Chapter 9

3K 97 3
                                        

Chapter 9

Natigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang dalawang pamilyar na boses. Huminto ako at sinilip ang kusina. Nakita ko roon si Vince na nakatalikod sa akin at si Greg na nag-uusap. Chill na chill ang reaction ni Greg samantalang hindi ko naman makita ang mukha ni Vince.

Pero base sa tono ni Vince mukhang seryoso ang lalaki habang nag-uusap sila.

"Stay away from Grace. Hindi ko alam kung paano kayo naghiwalay pero wala na kayo ngayon at huwag mo ng paglaruan ang nararamdaman niya. She's not a toy to play with. I care for her. Kung kailangan ko siyang protektahan laban sa iyo gagawin ko."

Greg laugh humorless. Ipinasok niya ang dalawang kamay sa magkabilaang bulsa, tumatawa siya pero walang kaemo-emosyon ang mga mata niya ng muling tumingin kay Vince.

I've seen Greg being like this noong kami pa. He hates it when someone threatened him. Lalo na kapag kinukuha ang bagay na alam niyang sa kaniya. Ayaw na ayaw niyang nilalamangan.

Humakbang siya palapit kay Vince at sinalubong ang titig ng lalaki.

"You don't know what I can do. At kung hindi ka tatabi..." he smirked menacingly.

"...I will crash you."

Vince didn't move a muscle nanatili ito sa kinatatayuan. Tinapik naman ni Greg ang balikat ni Vince.

"I'm only her ex for the time being, but that doesn't mean I won't try to change things. You had her for two years and had an opportunity, but you missed it. I'm taking what's mine now, and Raze is mine. No one and nothing can stop me." he said in a low growl, threatening Vince. It sounded like the quiet after the storm.

My heart beats so damn fast. Nagmamadali akong umalis doon pagkatapos marinig ang pinag-usapan nila.

"Ayos ka lang, Raze? Mukha kang nakakita ng multo?" tumatawang tanong ni Aaron at ipinatong ang kamay niya sa balikat ko.

"Nasa kusina ba si Greg? Aalis na tayo e baka nawawala nanaman ang isang iyon."

"I'm here." When I heard his deep baritone voice behind me, I had goosebumps down my spine.

"O, Greg! Akala ko nawala ka nanaman." Aaron joked. Lumapit ito kay Greg at ang lalaki na ang kinulit ni Aaron ngayon.

Tahimik si Vince ng magpaalam kami sa kaniya. Ako ang pinakahuling sumakay sa sasakyan pero bago ako tuluyang makasakay ay tinawag niya ako.

"Grace!"

Huminto ako at nilingon siya.

"Hmm?"

"Mag-iingat ka." bilin niya. Parang may iba pang kahulugan ang sinabi.

"I will. Thank you for accommodating us. And I'm sorry about Greg."

"Raze," nagulat ako ng biglang sumulpot si Greg, nakapamulsa.

Nagtataka ko siyang tinignan.

"G-Greg! I thought..."

"Can you give me a ride?" aniya tila walang pake na nasa harapan namin si Vince.

"Huh?"

"Wala akong sasakyan." he casually said.

"What do you mean wala kang sasakyan?"

Nagkibit-balikat siya at prenteng sumandal sa sasakyan ko.

"I gave the car to the young boy I met here. He claimed to be a fan." he explained.

Agad pumasok sa isip ko si Cross.

"Si Cross? Binigay mo ang sasakyan mo sa kaniya?" medyo gulat at hindi makapaniwalang tanong ko.

He is not the type who is concerned about his fans' feelings. He doesn't care about others. And also he's not the type who appreciates someone who claims to be his fans kaya nagulat ako ng sabihin niyang binigay niya ang sasakyan niya. That cost too much. And one of his collection too!

Kumunot ang noo niya at tila napaisip saglit bago tumango sa akin.

"Yeah. His name is Cross." sagot niya.

Umikot siya sa kabila at binuksan ang pinto ng sasakyan.

"Let's go, Raze." He seemed bored before getting into the car.

"Ah," hinarap ko si Vince. "We'll go now, Vince. Bye."

Sa biyahe ay tahimik lang si Greg habang nakatingin sa bintana. He just stared at the window quietly. Paminsan-minsan ay sumusulyap siya sa akin pero hanggang ganoon lang.

Nang hindi na ako makatiis sa katahimikan ay binuksan ko ang radio ng sasakyan na agad ko namang pinagsisihan dahil tumugtog doon ang kanta na kanina lang ay ang ikinagagalit ni Greg at pinagtalunan namin.

Nilingon ako ni Greg.

"That's our song." he said in his deep baritone voice.

Napabuga ako ng hangin dahil mukhang hindi pa siya nakakamove on sa nangyari kanina.

"Hindi naman alam ni Vince. It was my fault, Greg. Let's not fight about it again." naiiling na paliwanag ko sa kaniya.

Para siyang bata na hindi titigil kakatantrums hanggang hindi binibigay ang gusto.

"Stop the car." he ordered.

Nanliit ang mata ko nang lingunin ko siya.

"What?"

"Fucking stop the car, ex." umismid siya sa akin nang lingunin din ako.

"Are you crazy? Nasa biyahe tayo. Kanino ka sasabay?" nagpalinga-linga ako sa likod namin kung nandoon ba ang mga kasama namin pero kami ni Greg ang nasa hulihan kaya wala siyang ibang masasabayan.

"Just stop the car and mind your own business." walang ganang sagot niya. Sumandal siya sa backrest ng upuan ng sasakyan.

"My God! Greg, you're stressing me out! It was just a song! Huwag mo ng palakihin!" nagsisimula na akong mainis sa kausap ko. Baka ako pa mismo ang maghulog sa kaniya sa sasakyan ko.

"Our song!" pagtatama niya.

"Fine." pagsuko ko.

Taas-baba ang dibdib niya dahil sa marahas na paghinga habang nakabaling sa akin.

Naiinis ako pero mas nanaig sa akin ang galit niya and knowing Greg kapag galit na siya wala ng kahit na anong rason ang tatanggapin niya.

Saglit akong tumahimik para pahupain ang tensyon sa pagitan namin. I look at Greg weighing his reaction.

"Ipapaalala ko lang, Greg, wala na tayo. Alamin mo kung saan ang limitasyon mo sa buhay ko." I said seriously.

"I know." he sighed. Humuhupa na ang galit niya. He is always like this. Short-tempered person.

"Then stop acting like a jealous boyfriend."

"But I am jealous." he pouted. Umiwas siya ng tingin sa akin at sunod-sunod na bumuga ng hangin.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Bakit ka naman nagseselos?"

I hate that he still have this effect on me. Kahit nabwibwisit na ako sa kaniya nagagawa ko pa ring purihin ang perpektong pagkakalikha sa lalaking ito. His red lips pouting makes me gritted my teeth. Hindi ko alam kung galit ba talaga siya o nang-aakit lang.

Napasinghap siya at marahas na muling lumingon sa akin, iritable ang itsura.

"Ano sa tingin mo? Bakit ako nagseselos huh, Raze?" nanghahamong tanong niya.

Isa lang ang naiisip ko sa kinikilos ni Gregory ngayon pero matagal ng tapos ang relasyon namin kaya impossible na...

Nagkibit-balikat ako sa tanong niya.

"Hindi ko alam. That's why I'm asking you, Greg."

He sighed loudly.

"I want you back, Raze."




UntamedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon