Chapter 12

2.6K 73 0
                                    

Chapter 12

Plans


I feel like what Greg told every one in the room was a bomb that exploded right in my face. Shocked pa din ako hanggang sa matapos ang usapan ng dalawang pamilya at umalis na si Sabrina kasama ang magulang nito na tila pinagbagsakan ng langit ang mukha.

Doon pa lamang ako iginiya ni Greg paupo.

Now I am facing alone the Versalius family. They are much more intimidating kung buong pamilya na silang haharapin mo.

I can't even look in their eyes straight. Kusang umiiwas at bumabaling sa ibang bagay sa silid ang mga mata ko.

Ipinagsalikop ko ang dalawang kamay ko na nasa hita ko dahil sa kabang nararamdaman. Hindi ako mapakali habang nakaupo ako.

"I...well...uh...I'm sorry, hija. This is just a misunderstanding."Mrs. Versalius smiled at me apologetically nang mag-angat ako ng tingin sakanya. Mukhang wala siyang alam sa namagitan saamin noon ng anak niya at mukha talaga siyang sincere sa sinabi niya."I didn't know you two are...well you told me at the party that you didn't know my son. It's funny because I actually shipped the two of you."she chuckled and glanced at her son.

"Pero nang marinig kong may kasintahan ka na ay hindi na ako umulit pang paglapitin kayo."umiling siya. Kinuha niya ang basong nasa harap niya at sumimsim doon."Kaya pasensiya kana sa naging reaction ko kanina noong sabihin ni Gregory na ikaw ang babaeng gusto niyang pakasalan."

Hindi ko alam ang sasabihin at nagpalipat-lipat lang ang tingin ko sakanilang lahat.

Damian and Arthellus chuckled dahilan kung bakit nagtagal ang tingin ko sakanilang dalawa at napunta sakanila ang atensyon ng lahat.

"Paano ba natin ito sasabihin?"Damian forehead creased. Sumulyap siya kay Greg."Nagkaroon kasi sila ng away, mama. Nagkataon naman na sa party pa kayo unang nagkita ni Grace. Let's just say you two met in a wrong timing."

Mrs. Versalius gasped shockingly."I'm sorry, hija. Pinasasakit ba nitong panganay namin ang ulo mo? Alam mo noon pa man talaga ay matigas na ang ulo nito. Masiyado kasi itong naispoiled ni Gregorio."sabay baling sa asawa na tahimik lang na kumakain at ng mabanggit ang pangalan niya ay mahinang humalakhak bago umiling.

"He's my first son, Georgina. What do you expect me to do? Of course I'll spoil my kids."depensa nito at sumulyap saakin.

"But what I'm just saying ay hindi kaya napasobra tayo kay Gregory?"Mrs. Versalius in her worried tone asked her husband.

Maagap namang umiling si Mr. Versalius."You perfectly raised our sons well. And I'm proud of you because of that."he spoke with tenderness to his wife.

Mrs. Versalius nodded and smiled at him.

Pagkatapos muling bumaling saakin si Mrs. Versalius kaya muli ay bumalik nanaman ang kaba ko.

"I'm sorry about what I did. I hope you dont feel offended. Hindi ko alam na may napili na pala itong anak namin. Ang akala ko kasi ay mamamatay na lang ako at wala pa din napipiling pakakasalan ang panganay namin."she sighed. Halata sa tono na concern lamang siya sa anak niya.

"Ma."si Arthellus na umiiling-iling."Don't say that. Mahaba pa po ang buhay niyo at matagal pa bago mangyare iyon."

"Arthellus is right, ma. Don't think like that."seryosong pagsang-ayon ni Damian sa bunsong kapatid.

Samantalang umiling lamang si Gregory at nagpunas ng bibig gamit ang table napkin.

"Hindi mo ba gusto ang pagkain, hija?"may bahid ng pag-alala ang tanong na iyon saakin.

"P-po?"bumaba ang tingin ko sa plato ko at hindi pa pala iyon nababawasan. I don't think I can eat well in front of them. My hands were a bit shaky. I'm afraid to do mistakes at maipahiya ko ang sarili ko sa harap nila atleast not in front of Gregory's parents.

"Ano bang gusto mong kainin, hija? Magpapaluto tayo sa chef."marahan siyang ngumiti saakin.

"Uh..."I bite my lips shyly.

Parang bigla akong naging pipi sa harap nila. Kabadong-kabado ako at hindi makapagfunction ng maayos.

"She's full, ma. She'll just eat the dessert later."pakiramdam ko ay nakahinga ako ng sinalo ako ni Greg sa tanong ng mama niya. His hand rested on my lap kaya napatingin ako doon.

"Ganoon ba. Kung ganoon ipaserve na natin ang dessert."she is about to call the servant nang maunahan siya sa pagsasalita ni Greg.

"Hindi na, ma. Mamaya na lang."

"Oh. Ok, son."tumango si Mrs. Versalius.

"So, hija how long are you two together? Kamusta naman ang trato sayo ni Greg? I hope he's treating you well dahil kung hindi ay talagang pagsasabihan ko ang batang iyan."

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. We dated for six months. Hindi ko alam kung iyon ba dapat ang isagot ko o...

"2 years and 6 months, ma."sagot ni Greg kaya sakanya bumaling ang ina niya.

"Wow."bulalas nito tila namangha sa narinig."Matagal na din pala. And you guys are good at hiding. Hindi man lang namin nalaman. At kung hindi pa nangyare ito ay mukhang hindi mo pa balak ipakilala si Grace saamin, Greg?"Mrs. Versalius sophisticatedly raised her brows at her son.

Greg just shrugged his shoulders."I was going to tell you soon. Kapag nakapagpropose na ako sakanya at kapag pumayag na siya."

"Aba't kelan naman iyon?"tila hindi na makapag-antay na tanong ni Mrs. Versalius.

"After her world tournament competition, ma. Ayokong madaliin si Raze. Kababalik niya lang so..."he trailed off. Sinadyang hindi na ituloy ang sasabihin.

Pagkatapos ng biglaang lunch kasama ang pamilya ni Gregory ay akala ko hindi ko na kakayanin.

Nakahinga lang ako ng maluwag ng tuluyan na akong nakalabas ng mansion nila.

"Anong bang pinaplano mo, Greg? Siguro naman alam mo kung anong pinapasok mo? You just announced that we're together and that we're planning to get married."halos pahisterya kong sinabi."Anong sasabihin nila pag walang kasal na naganap? Worst if they find out the truth?"naiiling na tanong ko.

"I'm sorry for the trouble I caused you today. I promise I'll make it up tomorrow. And don't you think this is good for our publicity? I'm sure by now the news of you going to our house and meeting my parents spreads all over the news. This is what the big boss wants, right?"

Saglit akong natahimik. Ayokong aminin pero may point siya. But still this is too much for our publicity.

UntamedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon