Chapter 18

2.2K 77 2
                                    

Chapter 18

On Purpose

Katatapos lang ng training ko nang magtungo ako sa bench. Sa sobrang focus ko hindi ko namalayan na nakailang missed calls pala saakin si Greg, I didn't even got a chance to check my phone. Nasa bag ko kasi ang cellphone ko at iniwan ko iyon sa bench. Nangunot ang noo ko.

Is there something wrong? Sunod-sunod ang mga missed calls nito at mukhang may emergency?

I dialed his number but he didn't answer my call.

Mas lalong nangunot ang noo ko at saglit na napatitig sa screen ng cellphone ko.

"Raze!"

Napalingon ako kila Speed.

"Hey,"tinanguan ko siya.

They all look worried. And I am here looking clueless of everything. Ano bang nangyayare?

"May problema ba?"I asked them.

Nakita ko na din ang papalapit na si tito Lar, malungkot ang mukha nito at parang may pag-aalangan.

"Raze,"tito Lar called me. Kaya nabaling sakanya ang buong atensyon ko.

Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kaba. Hindi ko alam kung para saan pero pakiramdam ko may hindi magandang nangyare...is it about Greg? What happened to him?

Kinakabahan akong napalunok."May...may nangyare ba kay Greg?"

Umiling si tito Lar kaya parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib at nakahinga ng maluwag pero ang susunod na maririnig ko sakanya ay tila nagpatigil sa pag-ikot ng mundo ko.

"Your father's death, may kinalaman doon ang mga Versalius."

Nabitawan ko ang cellphone ko at napatulala.

"Hindi aksidente ang pagkamatay ng papa mo, Raze."tito Lar continued. Magsasalita pa sana siya ng itaas ko ang kamay ko para pahintuin siya.

"No..."mabagal akong umiling habang hindi pa din makapaniwala.

"That's...impossible!"tumaas ang boses ko at bandang huli ay nanginig iyon."Why would they do that?"nalilitong tanong ko. Gulong-gulo ako. Ayaw rumehistro sa utak ko ang sinabi ni tito Lar. Parang ayaw tanggapin ng utak ko ang sinabi ni tito Lar.

NO! NO!

"I have...I have t-to s-see, Greg."natataranta at hindi ko alam ang gagawin ko. Nakakaisang hakbang palang ako ng tuluyan ng bumigay ang mga tuhod ko.

I heard them all called my name worriedly at mabilis akong dinaluhan.

"What's going on, tito Lar? H-hindi ko maintindihan."hindi ko mapigilan ang mapaiyak. Gulong-gulo na ako.

We were fine. Kakaayos lang namin ni Greg.

Bakit kailangan mangyare nito?

"I'm sorry, Raze. Ayokong sabihin pero nasa balita na ang totoong nangyare sa papa mo. Kaya mas pinili ko na saakin mo mismo malaman kaysa marinig o makita mo lang sa tv. Kakausapin natin ang mga Versalius. Hanggang ngayon ay hindi pa din sila nagbibigay ng statement tungkol sa paglabas ng balita."tito Lar informed.

"Hindi ko maintindihan. Paano? Bakit?"

"Sasabihin ko ang lahat sayo kapag huminahon kana. Sa ngayon ay maupo ka muna."inalalayan ako ni tito Lar na makaupo.

Pinilit kong kumalma kahit parang hindi ko na alam ang gagawin ko.

Paulit-ulit kong pinagdarasal na sana hindi totoo 'to!

UntamedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon