Chapter 3

3.7K 101 0
                                        

Chapter 3

Nang matanaw ko na papunta sa amin si Mrs. Versalius ay parang gusto ko ng mag-paalam at i-excuse ang sarili sa mga kaibigan ko. My team and the other people surrounding us did not realize Mrs. Versalius' presence yet pero ng mapansin ay lumingon na rin sila at binati ang ginang. Sa tabi ni Mrs. Versalius ay ang mga anak nito. Masiyado akong focus sa ginang kaya hindi ko agad napansin na kasama nito sila Greg.

I knew coming to this afterparty would be a catastrophe. Hindi na dapat ako pumayag na sumama pa rito kung hindi lang ako pinilit ni Aaron. I despise that he has such persuasive power. Parang kotang-kota siya sa paggamit nun sa akin. And where is he now? Nagpalinga-linga ako sa paligid para hanapin siya pero natigil iyon nang huminto sa tapat ko ang ginang.

"I've seen your race, hija. I admit that it was my first time watching live. And it was the first time I saw a girl race." marahan siyang ngumiti, She nodded lightly.

I smile politely at her. Hindi talaga alam ang sasabihin.

"Oh, foolish me, I have not introduced myself. I am Georgina Versalius. And this is my sons..." iminuwestra niya ang tatlo sa gilid niya. They all smiled at me except Gregory na walang emosyon lang na tumingin sa akin and I really don't mind it at all.

Six months lang naging kami ni Gregory at hindi ko nakilala noon ang mga magulang niya. At siguro may rason kaya ganoon ang nangyari. Kasi kung nakilala ko noon ang magulang niya baka hindi ko ito kayang harapin ngayon. Fortunately, the woman seems unaware of Greg and my previous relationship.

"It's nice to meet you, Madame. I'm Grace Ross."

"Grace?" biglang nangunot ang noo niya at nilingon ang mga anak na ngayon ay mahihinang humahalakhak sa tabi niya.

Kahit ako ay napakunot na rin ang noo habang pinapanuod silang nagtatawanan.

What's going on?

"This is my son, the youngest Arthellus Versalius. And this is Damian my second. And how old are you hija?"

"Twenty-four po." sagot ko.

She nodded with a smile.

"Do you have plans to settle down na ba, hija? I mean hindi na rin masama ang twenty-four to start your own family. Mas maganda nga at habang bata pa."

I smiled in anticipation. Wala nga akong boyfriend e. And after my relationship with Gregory I don't think...

"You know what you are really familiar, Grace." sopistikadang tumawa ang ginang.

"He is tito Ramil Ross's daughter, ma." si Damian.

Napasinghap ang ginang.

"Oh! I remembered! Kaibigan ng asawa ko ang papa mo, hija. I'm sorry hindi agad kita nakilala you are too young when I met you siguro pitong taon ka palang n'on." she smiled, apologetically.

"It's nice seeing you again. I'm sorry of what happened to your father, Grace. Anyway, have you met Greg? He's my older son. Tatlong taon lang ang tanda niya sa iyo. He grew up very untameable!" kinindatan ako ni Mrs. Versalius.

"P-Po." napalunok ako at tsaka bumaling kay Gregory na hinila ng kaniyang ina para ipakilala sa akin. I find this situation awkward, very awkward.

"Hindi pa po." I lied, mabagal akong umiling.

"Oh is that so," lumungkot ang tinig ng ginang at sumulyap sa anak.

"He's into racing, hija. What a small word. Maybe you two can go out some other time?" she suggested as if she is trying to be a cupid between Greg and I.

UntamedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon