CHAPTER 13.

23 7 0
                                    

Sin's POV.


Nagising ako dahil sa sobrang lamig. Ito ang nakakainis pag nagkakasakit ako, hindi normal ang lamig na nararamdaman ko. Hinila ko pataas ang kumot ko at niyakap ang sarili ko gamit iyon. Grabe sobra naman atang lamig? Tiningnan ko ang oras at nakitang 2AM pa lang, hindi ko naman pedeng hinaan ang aircon, baka magising 'tong tatlo. Tumayo ako at nagsuot ng jacket saka kinuha ang comforter ko at lumabas papuntang sala.


Putol-putol na ang tulog ko. Kainis. Wala akong pedeng sisihin kundi ang sarili ko. Kung hindi ako umalis, hindi ko makikita yung pusa, hindi sana ako maaawa, higit sa lahat hindi sana ako mapapaaway, at hindi ako mauulanan. How ironic I love animals more than people. I hate it when my kinds hurts animals. I'd rather see animals hurting people. But of course not so much.


Nahiga na lang ako sa may sofa, dito na lang ako matutulog, para hindi gaanong malamig.


***


"Hala, bakit dito natulog si Sin?"


"Inaapoy ng lagnat, baka nilamig masyado sa kwarto niyo?"


"Oo nga! Lakas lakas kasi mag aircon nito ni Kinsley eh!"


"Hala, sorry naman! Hindi ko naman alam eh."


"'Wag ka nga sumigaw Amara, baka magising siya."


Ramdam na ramdam ko ang sakit ng ulo ko. Ang bigat sa pakiramdam. Minulat ko ang mata ko at bumungad sakin ang mga mukha nila.


"Ayan! Nagising na nga, ingay ingay mo kasi eh!" sigaw ni Carden kay Amara.


Nag pout naman agad ito, "Waaah, sorry Sin!"


"It's fine." umayos ako ng upo at napahawak sa ulo kong parang binibiyak sa sakit. Damn it.


"Sin, 'wag ka muna masyado gumalaw diyan, patapos na yung niluluto namin ni Nylah. Sopas para mainitan ka, nilalamig ka pa din ba?" tanong ni Caylee kaya tumango ako, inayos niya naman ang pagkakalagay ng kumot ko, "Inom ka gamot after eating." yeah I need many meds.


Maya maya ay tapos nang magluto sina Caylee, dinalhan pa nga ako dito ng pagkain sa sofa, kahit na sabi ko ay kaya ko namang tumayo.


"Huwag ka na muna kayang pumasok Sin? Ipagpapaalam ka na lang namin kay Dean." suggest ni Liam.


"Oo nga, magpahinga ka na lang muna dito." pag sang-ayon naman ni Tori.


"I can manage." sagot ko kahit talagang mabigat pakiramdam ko, ang lamig na ang init! Para akong sinusunog at the same time ay binubuhusan ng tubig na may yelo!


"Okay, tell us if you need anything or if you really don't feel well, okay?" tumango ako kay Elyse.


After naming kumain ng breakfast ay umalis na sila at naiwan na lang kaming apat.


"Sin, ikaw na muna gumamit ng banyo, mag shower ka ng hot okay?" tumango na lang ako at kumuha ng damit ko. Hindi na nakakagulat na pinauna ako ni Kinsley kahit pa mas mabagal siyang kumilos sakin. Baka kasi kapag nakaligo na ako ay gumaan naman ang pakiramdam ko.


Mabilis lang din akong naligo dahil kahit mainit na ang tubig ay nilalamig pa din ako. Lumabas ako at mukhang si Caylee pa din ang gumagamit sa kabila dahil nakaupo pa si Amara sa kama niya.


AMON ACADEMY | on-hold |Where stories live. Discover now