Chapter 20

2.3K 76 1
                                    

Chapter 20

Life


"God damn it! We're so excited, Raze! Nasan na ba kayo?"

Natawa ako sa sinalubong saakin ni Speed ng masagot ko ang tawag niya. Panay ang tawag nito at hindi makapaghintay.

"Malapit na."I chuckled.

"That's what you said 20 minutes ago!  Kinakabahan na kami! Hindi ka man lang naguupdate!"

"Sorry. Traffic kasi e."

"Fine! Kung bakit kasi ayaw mo pang sunduin namin kayo kanina sa Airport."

"Surprise kasi sana."tumawa ako.

"Mama, si tito Speed po ba yan?"napalingon ako sa anak ko.

"Yes, baby. Inaaway ni tito Speed si mama mo."pabirong pagsusumbong ko sa anak ko na agad namang kumunot ang noo.

"W-What?"narinig ko ang natatarantang boses ni Speed sa kabilang linya.

"I want to talk to tito Speed po."he said politely.

"Okay, baby."tumango ako sa anak ko at ibinigay ang cellphone ko sakanya.

"Hello, tito Speed?"inosenteng bungad ng anak ko kay Speed.

Hindi ko mapigilan ang matawa.

"Bakit niyo po inaaway si mama?"he asked Speed, innocently.

Naiimagine ko na ang mukha ni Speed na ngayon ay siguro balisa na.

Spoiled na spoiled kasi nila ang anak ko. At takot na takot sila kapag nagtatampo sakanila ang bata.

Kababalik lang namin galing states that's why. Bumisita kasi kami sa mga Riveza. I was nine months pregnant when a Riveza went to my house. At nagpakilalang tito ko. He said my mother is his sister. That means they are my relatives. Nagkaroon daw kasi noon ng problema. Kaya itinakwil si mama ng pamilya niya, ang mga Riveza.

Nasa states silang lahat nakatira. Dahil andoon kasi ang main branch ng Riveza. Pero tuwing bakasyon o okasyon ay umuuwi sila dito sa pinas.

And my son is both spoiled by both sides. Kaya nga nagpapasalamat ako na kahit spoiled at nakukuha niya ang lahat ng gusto niya ay hindi naging mayabang o nag-iba ang ugali ng anak ko. He was so humble and polite.

"Opo. Malapit na po kami. Namiss niyo po ba ako ng sobra? Ako po? Opo namiss ko po kayo."

Napailing ako sa pag-uusap nila ng tito Speed niya. We are just gone for two months tapos grabe kung mamiss nila ang anak ko at noong nasa states kami panay ang tawag nila at kamusta. Samantalang apat na taon naman nilang nakasama ang anak ko. Simula baby hanggang ngayon na 4 years old na ito ay kasama nila at nasubaybayan nila ang paglaki.

"Pasalubong?"kumunot ang noo ng anak ko.

He's just four but he grow up very matured for his age. Ang talino at hindi na basta-basta maloloko!

"Hindi niyo na po kailangan ng pasalubong. Mayaman naman po kayo hindi ba?"

Malakas akong natawa sa tinanong niya kay Speed.

"GREY!"

Sabay-sabay nilang sigaw at nag-uunahang lumapit sa anak ko.

"Wait po mga tito!"utos ni Grey at umiling kila Speed.

"Asan po si daddy Aaron?"hanap niya kay Aaron.

Hindi ko alam kung bakit daddy ang tawag niya kay Aaron. At tito lang ang kila Speed, Aries at Eron. Tuwing nagrereklamo ang tatlo at sinasabing gusto din nilang tawagin sila ni Grey ng daddy ay umiiling lang si Grey at sinasabing isa lang daw ang daddy niya at si Aaron iyon!

He knows Aaron is not his real father. But he never ask about him. He never ask about his real father. Hindi ko alam kung dapat ba ako matuwa o malungkot para kay...

"I am here, baby!"Aaron grinned at Grey.

Lumapit siya sa anak ko at kinarga si Grey.

"Ang daya talaga!"reklamo ni Speed.

"Si Aaron lang ang daddy? E kaming apat ang daddy mo!"

Grey shooked his head."Isa lang po ang daddy ko."sabay lingon kay Aaron.

Speed groaned."Pangit naman 'yang si Aaron. Hindi mo kamukha!"

"Daddy Aaron is not pangit!"iling ni Grey."He's so handsome like me!"pagtatanggol ng anak ko kay Aaron.

"Kami? Gwapo din ba kami, Grey?"Aries asked.

"Opo!"mabilis na sagot ni Grey ng nakangiti.

"Pero hindi mo kami daddy?"pamimilit pa ni Speed sa bata.

Saglit na napaisip si Grey."Sige na nga po. Daddy ko na po kayong lahat."he nodded.

Ngiting tagumpay naman na tumango si Speed kay Grey.

"Edi daddy na din ang itatawag mo saamin?"Eron asked my son.

"Ayos lang po ba 'yon, daddy?"nanghihinging permisyong tanong niya kay Aaron kaya natawa ako.

"Syempre naman."ginulo ni Aaron ang buhok ni Grey."Mas madaming daddy mas masaya hindi ba?"

Ngumuso si Grey at tumango.

"Tito Vince!"nawala ang atensyon niya sa apat at nabaling iyon kay Vince na kadarating lang.

Hanggang ngayon ay may communication pa din kami ni Vince. Noong araw na pumunta si Vince sa condo ni Aaron ay iyon din ang araw na naging okay kami at nakapagusap ng maayos.

Vince is a good friend. He is a good man kaya nga hanggang ngayon ay nagtataka pa din ako kung bakit wala pa siyang nagiging kasintahan o nagugustuhan.

"Vince,"

"Hi."he smile at me."Kamusta ang flight?"he asked me.

"Kakadating lang namin."I answered.

Tumango siya at nabaling na kay Grey ang atensyon lalo na ng niyaya siya ng anak ko na makipaglaro. Hindi naman makahindi si Vince kaya sa huli ay sumunod na din ito sa kwarto ni Grey para makipaglaro. Ganoon na din ang ginawa ng iba. Si Aaron na lang ang naiwan.

Naupo ako at pagod na bumuntong hininga. Ang tagal din ng biniyahe namin pero mukhang hindi naman napagod ang anak ko at may energy pa na maglaro.

"So..."umupo sa tabi ko si Aaron kaya nilingon ko siya.

"Apat na taon na pala."he said.

I just stared at him waiting for him to continue.

"Sa tingin mo kaya hindi pa talaga alam ni Greg ang tungkol kay Grey?"he asked.

"Siguro. I really don't know. Ayoko na ding isipin. Masaya na kami ni Grey."

"But Grey grow up to be a very smart kid. Maaaring hindi pa siya nagtatanong sa ama niya pero...kapag nakita niya si Greg. He doesn't need to ask. Dahil magkamukhang-magkamukha sila."

"Alam ko naman iyon, Aaron kaya nga hanggang maaari ay hindi ko hinahayaan na magkrus ang landas nilang mag-ama. I know I'm being unfair lalo na sakanilang mag-ama pero ayoko lang na madamay pa sa gulo si Grey. He's just four. Sasabihin ko din naman ang lahat tungkol sa nangyare sa amin ng ama niya kapag lumaki-laki pa siya ng kaunti. Pero sa ngayon...please, Aaron help me to hide my son."

Saglit na tumahimik si Aaron bago sa huli ay tumango at bumuga ng hangin.

After Sabrina and Greg got married the issue about my father's death lie low. Ang testigo na biglang sumulpot ay sinabing binayaran lang daw siya para idiin ang mga Versalius at talagang wala siyang alam. Kaya naibasura din agad ang kaso sa korte.

Hindi na ako umapila pa because I want my father to be at peace. But tito Lar suggested na siya na ang aayos at aalam kung ano ba talaga ang totoo. Hindi ko na daw kailangan istressin pa ang sarili ko doon at iuupdate na lang niya ako. Pumayag ako sa gusto niya. Dahil may isang parte pa din naman saakin ang gustong malaman ang totoo iyon nga lang mas nananaig saakin ang pagiging ina at ang magfocus sa anak ko. Dahil kahit andiyan sila Aaron mahirap pa ring magpalaki ng anak na wala mismo ang tatay niya. Ginawa ko ang lahat para mapunan ang kulang sa buhay ng anak ko, ang tatay niya si Gregory.

UntamedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon