CHAPTER 12.

20 8 0
                                    

Third Person's POV.


Matapos kumain ng lahat ay nagkanya kanya nang punta ang mga ito sa may sala.


"Haaah! Busooog." hinimas himas ni Carden ang tiyan niya.


"Sa lakas mo ba namang kumain eh, malamang mabubusog ka nga, grabe ka dinala mo pa dito katakawan mo!" sigaw naman ni Amara dito.


"Anong katakawan ka diyan?! Masasarap lang yung niluto nina Tita kaya napasarap kain ko!" ganti naman ni Carden, magtatalo pa sana ang dalawa pero humarang na sina Caylee at Nylah.


"Tumigil nga kayong dalawa, pati ba naman dito ha?" nagpamewang si Caylee sa harap nila.


"Mamaya na kayo mag away o kaya bukas na lang para tayo tayo lang! Nakakahiya eh." wika naman ni Nylah.


"Ito kasi eh." tinuro ni Carden si Amara.


"Ako pa talaga?! Eh ikaw diyan yung-" tinakpan na ni Margot ang bibig ni Amara para matapos na.


"Feel free to do anything mga apo, kung nagugutom kayo ay madaming pagkain sa ref o kaya ay magpaluto kayo kina manang, kung mga inaantok naman kayo ay pede niyong gamitin ang mga guest rooms doon sa taas." ngumiti si Grandma sa kanilang lahat.


Nag kanya kanyang gawa na sila, ang iba ay nanonood ng movie, naglalaro naman ang ilan, nag uusap usap at kung ano pang naisipan nilang gawin.


"Oh, Sin!" tawag ni Caylee kay Sin kaya napalingon ito dito, "I remembered! Do you have collections of BTS merchs? Like albums, dvds, posters, lightsticks or whatever?" tumango naman si Sin.


"Just a few, the others are on our house." napatango naman si Caylee.


"Can we take a look, pleaseee?" nagpa-puppy eyes pa si Nylah kay Sin.


"Sure, why not." tumayo si Sin at masayang sumunod sakanya ang tatlo. Pagkaakyat nila ay dumiretso sila sa pangatlong pinto sa kanan, binuksan ni Sin yon at bumungad ang isang simple pero magandang kwarto sa harapan nila.


"Wow, you love grey?" tanong ni Margot dahil halos lahat ng furniture at mga gamit sa loob ay kulay grey.


"Black and white, I just combined it so grey, yeah." dumiretso na silang lahat papasok at pumunta si Sin sa may gilid malapit sa bintana, may shelf na makikita doon at puno ng BTS collection ni Sin.


"Wow! Ang dami namaaan!" tuwang tuwang sabi ni Caylee at kinuha ang isang album.


"I have some packages here, I'm not sure what they are but it's all BTS stuffs for sure."


"Sure sure! Let's do some unboxing! Yey." masayang sabi ni Nylah at nagsimula na silang magbukas ng packages na nandoon sa may lapag ng shelf.


Una nilang binuksan ang isang box na nasa ibabaw. Memories of 2017 pala ang laman nito.


"There's a DVD player on our dorm, right?" tumango naman si Caylee, "Then let's watch it there." kinuha ni Sin ang CD at inihiwalay, nagpatuloy lang sila sa pagu-unbox at kapag ang nakukuha nilang photocard ay si RM pinakamasaya si Caylee, pag naman si Jin ay sina Nylah at Margot, nalaman din ng tatlo na si JK pala ang bias ni Sin.


"Sin, walang nakalagay kung anong product 'to at kung saang shop galing." ini abot ni Margot kay Sin at isang black na box na walang nakasulat na kahit ano. Itinabi na lang niya yun at sinabing hindi daw BTS merch ang laman.


AMON ACADEMY | on-hold |Where stories live. Discover now