CHAPTER 14.

21 8 0
                                    

After a week..

Sin's POV.


Napainat inat ako ng kamay after tumunog ng bell. Finally tapos na din ang klase. Nangalay ang kamay ko doon ah, ang bilis naman kasi mag slide show ni Miss Jean ng PowerPoint, akala mo ay laging may hinahabol. Tuesday na nga pala ngayon, kaya siya ang last naming klase for today. And it's already 3PM.


"Meryenda tayoooo!" pag aaya ni Caylee at agad namang sumang ayon sina Kinsley. Napatingin sila sakin at ano pa bang magagawa ko?


Naglakad na kami papuntang Cafeteria, habang naglalakad ay halos lahat sila ay nagrereklamo na masakit ang kamay kakamadali ng pagsusulat.


Napaisip naman ako, it's been a week since magkasakit ako. At mabilisang gumaling. Strangely that night, I woke up and felt great. As if hindi ako nanggaling sa sakit. As far as I remember, I fell asleep right after I lay down, then woke up because I feel so damn cold as if someone's freezing me. Nung gabing yun, paglabas ko ay sina Amara, Caylee at Kinsley lang ang nakita kong kumakain ng dinner, nagulat pa sila ng makita ako at agad nagsorry dahil hindi daw nila ako ginising para kumain.


Of course something felt strange that time, tahimik lang sina Caylee and lalo na si Amara. It's like, pinipigilan niyang magsalita dahil baka kung anong masabi niya. So of course I asked them what's wrong.


At first they were hesitating to answer. But after a while they told me too. They said Margot healed me, and that Tori somehow read my mind. I don't know how to react so I just tell them to tell me more details.


After explaining, they won't stop saying 'sorry'. Maybe because they thought I'll be mad. If I'm in City, I would definitely be, I'll rather die than being saved by a demon or angel. But I was very thankful to Margot, she saved me from that suffering and I was sorry to Tori. I didn't mean to made her feel my pain. And to everyone, they got affected too after Tori told them what she saw. Sigh. Weird, how could that even happen when Tori said she can't read anything from my mind ever since she met me?


"Hello, earth to Sin!" sigaw ni Liam dahilan para mapatingin ako sakanya.


"H-huh?"


"I'm asking you what you wanna eaaat?" tanong nito at napaisip naman ako.


"Uhm, chicken sandwich." inabot ko sakanya ang card ko at ngumiti naman siya at tumango bago humarap kay Sean.


"Bro! Rinig mo naman diba? Oh ikaw na bumili." ibinigay niya kay Sean ang card ko at napabuntong hininga na lang ito. I don't know what's up with them but they keep making him buy my food everytime.


Umub-ob na lang ako at pumikit, inaantok ako! Kainis naman kasi eh, makakatulog sana ako kaninang vacant namin kaso may demonyong nakaupo sa likod ko kaya hindi ako makatulog bwisit.


"Ash!" speaking of the devil. Hindi ko siya pinansin at nanatiling naka ub-ob, "Ay, tulog ba siya?"


"Siguro, bakit ano ba yon tol?" rinig kong tanong ni Ryder.


"Ah! Pakisabi na lang sakanya na gusto siyang makita ng Dean. Salamat pare!" mabuti naman at umalis na din siya, pero what?! Aish, why? As far as I know, I haven't done anything bad yet. Yes, 'yet'.


Maya maya ay naramdaman ko na ang pagdating nina Sean. May tumapik sa balikat ko at pag angat ko ng ulo ko ay tumambad sa harapan ko ang mukha ni Sean. Ugh, 'bat ang lapit niya? Agad naman siyang umatras at naupo sa katapat kong upuan. Inabot niya sakin yung sandwich ko at may kasama pang tubig, nagpabili ba ako 'non?


AMON ACADEMY | on-hold |Where stories live. Discover now