Chapter 8
"O? Nasaan si Greg? Guys! Nakita niyo si Greg?" Speed inquired when we were ready to head back. Tinignan ko nga ang mga kasama ko at wala roon si Greg.
"Huh? Saan pumunta iyon?" nagtatakang tanong ni Aries at nagpalinga-linga.
"Hindi ba kausap mo kanina, Speed?" tanong ni Eron sabay lingon kay Speed.
Tumango naman si Speed at kumunot ang noo na tila nag-iisip.
"Oo. Pero may tumawag kasi sa akin kanina at hindi steady ang signal kaya umalis ako saglit." paliwanag niya.
"Mag-ga-gabi na. Maliit lang ang probinsya ng Porbes pero kung dayo ka maliligaw ka pa din." Aaron told.
Mas lalo akong nag-alala sa sinabi ni Aaron. Where the hell is Greg? Nadagdagan pa ang pag-aalala ko ng biglang umulan kaya dumilim ang kalangitan. Sumilong kami sa labas ng Ice Cream Parlor pero hindi ako mapakali.
"Hahanapin ko ang kasama niyo. Hindi lang iyon ang inaalala ko. Noong nakaraan inabisuhan kami ng police na may nagtatago daw dito na magnanakaw na taga ibang bayan at hindi pa nahuhuli. Hindi ko alam kung nahuli na ba nila iyon ngayon. Halatang taga syudad pa naman ang kasama niyo..." ani Vince sa nag-aalalang tono.
Narinig ko ang sigaw at pagtawag nila nang sumugod ako sa ulan at nagtatakbo.
Hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Greg. Pero maliit lang naman ang Porbes kaya siguradong makikita ko siya kahit suyurin ko pa ang buong lugar. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko habang natataranta akong naghahanap sa kung saan-saan kay Greg. May mga nakasalubong ako na suki sa resto ni Vince na nagtataka kung bakit nagpapaulan ako at nagpapakabasa pero nagbakasakali ako na baka nakita nila si Greg pero hindi. Hanggang sa makasalubong ko ang grupo nila Cross. They are the young aspiring racing driver dito sa porbes. Hindi pa talaga sila nakasali sa totoong competition pero iyon ang pangarap nila. They are two years younger than me. Bukod kay Vince ay nakilala ko rin ang grupo nila Cross sa dalawang taon na pananatili ko sa Porbes.
"Ate Grace!" lumapit ito sa akin at nakipag-apir ganoon din ang mga kaibigan.
"Cross, may nakita o nakasalubong ba kayo na lalaki? Dayo." tanong ko at wala ng inaksayang oras.
Nagkatinginan silang magkakaibigan at tumango si Cross.
"Si Gregory Versalius ba?" he asked.
Kumikislap ang mata sa paghanga ng banggitin niya ang buong pangalan ni Greg.
Nagulat ako na kilala niya si Greg pero dahil pangarap ni Cross ang maging isang racing driver ay hindi na ako nagtaka at baka si Greg ang idol niya.
Agad akong tumango sa kaniya at kaunting nakahinga ng maluwag ng malaman na may nakakita kay Greg.
"Oo nakita ko siya nasa batis hindi nga ako makapaniwa---" hindi ko na pinatapos ang sinasabi ni Cross at tinapik na ang balikat niya pagkatpaos ay nagmamadaling tinahak ang daan papuntang batis.
What was he thinking? Batis? Really?
Nang matunton ko ang batis ay nakita ko roon si Greg paahon na siya nang mahinto sa kinatatayuan ng magtama ang mga mata namin.
"GREG!" takot na tawag ko sa kaniya at nagmamartsang lumusong papunta sa tubig.
"R-Raze, what the hell! Basa ka. Anong ginagawa mo rito?" He looks shocked to see me.
Sa halip na sumagot ako ay niyakap ko siya. Lahat ng nararamdaman ko ngayon ay ibinuhos ko sa yakap na iyon. Halo-halong emosyon, takot, pag-aalala at galit.
"I'VE BEEN LOOKING FOR YOU! Pinag-alala mo kaming lahat." kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at galit siyang tinignan.
"Bakit hindi ka nagpapaalam? May kasama ka, Greg!"
BINABASA MO ANG
Untamed
RomansaVersalius Brothers #1 Gregory Versalius has a bad boy reputation that has not been tainted and untamed for many years, until he meets Grace Ross, who will make him question his untamed status because before the race even begins, he finds himself lo...
