Chapter 6
Sa mga sumunod na linggo ay naging abala na ako sa pagprapractice. I raced in the morning and night. I can't let anything or anyone distract me in the next days. Lalo na at malapit na ang tournament.
Inanunsyo na rin na sasali ako sa darating na all girls tournament kaya mas naging maingay ang pagbabalik ko sa karera at ang nalalapit na all girls tournament.
I step outside my car at sinalubong ang teammates ko.
"Ang aga mo ah! Mukhang hindi pa ata sumisikat ang araw nandito ka na." salubong sa akin ni Aries at inabutan ako ng bottled water.
"I can't sleep. Isa pa malapit lang dito ang condo ni Aaron." kibit-balikat na paliwanag ko.
"So you are really staying at Turner's condo, huh? What happened to your condominium?" Eron asked, as if he disagreed with that idea.
"I sold it." tipid na sagot ko at dumiretso sa isa sa bleachers at naupo.
Muntik pa akong napatalon sa gulat ng makita kong umupo rin sa tabi ko si Greg.
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Greg sa welcome party para sa akin ay hindi na ulit namin pinag-usapan ang tungkol sa relasyon namin noon. Iyon na rin ang huli naming pag-uusap tungkol doon.
I can see that he is back to his old self again.
"You should rest and avoid overdoing it. Next week na ang laban mo hindi ba?" tanong ni Greg at bumaling sa akin. Nakatayo naman sa harapan namin ang mga kaibigan namin.
"Yeah. Nagpapahinga naman ako. I'm just full of energy today I guess." I laughed.
He is trying to have a normal conversation like before so I might as well try. I can't let our past relationship ruin our team. Hindi na ngayon.
"Have you decided on your car for the tournament? Iyong dati pa rin ba?" Speed asked.
I look at Speed.
"I really don't know." I shooked my head, "Sabi ni tito Lar may mga bagong sasakyan para sa akin. He told me not to use my old car in this game." sagot ko.
"So what are you gonna use? Siguradong pag-uusapan ang sasakyan na gagamitin mo." Eron grinned.
"I really don't know. Hindi pa ako nakakapagdecide tungkol doon. Ngayon palang ako pipili."
"RAZE!"
Napalingon ako sa boses na tumawag sa akin. Nakita ko ang kumakaway-kaway na si Aaron.
He is walking in our direction.
Nakangisi.
"Ready ka na?" tanong ni Aaron sa akin ng tuluyan na siyang makalapit sa amin.
"Yeah. Nagpaalam na rin ako kay tito Lar. Basta balikan din tayo." I told him.
"Saan kayo pupunta?" usisa ni Speed.
Parehas naming nilingon si Aaron.
"Kukunin namin ang gamit ni Raze sa tinutuluyan niya rati." si Aaron ang sumagot kay Speed.
"Saan 'yan, sa province diba? We're free today. Puwedeng sumama?" nangingiting tanong ni Aries na diretso ang tingin sa akin.
"Uh. Don't tell me lahat kayo sasama?" tinaasan ko sila ng kilay.
Nagkatinginan naman silang lahat bago natatawang tumango sa akin.
"Wala naman kaming gagawin dito e. Matagal pa ang tournament ko. Andito lang ako lagi para manuod ng practice mo." Eron reasoned out.
BINABASA MO ANG
Untamed
RomanceVersalius Brothers #1 Gregory Versalius has a bad boy reputation that has not been tainted and untamed for many years, until he meets Grace Ross, who will make him question his untamed status because before the race even begins, he finds himself lo...
