Chapter 21

2.3K 78 6
                                    

Chapter 21

Picture


"Mama who is this?"

Abala ako sa pagtutupi ng damit nang magtanong saakin si Grey. Huminto ako sa ginagawa ko at nilingon siya na nakaupo sa kama at nakatutok sa cellphone ko.

"Sino?"I asked him back. Lumapit ako at naupo sa kama.

Ipinakita naman niya saakin ang screen ng cellphone ko.

Marahas akong napasinghap ng makita  kung sino ang itinatanong niya.

"He add you on Facebook po."he explained."So I checked his Facebook account. He seems decent."komento niya.

He seems decent?

Halos mapatanga ako sa harap ng anak ko. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong niya kung sino ang lalaki sa picture.

Titig na titig si Grey sa picture ng lalaki. 

"Is he married, mama?"maya-maya pa ay humarap ulit saakin ang anak ko at nagtanong.

Napalunok ako bago kinompose ang sarili at tumango sakanya."Y-yes, baby."I smile weakly at him.

Ngumuso naman siya at tumango saakin."Too bad."iyon lang ang tangi niyang isinagot saakin at pagkatapos ay ibinalik na niya saakin ang cellphone ko.

Hindi na siya nagtanong pa ng marami. Kahit na...

"Grey..."

"Bakit po, Mama?"

He already saw his picture!

Alam na kaya niya na ang lalaking nakita niya sa picture ay ang...

Marahan akong umiling at ngumiti sakanya.

"Nothing. It's just that mama loves you so much."

"I love you too, mama."pagkatapos ay yumakap siya saakin.

I'm sorry I couldn't give you a happy family, a complete one.

Nang hapon din na iyon nagpaalam saakin si Grey at sila Speed na aalis. Mamamasyal daw. Pinayagan ko naman.

Pagkatapos kong makaligo ay nakaalis na sila sa bahay. Tapos ay naglinis ako at nagluto ng pagkain.

"O, bakit ikaw ang gumagawa niyan?"tanong saakin ni Aaron na kararating lang.

"Wala naman akong gagawin. At isa pa umalis sila Grey kasama niya sila Speed, mamamasyal daw."I told him.

"Ganoon ba."tumango siya.

"Dumaan ako sa restaurant."he said.

It's Vince's restaurant. Actually they all own it. Nagpatayo sila ng branch ng restaurant ni Vince dito sa manila. At silang lima ang magkakasosyo. Talagang tinuloy nila ang plano nila noon. And I am happy that they are all getting along. Lalo na at magbubusiness partner na sila ngayon.

Hanggang ngayon naman ay nagkakarera pa din si Aaron iyon nga lang hindi na tulad ng dati. He still race pero hindi na nagcocompete. Kung magcompete lang ay madalang na.

Ganoon din sila Speed madalas ay nasa restaurant sila. Nagkakarera pa din pero parang bonding at libangan na lang nila iyon.

"Kamusta ang restaurant?"

He smile."Malakas ang kita."

"Mabuti naman."tumango ako sakanya.

"How about you? Do you find a job? Ayaw mo ba talagang tanggapin ang offer namin na maging business partner sa restaurant?"

UntamedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon