CHAPTER 9.

20 7 2
                                    

Sean's POV.

Agad kong nahila pasara ang pinto at muntik pang matamaan si Sin. Paano ba naman kasi? Pagkabukas niya ay bumungad siya samin na mukhang wala sa sarili at nakasuot lang ng robe. Mukhang kanina pa naman siya naligo dahil hindi na ganon kabasa ang buhok niya.

"Pwew," rinig kong sabi ni Carden. Lumapit naman ako sa pinto.

"Sin, go and change now." naramdaman ko namang naglakad siya paalis kaya binuksan ko na ang pinto.

Pumasok kaming lahat at nakitang walang tao at walang maingay na Amara, ibig sabihin hindi pa sila nakakauwi. Naupo na lang kami sa sofa at binuksan ang TV, binuksan ko ang Netflix at wow, himala may account na naka open.

Ahh, kay Sin pala, tiningnan ko yung mga suggestions, continue watching at my list niya, karamihan ay mga Sci-fi at Horror movies, yeah seems like her.

"Hoy gago, ano na namang ini-imagine mo diyan ha?" tanong ni Ryder kay Carden na ngayon ay nakatulala at bahagyang nakanganga.

"Huh?! Hindi 'no! Hindi ko tiningnan si Sin kanina!" tanggi niya at agad naman siyang binatukan ni Nate.

"Hule si tanga." pang aasar ni Carter.

"Boi, respect boi. Respeto sa mga babae pare." tinapik tapik pa ni Liam ang balikat ni Carden na halatang inaasar ito.

"Wala naman akong sinabing si Sin ang iniisip ko ah! Hindi talaga pramis mga pre!" sigaw ni Carden samin.

"Tanga, ikaw naman mismo nagsabi na eh, tinatanong ka lang naman kanina kung anong iniisip mo." asar na sabi ni Yohan at pinagbabatukan nila si Carden, kawawang bata.

Pumili na lang ako ng pedeng panoorin, yung alam kong walang 18+ dahil kapag meron, siguradong mau-ulol ang mga 'to.

Tahimik lang kaming nanonood nang biglang pagsisikuhin kami ni Liam.

"Si Yohan! Pumasok sa kwarto mga pre," bulong niya at tinuro ang kwarto, kaya nalibot ko ang tingin ko at wala na nga si Yohan sa tabi ni Noah.

"Uy dumadamoves si Fafa Yohan!" Carter.

"Naks speed!" Jackson.

"Sabi na eh, may something." napatingin ako kay Liam dahil sa sinabi niya at ngising aso naman siya sakin. Tss.

"Kayo, napakadudumi ng isip, malay niyo kakausapin niya lang." panenermon ni Noah.

"Usapan sa kwarto?" Griffin.

"Bakit hindi ba pedeng mag usap sa kwarto? Privacy kasi mga pre." Noah.

"I agree." sagot ko at tumingin sila saking lahat na nakangisi. Tss mga gago.

Sin's POV.

Pagkasara ni Sean ng pinto at nang marinig kong sinabi niyang magpalit daw ako ay agad akong pumunta sa kwarto at kumuha ng damit ko. Hindi naman totally robe lang ang suot ko, may undergarments naman pero aish. Nagsuot na lang ako ng white short at black oversized hoodie. Naupo na ulit ako sa kama ko at pinagkrus ang legs ko. Sinuot ko din ang hoodie sa ulo ko at saka ko kinuha ulit ang sketch pad ko.

Pero wala na akong mai-sketch dahil sa nangyari, kaya kinuha ko na lang isa ko pang sketch pad sa drawer at don na lang nagdrawing ng kung ano. I just sketch a mountain and a tree without leaves and may moon sa taas. Sa kalagitnaan ng pagguhit ko ay may kumatok sa pinto. Hindi ako sumagot at naramdaman ko na lang na may pumasok na.

AMON ACADEMY | on-hold |Where stories live. Discover now