagpapaalam ang simbolo
Tumingin ako, at sa huling pagkakataon ay sinilayan ka
"Mahal pa rin ba kita?"
Tanong na pawang ayaw ng sagutin ng puso
Dahil ang mga mata ay waring nagkakasala
Traydor na mga luha ay para bang aagos na
Ayoko ng sagutin
Iba na ang buhay mo, iba na rin ang buhay ko
Baka may iba ka na, at may iba na rin akoBubuntong hininga
Titingin muli sa bilugang buwan
Iisipin na ako 'to, kahit piliting hanapin ka ay wala ka na
Isa ka ng araw, hindi na dapat makita at makasama
Dahil ang buwan ay sa gabi, at ang araw ay sa umaga
Hindi na dapat magtagpo para mga tao'y 'di masira ang sistema
Para wala ng madamay pa
Wala ng mabulilyaso pa
OO NA! WALA NA TALAGA!Habang naglakakad ay ngingiti sa mga kasama
Na para bang walang nangyari at 'di ka nakita
Ibubulong sa langit na sana mag-umaga na para wala na ang multong binabalot ako ng takot
Takot na baka bumalik ang disenyo ng puso ko para sa'yo
At multong bumabalot sa nakaraan natin,
Na ikaw at ako ay magkasama,
At sobrang malapit pa sa isa't isa_______________________
🦋
Memories bring back huh? Hahahaahha shook ako ih!
BINABASA MO ANG
MGA MALAYANG SALITA
RandomMGA SALITANG NAISULAT DAHIL WALANG TAONG GUSTONG MAKINIG SA TUNAY NA DAMDAMIN. AT MGA PANGUNGUSAP NA IBINULONG NA LAMANG SA SARILI SA PAMAMAGITAN NG PAPEL AT PANULAT DAHIL NATATAKOT ITONG SABIHIN. [Ang ibang mga akda ay matagal ko nang naisulat.]