Chapter 7
"Vince, you are gifted in this. I can recommend you to some friends that I know para dayuhin nila rito ang resto mo siguradong dadami ang customer mo pag nagkataon." Eron stated after finishing his meal.
"Well that will be great. But I doubt if dadayuhin nila ang porbes para lang matikman ang luto ko. The city is a big place. Madaming mga restaurant at resto roon na mas masarap ang inihahain kumpara rito sa amin. Mahahassle lang sila kung dadayuhin ang porbes lalo na at maliit lang ang probinsyang ito mahirap puntahan may tendency na maligaw pa ang customer." Vince chuckled softly. Sumulyap siya sa akin at marahan na ngumiti.
I smiled back at him.
"That's easy. Puwede natin ipromote through social medias. Or let's pay for the around the world advertisement." si Aries. Kinuha nito ang baso ng tubig at uminom.
"That will cost me so much money. Sapat lang ang kinikita ng resto ko para sa mga maintenance, pasweldo, at para makapagbukas pa sa susunod na araw. Kung may sobra man maliit lang. Hindi ko kakayanin." umiiling na sagot ni Vince.
"Money is not a problem to us. I can invest in your resto. This resto is worth for the big shot. Isa pa nakita ko na may bagong bukas na ice cream parlor sa nadaanan namin kanina. Iyon ang posibilidad na kakumpetensya mo lalo na at wala naman akong nakitang ibang gusali rito sa porbes." Eron said.
"Salamat. Pag-iisipan ko." tumango si Vince kay Eron bago bumaling sa akin.
"Speaking of that new ice cream parlor. Balak ko ngang dalhin doon si Raze pag uwi niya rito sa porbes." he chuckled lightly.
"Oh? Ano 'yon date?" usisa ni Aaron na hindi pa tapos sa pagkain pero nang marinig ang sinabi ni Vince ay nag-angat ito ng ulo at binalingan ang lalaki. Looking at Vince with his curious eyes.
"Sama! Puwede bang group date? I'm also craving for an ice cream as a dessert." Speed chuckled, wiggling his eyebrows.
"Oo ba! Mas masaya kung madami. At tsaka hindi naman talaga date iyon." nahihiyang umiling si Vince sa kanila at sumulyap sa akin na tila ba nanghihingi ng paumanhin.
"Kunyari ka pa, Vince!" si Aaron na ngayon ay nakangisi na.
"Pagpasensyahan mo na itong mga 'to. Kung gusto mong masolo si Raze ay ayos lang. Uuwi rin naman kami mamaya dahil balikan lang kami lalo na at may practice pa si Raze kaya abala 'yan pagbalik sa Manila."
Dahil sa sinabi ni Aaron ay tuluyan ng bumaling ang atensyon ni Vince sa akin.
"Uuwi ka rin pala mamaya. Akala ko ay bukas pa. Ayos lang ba kung bibiyahe ka ng gabi? Madilim sa kalsa..."
"She's a race driver, so you wouldn't expect anything less. She will be able to drive safely at night. She's gotten used to it." Greg raspy voice interrupted Vince kaya naman napalingon kami sa kaniya. Nasa dulo siya, nang makitang lumingon kami sa kaniya ay tinaasan lang kami ng kilay.
I heard Speed chuckle at nakipag-apir pa kay Aaron na katabi naman ni Greg.
"Siya nga pala, Vince, huwag mong kalilimutan manuod ng laban ni Raze. Next week na iyon." Aaron grins.
Changing the topic and the awkward atmosphere.
Nilingon siya ni Vince at tumango.
"I already marked my calendar for Grace...I mean Raze's game. Luluwas ako nun pa maynila."
Medyo nanlaki ang mata ko at nabigla. Hindi ko alam na may ganon pala siyang plano. Who told him about my game? Well it's not like I'm not gonna tell it to him. Sasabihan ko naman siya at iimbitahan pero naunahan nga lang ako.
BINABASA MO ANG
Untamed
RomansaVersalius Brothers #1 Gregory Versalius has a bad boy reputation that has not been tainted and untamed for many years, until he meets Grace Ross, who will make him question his untamed status because before the race even begins, he finds himself lo...
