CHAPTER SIXTY SEVEN

1.1K 67 5
                                    

Gabriella POV

Habol ang hininga na pinilit kong maupo ngunit napa inda ako sa sakit ng kumirot ang natamong saksak ko.

"Gabriella."

Mabilis kong tinapi ang kamay ng lalaking ito na pilit akong tinutulungan maupo. Natagumpayan kong maupo ngunit tinukod ko ang dalawang braso sa harap upang mapanatili ang balanse ko sa pag upo.

"D-don't touch me."

"Gab, it's me... dave."

Hindi ko mapigilang maiyak habang nakayuko ng marinig muli ang pangalan nya.

"Gab..."

"I told y-you... d-don't touc---"

Hindi na ako makaiwas ng mabilis niyang hinawakan ang ulo ko at dinikit sa dibdib nya habang nasa harap ko sya. Hinawakan nya ang ulo ko at hinimas ang buhok ko.

"I-i'm sorry, hindi ko alam."

Winaksi ko ang ulo at gumapang palayo sakanya.

"Gabriella, please..."

"Y-you killed h-her."

Umiiyak kong anas at muling sinubukang maupo sa lupa malayo sakanya.

Umangat ako ng tingin kay Dave matapos makuha sa mga mata ko ang contact lense na naroon.

He already take his mask off his face kaya mas lalo akong napaiyak ng makompirmang sya nga iyon.

Kinuyom ko ang kamao at dinurog sa kamay ko ang mga lenses.

"Gab, listen."

"You killed her!!"

Napasigaw na ako ngunit napahawak ng tiyan dahil sumakit ang saksak ko sa ginawang pag sigaw. Halos mapangiwi ako sa sakit ngunit ininda ko.

"I-i'm s-sorry..."

"S-sorry isn't enough, d-dave."

Anas ko sa kabila ng mga hikbi at napapikit. Napapapunas ako ng luha sa mga mata at umangat ng tingin sakanya.

Bakit sya pa? Bakit sya pa?

Patay na siya diba?! Bakit sya nandito?!

Hindi ko maintindihan, ano bang nangyayari? Bakit nangyayari sakin ito? Bakit sya pa? Bakit si Dave pa ang pumatay kay mika?

Sa dami ng tao sa mundo bakit sya pa na buong akala ko ay patay na?

Halos magdadalawang taon na ng malaman kong patay na sya but what the hell?! Bakit nandito siya ngayon sa harap ko?!

Bakit sya pa?!

"I'm sorry, gab."

"I-i told you... sorry isn't enough, dave!"

Pinunasan ko ang dugong dumaloy sa aking labi at inabot ang capsule na iniwan ni schalzi sa bag nya. Kinuha ko ang puting pill at nilulon. Napapikit ako at mabilis na binunot sa tiyan ang patalim ni dave.

"G-gab, dont--"

"Ahhhh!!"

"Fuck!"

Hinagis ko ang patalim ng mabunot ko na ito mula sa aking tiyan ngunit hindi ko inaasahan na magsuka ulit ako ng dugo at mas lalong dumami ang dugong lumabas sa hiwa ko.

Hinang hina akong bumagsak sa lupa ngunit naramdaman ko ang mga bisig ni dave.

"Fuck, this is all my fault. I'm so stupid! J-just stay okay, gab... kapag okay kana, hahayaan kitang patayin ako just to avenge your sister. Kasalanan ko kaya hahayaan kita sa gusto mong mangyari. I'm willing to surrender my life to you, gab... just, stay alive."

SPECIAL ACADEMY [UNDER MAJOR REVISIONS]Where stories live. Discover now