TWY .2

16 1 0
                                        

Blue Lemonade

"Gising na!" sabi ko kay Chloe na mahimbing pa ring natutulog sa sofa.

"Grr... bakit ang aga mo namang nagising? Mamayang hapon pa naman ang contest, huh?" Inda niya habang nagiinat pa ng braso.

"Mamayang tanghali kami. Mauuna yung Nursing sunod ang Arki batch saka engineering... tsk... kinakabahan pa rin ako."

"Don't get nervous. Ugh?"

"Ano 'to?" Kunot-noo kong tanong sa kanya.

"Orange juice para hindi ka kabahan. Just drink it now." kinuha ko sa kanya yung orange juice at ngumiti.

"That's mine... where did you get this? This is so important to me..." hinila niya sa kamay ko yung bracelet na nakuha ko sa tabi ng kama niya.

"Ah! Sa tabi ng kama mo. Magpasalamat ka na lang kung hindi dahil sa akin ay nakuha ko pa yan." mayabang kong sabi at huminga ng maluwag.

"Bakit naman kailangan kitang pasalamatan? Umalis ka na nga sa dorm ko..."

"Pero Chloe? Kailangan kong magadjust at kapalan mismo ang pagmumukha ko kasi aalis si Devyn ng ilang linggo. Nakakahiya naman kung makikihati pa ako sa iba kong mga kaibigan kaya ikaw nalang ang malalapitan ngayon."

"If you want to be here then you will be mine first." nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.

"Haist... hindi nga pwede... hindi ba ikaw na rin ang nagsabi na kahit hindi kita magustuhan pabalik, basta maging masaya lang ako at kontento ay ayos ka na. O, bakit nagpalit na naman ang desisyon mo?"

"I like you, Jianné. I like you whether it is fake or real. Maraming beses ko nang tinataboy si Top pero nagpupumilit siyang magbalikan kami at yun din ang sigaw ng mga fans ko na magbalikan na kami sa isa't-isa."

"Paulit-ulit ko na ring sinabi sa mga kaibigan mo na ikaw lang ang gusto ko! Mahirap ba akong mahalin ulit?"

"Ugh? Hey! Kanina mo pa ako tinitignan, tsk... hindi mo ako malulusaw sa mga titig mo na yan." tinapik-tapik niya yung mukha ko.

"May kapalit ba yung pagtira ko rito?"

"Syempre, maghahati tayo sa bayad! grr... o siya, bibili lang muna ako ng pagkain sa tabing restaurant ng dorm."

*toktok

Agad akong tumayo sa upuan nang biglang may kumatok sa labas. Parang tanga naman ito si Chloe, hindi man lang pinagbuksan yung sarili.

"Kaaga-aga, binubwiset mo ako at ayokong sirain ang araw ko kasi madadamay yung beauty ko. Kaya mo namang buksan yung pinto bakit kailangan ako p–"

"Ugh? Shoo! We need to talk right now. I have an urgent meeting!"

"P-paano mo nalamang nandito ako kay Chloe nakitulog? Anong gagawin mo?! Pambihira naman, kailangan ko maging fresh ngayon at kadidilig ko lang sa utak kong tuyong-tuyo sa kakaisip ng isasagot sa Q & A!"

"I asked Devyn so that I found your location. Alam mo, Jianné... matanda kana pero tanga ka pa rin! Hindi ba, ilang ulit ko nang sinabi sa'yo na doon ka sa bahay titira?! Then why are you sharing dorm to others? Sa bahay ka titira, huh?"

"Ako ang nagpatira sa kanya rito at wala kang magagawa! Umalis ka na kung hindi ay magpapatawag ako ng pulis."

"Wala akong pakialam sa opinyon mo! Kilalanin mo muna kung sino ang kinakausap mo ngayon! I'm an older brother of Jianné! O, ano papalag ka pa, huh?" Kinuwelyuhan ni Kuya si Chloe na siyang kinalunok nito ng madiin.

Together With YouWhere stories live. Discover now