Chapter 16
"Nagkabalikan na kayo noh?" bahagyang sinanggi ni Aaron ang balikat ko dahilan para mapalingon ako sa kaniya.
We were sitting on the sofa together habang pinanunuod sila Greg na nagkakatuwaan sa isang laro.
Akala ko pag bisita lang ang sadya nila Arthellus sa akin hindi ko alam na may plano pala sila na magpaparty dito. Ang sabi nila welcome party daw para saakin. Hindi ko na alam kung ilang beses na akong nagkaroon ng welcome party simula noong nakabalik ako rito. But surely all of those are fun.
Katulad na lang ngayon. Greg is jokingly hitting his brothers for some funny games that ended up them beating each other.
"Tatlong araw ka pa lang sa penthouse ni Greg kayo na agad? Ang rupok mo talaga sa lalaking iyan noh." he teased. Halatang walang planong bitawan ang usapan.
"I don't know what to do, Aaron." I sighed.
"I can't..."
"Hindi mo na kayang itago ang nararamdaman mo para sa kaniya?" siya na ang nagpatuloy ng gusto kong sabihin.
Mabagal akong tumango sa kaniya at napanguso. Mahina naman siyang natawa at pagkatapos ay ginulo ang buhok ko.
"Edi huwag mong itago. Sumugal ka ulit. Sugal lang nang sugal hanggang sa manalo." He chuckled.
Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa advice niya dahil panay naman ang tawa niya habang sinasabi iyon.
"Nakikita ko naman na hiyang mo ang alaga ni Gregory. At isa pa bagay naman kayo. You two bring the best out of each other. So why don't you trust your man more this time? Have faith in him? Ang blooming mo e si Greg lang ang kayang gumawa niyan sa iyo. Nuong si Vincent naman ang nag-aalaga sa iyo hindi ka ganyan ka blooming." humalakhak siya at muli nanamang ginulo ang buhok ko but this time we heard someone coughs.
Nang lingunin namin ni Aaron kung sino ang pekeng umubo nakita namin si Greg na nakatayo sa harapan namin.
Mukhang nagseselos?
"Huwag kang mag-alala, tol. Parang kapatid ko na itong si Raze e. Nagbobonding lang kami." paliwanag ni Aaron kay Greg.
But Greg just snorted.
"Kahit na. Ayokong ganiyan pa rin kayo kalapit." parang batang sagot niya na tinawanan lang ni Aaron.
"Huwag kang mag-alala hindi naman maaagaw iyang si Raze. Hindi naman magpapaagaw iyan e." tumawa si Aaron at tumayo na sa upuan.
"Sige na lovebirds maiwan ko na kayo. Doon na muna ako kila Speed." paalam ni Aaron at nagtungo kung nasaan sila Speed na nagtatawanan.
"Anong pinag-usapan niyo?" agad na tanong ni Greg nang makaupo sa tabi ko.
"He just asked me kung nagkabalikan na tayo." I answered.
"What did you say?"
I shrugged my shoulders.
"Hindi ko naman na kailangan sumagot. I think it's obvious." sabay nguso ko sa mga kaibigan namin na nakatingin sa amin mula sa kabilang side ng sofa na kinauupuan namin with their grinning faces.
"Hindi lang pala welcome party 'to e, comeback party din!" si Speed.
"Kailan pa? Totoo na ba iyan o?" Aries asked.
"This is real." si Greg ang sumagot at nakipag-apir sa mga kaibigan.
"Are we gonna expect a wedding then, kuya?" Arthellus asked in his joyful tone. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Greg.
BINABASA MO ANG
Untamed
RomanceVersalius Brothers #1 Gregory Versalius has a bad boy reputation that has not been tainted and untamed for many years, until he meets Grace Ross, who will make him question his untamed status because before the race even begins, he finds himself lo...
